Chapter 19

2.3K 64 1
                                    

Their lips finally met.



And...



Dennise finally understood the real meaning of true love. Dahil ng isang pag ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla ring maglalaho. Ang totoong pag ibig ay nananatili sa puso at hindi maglalaho kailanman. Bagkus, yayabong ito at magsisilbing inspirasyon para sa dalawang taong nagmamahalan na manatiling tapat sa damdamin ng isa't isa.








Ganon ang nangyari sa kanya. Minsan na niyang naramdaman ang espesyal na damdaming yon para kay Alyssa nong nasa high school pa lang sila. Inakala niya noon natapos na yon dahil hindi siya nito pinapansin kaya ipinagpatuloy na lang niya ang maging kaibigan ito. Pero ang espesyal na damdamin palang iyon ay nagtago lang sa puso niya at hindi tuluyang nawala.






All this time, naroon lang pala iyon at inaalagaan ng kanyang puso hanggang sa dumating ang tamang oras na kailangan nang maipaalam sa buong sistema niya.









Nag eexist pa rin ang damdamin niyang yon para kay Alyssa. She realized that when she's in her arms, tasting her sweet lips, taking and giving in to her kisses. At ngayon, handa narin siyang tanggapin ang lahat ng kaakibat ng pagmamahal na iyon. Kahit kabiguan pa.






And anyway, love is all about taking risk, right?







When their kiss ended, ilang sandali rin silang nanatili sa ganong sitwasyon. Walang nagsasalita, walang kumikilos. Basta pinagmamasdan lang nila ang isa't isa na tila ba tinatantiya kung totoo ang mga katatapos lang na pangyayari. Pagkatapos unti unting kumilos si Alyssa. Isinuot nito ang salamin sa mata at hawak ang kanyang kamay, tahimik na silang lumabas sa lugar na yon.





***Green ✌✌✌



Pabitin? 😜😜😜 I wuvv yu guiz! Haha!

Malapit na yata tong matapos. Mga 3 to 4 Chaps nlang po. Hmmm!

Enjoy! Mwah!

Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now