Chapter 2

3.4K 75 8
                                    

After soooooo many years later...


"Dum di dum... da da da... dum di dum... hmmm.. mmm.mmm...."


Abala ako sa pakikinig sa sample music ng CD na hawak hawak ko pa. I am head-banging to the upbeat music as I read the CD's song on the back of the case.





Aha! Who could this be? Isang lalake ang lumapit sa tabi ko at nakitingin sa iba pang mga nakahilerang CDs. Napatingin ako sa kanya at napatingin din ito sa 'kin.
Napangiti ako. 😊






Agad, parang nakalimutan ko ang pinapakinggan at tila nahihipnotismong nilapitan ko siya, but huli na ang lahat before I remember na nakasuot pa sa ulo ko ang headphone, tuloy nahila ako pabalik. Ouch! It felt like some bitch had tugged my long hair when I was thrown back to where I am standing. Huhu.





Agad na inalalayan ako nung lalaki nang makita ang nangyari. "Ayos ka lang ba,Miss?"






Nanggigigil na inalis ko ang headphone at ibinaling ko ang buong atensyon sa kanya ---- with my ready-make-smile. "Hi!"




"Ayos ka lang ba talaga?"


"Oo. Sanay na ako sa ganitong pangyayari."


"Lagi kang nadidisgrasya sa record store.?"


"Hindi lang sa mga record stores."


Tumawa lang ito. He had a nice laugh. And it's very cute! "Kung gano'n hindi lang pala ako ang nag-iisang lalakeng knight in shinning armor mo. Sayang, akala ko pa naman, maganda na ang nagawa kong first impression sa'yo"





Hindi rin naman malakas ang dating ng isang to ah. Tsaka, hindi lang naman talaga siya ang knight in shinning armor ko. Dahil ang lagi kong hero ay si Alyssa. Naaalala ko tuloy nung iniligtas niya ako sa mount arayat dahil sa ahas. Tsaka yung gumamela na violet.






But I like it. And he's really cute and nice. Anak ng tipaklong! Buhay na naman ang mga nerves ko!






"Mahilig ka rin pala sa Rage against the machines." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang hawak ko na CD. "Nice choice."



"Thanks!" Actually, CD ng The Script ang hawak ko kanina. Nadampot ko lang ito kanina nung madisgrasya ako. Blessing in disguise! " Yes, I like Rage against the Machineries. Very inspiring ang mga songs nila. Tunog pa ng movie ni Arnold Schwarzenegger."




Muli siyang tumawa. "Yeah, something like that."



Tama ba yung sinabi ko? "Gusto mo rin ba ang..." sinipat ko ang hawak. Gosh! Hindi ko maintindihan ang concept ng album cover. "CD nila? They're good, aren't they?" Mabuti na lang at biniyayaan ako ni Lord ng talent sa pagpapalusot. Kelangan ko na lang magpalusot dito para mailayo siya sa usapan. I flipped my long hair. Aha! Effective. Tila nawala ito sa sarili niya.





"I guess so." Sagot nito. "Basta, marami lang akong naririnig na magaling sila. So, bibilhin mo ba yan? Ako na lang ang magbabayad, in one condition."





"Ano yon,?" Pinatulan ko ang kahibangan nito. Hahaha. E bakit ba, I like him!



"You will have coffee with me."



Yes! "Sure." Ibinalik ko sa lagayan ang mga CDs ng mga album ng Rage against the whatever you may call it. "By the way, I am Dennise."




"Luis. Luis Alfonso." Tinanggap nito ang kamay na inilahad ko. Naglalakad na rin kami palabas. "You have nice soft hands."



"Thanks sa mga beauty products na gamit ko."


Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now