Chapter 14

2.4K 70 2
                                    

"Sooner or later, you'll have to face the fact that the reason why you couldn't stay in a relationship is because you're in love with my daughter. And that you two are not meant to be just bestfriends."








So that was the reason for all those fast beating of my heart that I had been feeling lately. Sa pag amin ko sa mga kasama dito sa mesa, inaamin ko na rin sa sarili ang lahat. Tama nga ang kasabihang 'love comes when you least expect it.' It happened so fast in just a snapped. And out of the blue pang lumabas sa bibig ko.






Siya nga ang siyang dahilan kung bakit sa dinami rami ng mga naka date at nakarelasyon ko, wala akong naging steady boyfriend na tumagal nang mahigit dalawang buwan. Kung bakit palagi nalang natatagpuan ko ang sarili na ikinokompara si Aly sa lahat ng nanligaw at naging boyfriends ko.
Kung bakit nitong mga huling araw ay tulayan ng wala akong nararamdamang attraction sa mga nakikilala ko. At kung bakit ganon na lang ang naging reaction ko ng makita ang isang babae sa bahay niya. Dahil nagselos talaga ako.







Ngayon ko lubos na tinatanggap ang katotohanan sa mga salitang binitawan ni Tita-mommy. I am indeed in love with her daughter. My bestfriend. Alyssa.







"O di ba? Mas masarap ang ma in love kaysa ang maging mag bestfriend lang kayo?" Komento ni Bang "You go girl!"










"Lapitan mo na si Alyssa mo." Udyok pa ni Mela. "Landiin mo nang husto para malaman niyang hindi na lang pagiging magbestfriend ang habol mo sakanya. That way, hindi mo na kailangang magsalita. Hindi ka narin mapapahiya kung sakaling tanggihan ka niya, di ba?"







Napatingin ako rito. Palihim siyang siniko ni Bang. "Ah wag mong intindihin ang sinabi ni Mela. Ganyan lang talaga tumakbo ang isip ng mga writers, malumot."









Ngumiti nalang ako. But deep inside, paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Mela. Paano nga kung tanggihan ako ni Aly pag sasabihin ko na nag iba ang nararamdaman ko para skanya? Na mahal ko na siya? Hindi bilang bestfriend kundi mas higit pa? Kaya kong balewalain ang mga ginagawang pagtanggi nito sa friendship namin, okay lang yon dahil nakasanayan ko narin, but ano na ang mangyayari sa akin kung sakaling lantaran niya akong tanggihan? Minsan pa naman may ugali itong kung ano ang maiisip niya diretsahang sasabihin nito. Ibig sabihin, kung ayaw niya, ayaw niya.









"Den okay ka lang ba?" Untag ni Ate Fille. "Mukhang hindi yata naging maganda ang sinabi namin sayo?"








"Hindi, okay lang ako." Napabuntong hininga ako saka muling nilingon si Aly. Abala parin ito sa pakikipagtagisan ng talino. "Tama naman kayo e, ang totoo matagal ko nang nararamdaman to. Kaya lang masyado akong nasanay na magkaibigan kami kaya hindi ko namalayang lumala na pala ang damdamin ko sakanya. Now it's too late. Mahal ko na siya at wala na akong magawa."









"Anong wala? Meron pa." Inilapit ni Bang ang mukha nito sa akin. "Hindi mo pa nasusubok kung ano ang damdamin niya sa'yo. At ngayon ang tamang pagkakataon. Akitin mo siya."








"Sa harap ng mga bata? Wag nga kayo kung ano ano pumapasok sa isip niyo."






"Sus, mga bata lang yan. Ano ba ang alam nila sa kamunduhan?"








Natawa nalang ako. Napakunot naman ng noo Sina Ate Dzi, Bang, and Mela. Nawala lang ang atensyon nila sa akin ng may mga batang papalapit na may hawak na tig iisang boquet ng red roses. At ibinigay sa kanilang tatlo.







Best friends or Not? (AlyDen)Место, где живут истории. Откройте их для себя