Chapter 15

2.4K 63 13
                                    

"Anong food yan?" Tanong ko ke Ly habang nasa harap ng buffet table. Sinadya kong pumwesto sa likuran nito upang silipin ang mga putaheng nakahain.







Pagkatapos kasi ng party para sa mga bata sa bahay ampunan itinuloy namin ang party dito sa bahay ni besh Ella dahil naging busy daw siya sa isang kaso na hinahawakan kaya naman dito na isinagawa ang private celebration ng engagement ng tatlong pares. Galante ang Donya dahil siya pa ang nagprisintang dito gaganapin.








Nandito narin ang iba pa naming mga friends and team mates nong college na hindi nakapunta kanina. Si Ate Cha and Ate Jem na nakasama nina Ate Fille, Ate Dzi and A. Sa wakas nagkasama sama din ang landas ng Fab5.









Nandito rin sina Marge and Kiwi also si Jia and Mich na malapit narin palang ikasal. Malihim tong mga to ah di manlang nang invite. Aba't eto pa ang mga bebes namin na si Joanna and Bea, grand entrance pa tong mga batang to. I smell something. Aha!










At eto na ang kulang. Si Mae. Kaya pala galante ang donya, nandito pala ang sinisinta. Mamaya sa akin yon. Makalingkis naman ng braso ang dalawang to.









"Menudo." Sagot ni Hero. Nakakagulat naman to. Ilang minuto na nga ba akong nagmamasid dito. Naku. Ang daming kaganapan.









"Talaga?" Sinipat ko nalang ang putahe na nasa plato niya dahilan upang magkaroon ako ng pagkakataong ilapit ang sarili sa likuran nito pati narin ang mukha ko sa mukha niya. "Bakit parang afritada yata yan?"






"Menudo ito."







"So mind setting lang pala ang kailangan para makain mo ang kahit na anong gusto mong kainin sa party na to. Ang galing ha? Isusumbong kita kay donya. Pero ako nga rin. Ops! Wag mo ko isusumbong kundi lagot ka sa akin" nagsalin ako ng carbonara sa plato. "Hmm... mukhang masarap tong spaghetti ah."








Nilingon lang ako ni Ly. But she didn't knot her forehead like she used to whenever I said something so stupid. Ngayon ay basta nakatingin na lang to sa akin na tila ba nagsasabing okay lang akong magpakatanga sa harap niya ngayon. And it gave me more courage to continue on indulging myself to flirt with her.









After all, mula nung umpisahan kong sundin ang idinidikta ng puso't isip ko, nasisiyahan ako sa nararamdaman. Mula nang unang beses akong magmahal, ngayon ko lang naranasan ang ganitong saya. Dahil bukod sa tuwang nararamdaman tila may kakaibang init pang tila humahaplos sa puso ko tuwing nasa malapit lang si Aly, o kahit nga makita ko lang to. It's like I could take on the world by just knowing she's here beside me.





"Iba ka yata ngayon, Den?"




"Ha? Bakit mo naman nasabi yan?" Tumikim ako ng carbonara na ini imagine kong spaghetti.





"Napansin ko lang." She brushed her thumb on the side of my mouth. "Hindi kana kasi lumalapit kay Gretch."





"Bakit naman ako lalapit kay Gretch? Mamaya paslangin pa ako ni Ate Fille." Muli akong sumubo, this time sinadya kong kumalat ang sauce sa mga labi ko but nabigo ako sa balak dahil kumunot lang ang noo nito pagkatapos tinalikuran lang ako.








Naman! Hindi manlang ako pinagbigyan kahit ngayong gabi lang!






Ganunpaman, hindi ako nawawalan ng pag asang muli akong aamutan ni Ly ng attention ngayong gabi. Isa pa, maaga pa. Marami pang pagkakataon upang makalapit ako at maipaalam dito -----in a very subtle ways ----- na tinatanggap ko na ang pagtanggi niya sa pagiging magbestfriends namin. Dahil interesado na ako ngayon na malayong malayo sa pagiging isang kaibigan lang.







Daig ko pa ang isang paslit sa dungis dahil sa kinakain. But my hero este Ly's once again here in front of me, gently holding my chin while her hand is wiping the smudges on my lips with a tissue paper. Tila huminto ang daigdig sa sandaling ito habang nakamasid na lang ako sa napakagandang mukha niya. Bigla na namang lumakas ang pagtibok ng puso ko na unti unti ko na ring nakakasanayan kapag nasa malapit lang ito.







"Daig mo pa ang bata pag kumain." Komento nito.






Hindi ko napigilan ang sariling mapangiti. Pareho lang kasi ng iniisip ko kanina ang sinabi niya. Sign ba yon na may pag asang maging kami balang araw? At bakit ba napakaganda sa paningin ko ang mga labi nito? Nong high school kami, kaya ko to nagustuhan dahil sa mga labi nitong mamula mula bonus pa na sobrang galing nitong maglaro ng volleyball. Hanggang ngayon sa tingin ko ang mga labi parin nito ang best asset niya. Tila kasi ang lambot ng mga to at napakasarap halikan.








Involuntarily, I slightly bit my lower lip. Napansin kong ito naman ang saglit na natigilan at napatitig na lang sa mga labi ko. Pagkatapos ay nagtama ang aming mga mata. Wala akong anumang mabasa na emotion sa mga mata nito. But may kung anong tila kakaibang naramdaman ang puso ko kaya halos dumoble ang lakas ng tibok nito.







Imahinasyon ko lang ba to o talagang unti unting bumababa ang mukha niya sa akin? Is she going to kiss me?







Oh my God! Tili ko sa isip. Okay. Okay. Calm down, Den. Para ka namang hindi pa nahahalikan.








Maaari. Pero ni minsan e di pa ako nahahalikan ng taong nakakapagpalakas ng husto sa tibok ng puso ko. Hindi pa ako nahahalikan ng taong minamahal ko gaya ng nararamdaman ko ngayon para sakanya.









I closed my eyes just to shut off my mind from everything else around us. Gusto ko dito lang at sa halik niya cecentro lahat ng senses ko.







May narinig akong halakhakan but I ignored it and waited for Alyssa's lips to touch mine.






"Talo ka na, Ara."






"Hindi pa kami naglalaban ni Aly."













And waited....













"Race to five na lang tayo dude. Para sandali lang at makabalik na agad ako sa sweetheart ko."





"Malas ka yata ngayon, Ara."





"Hindi naman, tinamad lang talaga akong tumira ng nakadilat."




"Angas ah."













And waited.....











"O, eto na si Alyssa. Goodluck sa inyo."













And waited ------- wait! Did I just hear Aly's name being called by Gretch? Hindi naman siguro niya ako iiwan ng ganon lang? Pero nanlalamig na ang nguso ko wala pa rin akong nararamdamang mainit at malambot na mga labing lumalapat sa labi ko.









"Your turn, Ly."











Napilitan akong magmulat ng mga mata. And true enough, kahit ang espiritu ni Ly e hindi ko na maramdaman ang presensiya sa harap ko. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng mga nagsasalita saka ko lang nasigurong nasa ibang kandungan na nga ito --------hawak ang mga darts!!!










What happened to my kiss???
















***Green 😂😂😂😂





Hahaha! Hahahahahahah! Hahaha! Delenden!!!

Short update lang po 😉😉

Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now