Chapter 16

2.3K 64 4
                                    

"Ipinagpalit ka lang niya sa isang dart game, Den?" Pasimpleng sabi ni Ate Fille ng lumapit ito sa buffet table. "Papayag ka ba ng ganon nalang?"







Syempre hindi. Sabi ko sa isip.







"Gumanti ka."







Talaga! Kaya habang hindi pa nag eexpire ang inis ko dahil sa biglang pag iwan niya sa akin, nilapitan ko ito. Inilapat ko ang isang kamay ko sa balikat nito at marahang pinaglandas sa likod niya.







"Goodluck." Bulong ko. Na sinadya ko bilang pagganti sa ginawa niya.









Lalayo na sana ako but I changed my mind. Mas type kong mang akit ngayon at tingnan ang mga kakaibang reaksyon niya na hindi ko pa nakikita magmula nung bata pa kami.










"Fille, come here, honey." Paglalambing ni Gretch ke ate fille na nakatikim din agad ng batok. "Ouch! What was that for?"









"Mela baby give me a kiss." Nguso naman ni Kim na pinaunlakan naman ng fiance' nito.










Mukhang dahil sa ginawa ko nainggit ang mga to. Si Gretch naman lulugo lugo pero hinihimas narin ni ate fille ang ulo nito na binatukan kanina. Tatawa tawa ako na binalingan si Ly na tahimik parin hanggang ngayon.







"Kaya pala nating makaimpluwensiya ng lovers ano, Ly?" Niyakap ko ang braso niya na gaya nong ginagawa ko noon. "Ano kaya ang gagawin nila pag hinalikan kita?"









"Stop it, Den."








"Stop what?" Lalo tuloy akong ginanahan na inisin siya. "Bakit? Ano bang ginagawa ko sayo,?"









"Stop hugging me." Sinubukan niyang alisin ang pagkakayakap ko sa braso niya. Nang hindi ito magtagumpay, inilipat niya sa kabilang kamay ang hawak na darts tsaka tumira sa board.








"Matagal na kitang niyayakap ng ganito. Bakit ngayon mo lang ako pinipigilan, kung kailan nasanay na ako?" I slowly drew a circle on the fabric of her sleeve shirt with my fingers. "Wag mong sabihing naaakit ka na sa lagay na to?"









Sa unang pagkakataon, nakitaan ko siya ng negatibong reaksyon. She looked nothing like the girl I knew from childhood. May nagbago na rito. Kung ano man yon hindi ako sigurado. At mukhang wrong move yata ako. Ito na ang ikinatatakot ko.








"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Den?"







"I.... I was just-------"








"Flirting with me? Sinabi ko na sayong tigilan mo na di ba?" Galit na nga ito.








Nakahalata na rin silang lahat dahil nabaling ng sa amin ang atensyon nila.








"Ilayo niyo sa akin si Den."








Agad kumilos sina Ara. Hindi narin ako tumanggi pa ng akayin ako ni Besh Ella sa kabilang part ng reaction room. Nang kumilos sina Ate Dzi para ipagtanggol ako pinigilan sila nina Gretch.








"Kukunin ko na lang ang jacket ko at aalid na ako." Sabi ko kay Ells. "Mag tataxi nalang ako."










"Besh, hindi ka naman pinapaalis. Pahinga ka lang dito. Okay?" Halata sa boses nito ang pag aalala.









Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now