Chapter 3

2.9K 79 7
                                    

*Dennise's


Abot hanggang tenga ang ngiti ko habang naglalakad dito pa rin sa mall pagkatapos naming maghiwalay ng landas ni Luis. Hindi ako nagkamali ng akala, napaka-gentleman niya, masarap kausap at hindi nawawalan ng ready-made na papuri para sa akin. Higit sa lahat, niyaya niya ako for a formal date tomorrow night! Ito na. Ito na ang lalakeng matagal ko ng hinahanap.






Napansin ko si Alyssa sa di-kalayuan. Aba't nandito pa pala to? Nakapamaywang ito habang nakatayo sa harap ng window ng botique ng Gift Gate, para tuloy siyang may malaking pink ribbon sa ulo. Hindi na tuloy maalis ang ngiti ko papalapit dito.







"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Ay ang sungit! Hindi pa rin nagbabago ang expression niya. Cute ka pa naman sana. Ang seryoso at mukha pa rin siyang badtrip. "Ilang oras kitang hinanap, hindi kita makita. Saan ba kayo nagsuot ng asungot na yun?"







"Hinanap mo ako? Talaga? Ngayon mo lang ginawa yan sa buong buhay mo ah. Ang sweet naman. Pa-kiss nga!"






Gaya ng inaasahan, lalong nangunot ang noo niya. Tila ba sinasabi 'alien ka ba?' That's Alyssa's usual reaction to my antics. Natawa na lang ako. Sanay na kasi ako sa pagiging OA at KJ niya.







"Sabi na nga ba eh!" Pagpapatuloy ko. "I know someday somehow, you'll gonna miss me, Alyssa Valdez!"






"Akala ko ba kumain ka na? Bakit parang mukha kang nalipasan ng gutom at kung ano ano ang pinagsasasabi mo dyan." Kinuha nito ang mga shopping bags or rather, ang nag iisang pulang grocery bag. "Napasama ang mga pinamili ko sa'yo kaya hinahanap kita."




"Ano ba yan?"

"Something."





Malakas ang kutob ko na ang 'something' na sinasabi niya ay mga secret ingredients nito sa mga inieksperimento. Hindi ko na lang inusisa, iniangkla ko ang isang kamay sa braso niya at hindi inalis ito kahit na ilang beses itong nagpumilit na kumalas. I am not yet ready to let her go. Not just yet. Ngayon pang fired up na ako para magkwento. Wala kang kawala!















*Alyssa's





"Luis is so great, Alyssa! He's so nice, charming, funny, witty and a true gentleman. Ang dami niyang kwento at nakakatuwa siyang pakinggan." Hinatak na ako nito at naglalakad na kami ngayon. Super clingy talaga ng babaeng to. But it's okay, ganito naman na talaga kaming maglambingan. Kahit na madalas e siya ang nagbe-benefit sa lambingan namin. Dahil sa tuwing nasa ganito kaming sitwasyon, it usually involved her talking about het love life-----nonstop! At wala akong magawa kundi ang mapilitang makinig sa kanya.




"Isa pala siyang marketing manager sa isang malaking hotel dito sa makati. At ang galing niya sa kanyang work, ilang beses na rin siyang naipadala sa ibang bansa bilang representative ng kanilang hotel. He's been planning to resign from his current job three years from now to put up his own business. Ang galing niya no?"





"Anong magaling dun?"



"Lahat. Ang dami niyang plano sa buhay. And I think he's just perfect."



"Let me guess, any minute now, you're going to tell me you're inlove with him" Counting... one, two, three, fo-----ur...




"I am in love with him!" Nanggigigil na pinisil pa niya ang braso ko sa sobrang kilig. "Mahal ko na siya, Alyssa!"




"That's new," simpleng sagot ko. Normal na kasi sa akin na marinig ang mga sinabi niya.




"Na-beat mo ang record mo two months ago, hindi ba't nainlove ka lang kay myco a day after you met him?"




Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now