Chapter 20

2.7K 70 10
                                    

Now what? Ano ba ang dapat na sabihin pagkatapos ng mga pangyayari? Dapat na bang ipagtapat ko ang nararamdaman? Ito na kaya ang tamang oras? Kung hindi, saan at kailan dapat?



"Nagugutom ka pa ba?" Mayamaya e sabi nito. "Sa bahay na lang tayo kumain."

"Pero kailangan ko pang bumalik sa office, Ly. May trabaho pa tayo."


"Ako naman ang amo."

Ganon kasimple. Napapayag na niya ako. She led me out of the crowded mall and into the parking lot. Tahimik na tahimik ang loob ng car habang bumibyahe kami patungo sa bahay nito.

Parang may malakas na namang tensyon na bumabalot sa amin. Ang kaibahan hindi na tulad ng dati nung mayroong hindi kami pagkakaunawaan. Ngayon parang positibong tensyon. And I am beginning to have high hopes. Sana nga.



Pagdating sa bahay, agad na hinubad nito ang coat nito at itinupi hanggang siko ang manggas ng long sleeve polo niya pagkatapos ay dumiretso sa kusina.


Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. The last time I am here may ibang babae dito. Since that day, ilan pa kayang babae ang dinala niya dito?



Den! Hindi na importante kung ilang babae pa ang dumating sa buhay niya. Ang mahalaga ikaw ngayon ang kasama niya.




Kung hanggang kailan magtatagal ang sitwasyon namin ngayon? Bahala na. Sinundan ko ito sa kusina.




"I didn't know you can cook?" Abalang abala ito sa pagluluto. "Akala ko ang tanging alam mo lang pakialaman ang components ng bawat gulay at prutas na isinasama mo sa mga ginagawa mong energy drinks."





"Marami pa akong hidden talents. Pero saka ko na iyon ipapakita."




Well, that lifts my spirit. She's talking about the future ------ our future. Ang ibig sabihin hindi agad ako mapapalitan sa buhay niya! Na medyo mahaba haba pa ang pananatili ko sa bahay niya at kusina ng kanyang puso. Ugh! Ang sweet!




"Anong niluluto mo?." Naupo ako dito sa kitchen counter and pinanood ko siyang magluto.



"Tanghalian natin."

Did you hear that? She said tanghalian natin. Natin. As in siya at ako.

"Ano nga? Menudo?"

"Adobo."

"Menudo yan eh."

"Adobo nga."


Natawa na lang ako. Sino ba ang mag aakala na ilang oras lang ang nakakalipas, nagsisigawan at nagtatalo pa kami sa office. Pero heto ngayon, kakatapos lang mang trip sa isang teenager at naging wedding crasher. Pagkatapos kasama ko ito ngayon na naghahanda ng makakain.


"Sige na nga. Menudo na yan kung menudo."

"Adobo." Giit parin nito.

"Okay." Should we be talking nonsense like this? Hindi ba dapat ang kakatapos na halikan ang dapat pinag uusapan ngayon? It's a big deal anyway. It is, after all, our first kiss. It should mean something to her because it meant a lot to me.



Nagpatuloy ito sa pagluluto ng "medobo". Maingat na inilagay nito sa microwave oven ang malaking bowl ng ulam. Kung ayaw pa nitong pag usapan ang tungkol sa naganap sa wedding reception okay lang. Just as long as I would have her this way for a moment.


Dumampot ako ng ilang pirasong grapes at ibinato kay Aly. Napa peace sign ako ng lumingon ito, nang makita niya ang hawak ko hinanap nito ang grape na ibinato ko at binato sa akin. Natatawa kami pareho. What a childish game. Naulit pa ng naulit hanggang madampot niya ang malaking pineapple na naligaw sa kitchen sink. 😲




Best friends or Not? (AlyDen)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin