Chapter 4

2.7K 72 2
                                    

*Dennise's



Her squirring look almost got into my nerves.






"What?" Hindi na makatiis na tanong ko. "Seryoso ako."







Nasa office niya kasi ako ngayon at hawak hawak nito ang kabuuan ng 'past life' ko ------ my resume.






Inilapag niya ito sa ibabaw ng kanyang desk. "Alam ba ito ni Tito-daddy?" Sabi nito na ang tinutukoy e si Daddy. Nakasanayan na rin kasi niya ang pagtawag ng tito-daddy kay dad. Pareho lang kami syempre. Haha.






"Hindi, kaya nga I want to surprise him."







"Ni minsan hindi ka pa nakapag trabaho sa office environment. Den naman. Bakit mo na naman naisipang mag apply bilang..." binasa niya ang nilagay kong trabaho sa resume.





"Personal assistant ko?"






















*Alyssa's






"Working makes me feel more down to earth." Only child kasi ito gaya ko at tagapagmana ng Medical hospital nina tito-daddy at tita-mommy. Pero tapos naman na to sa Med School at nakapasa na ng board exam. Residency na lang ang kulang at ganap na siyang doctor, ang kaso nga lang ewan ko dito at di pa nag uumpisa sa residency niya.








She worked as a service crew sa fast food restaurant na malapit sa university noon. Napag tripan lang naman niya, at bakit? Dahil may nakilala siyang cute na service crew dun. O db? Ang maganda lang saglit lang siya dun kasi ilang linggo na ang itinagal niya hindi pa rin siya nililigawan nung cute na service crew. But atleast it gave her an oppurtunity to know what its like working for a little paycheck.





"Mayro'n na naman bang kinalaman ito kay Lito?"



"Luis." Pagtatama niya. Whatever. "He's such a darling. At napakasipag niyang magtrabaho. Alam mo bang------"




"Yeah, so?" Hindi ko na siya pinatapos.



"I need this work, Aly. Sige na, please. Tanggapin mo na ako. May work experience naman na ako kaya------"





"I don't need an assistant."





"But we're friends. Hindi mo ba pwede i-consider man lang yun? Alang-alang sa------" I cut her off again.





"Bakit hindi ka na lang sa hospital magtrabaho? Para maumpisahan mo na ang residency mo at maging ganap ka ng Doctor. Don't you want to save lives? They need you there. At tsaka para naman mapakinabangan narin ang..."muli niyang binasa ang resume ko "work experience mo as fast food restaurant crew."






Naningkit ang kanyang mga mata. "Pinagtatawanan mo ang naging accomplishment ko sa buhay? I don't think there's something funny about it. Pinaghirapan ko ang trabahong yun. So you ought to give me some respect, you Miss I'm-so-damn-great-with-everything! At kung wala kang balak i-hire ako, dapat sinabi mo na lang na lumayas ako sa harap mo!"






"In my world, it's supposed to be 'We'll call you."


















*Dennise's




"You..." nanggigigil na talaga ako but wala akong magandang maisip na sabihin para ibato dito. Maybe I could just throw her, her marble signage. Or her pen cap. Makatayo na nga lang, ayaw ko rin naman siyang saktan.






"They will just treat me like a baby. Tsaka alam mo naman na nagpasa na ako sa st. Lukes ng papers ko for my residency di ba. Kaya nga mas pinili kong dito muna ako sa kompanya mo magtrabaho para mas matutuhan ko nang maayos ang mga trabaho sa isang negosyo nang walang sino mang magche-check sa akin minu-minuto." Sinimangutan ko ito. "Tama na ngang paliwanagan ito. Nakakatamad na. Aalis na lang ako."



"Den------"


"Oo na. Oo na. Lalayas na po."


"I'm not throwing you out."






Tumayo na rin ito at lumapit sa akin. Pero dahil wala na ako sa mood na makipag usap rito, nagtuloy tuloy ako sa pinto. But she caught my hand and held it gently but firmly on my arm. At dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nilapitan niya ako para pigilang umalis, nagulat ako. Bigla na lang akong napapiksi nang maramdaman ang pagdampi ng init na hatid ng kamay niya sa braso ko. Tila may mahinang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
What the heck was that?








Binalingan ko ito para sana tanungin kung ano ang kakaibang sensasyong naramdaman pero lalo lang nadagdagan ang katanungan ko sa isip nang masilayan ang magandang mukha niya. There's this expression on her face so delicate that I couldn't take my eyes off of her. Parang inaasinta nito ang kaloob looban ng puso ko, kasabay ng mahinang boltahe ng kuryente kanina. Palakas ng palakas, halos hindi ko na maialis ang mga mata sa mukha nito.







But she slowly bowed her head so low, I couldn't even read her face now. At nang magtaas ito ng tingin, parang naging guni guni ko na lang yung kanina. Her beautiful face was once again back to its plain seriousness.







Talaga bang nangyari yun? Or nananaginip lang akong gising?





"Sorry." Sabi nito.






Siguro nga ay nananaginip lang ako nang gising. For years, I never saw her with a faulty expression other than seriousness. In fact, once in a blue moon lang siya kung tumawa o ngumiti. And in those times, she had become more than a beautiful face and a walking brain.







"Nevermind." Sabi ko. "Sa ibang kompanya na lang ako maghahanap ng trabaho. Susubukan ko kina Ate Fille, baka kailangan nila ang janitress sa animation studio nila ni Ate Gretch.







Those two were her longtime friends. Pero si Ate Gretch ang pinakamatagal, bata pa lang ay magkaibigan na sila. At dahil magkababata kami kilala ko na rin ang mga childhood friends nito na friends niya pa rin hanggang ngayon.






"They don't need any additional employee at the moment."



"Paano mo nalaman?"



"I just talked to them lastnight." Nakakinis!









"Susubukan ko na lang kina Luis."

















***Green 😂



LaDen pa rin ang bagsak hahaha!

Peace po ✌✌✌

Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now