Chapter 17

2.4K 74 3
                                    

Muling binasa ni Den ang hawak hawak niyang bond paper. Sobrang busy nito na nakaharap sa computer. Halos mag iisang buwan na mula nang mag break sila ni Luis yata yon. Ibig sabihin, ganon narin katagal siyang nagtatrabaho dito sa company. Kunsabagay, effective naman siya dahil madaling natuto at isa pa nag eenjoy talaga ako na nakakasama ito.






But mula nong pagkatapos ng engagement party sa bahay ni besh ella tatlong araw na ang nakakalipas nagkaroon na ng tensyon sa aming dalawa, hindi lang bilang magkaibigan kundi pati na rin bilang mag-amo.







Nawala lang ang atensiyon niya sa binabasa nang makita niya akong naglalakad. Sa katunayan, ilang minuto ko na siyang pinagmamasdan kanina. Nitong mga nagdaang araw kasi magtatanghali na kung pumasok ako dito sa office. May mga clients kasi akong kausap sa labas at the same time it's my excuse not to see her every morning narin para umiwas sa kabang idinudulot niya kapagka nasa malapit lang siya.








"Good morning, ma'am." Pormal na bati niya.




"Good morning." Iyon lang at tuloy tuloy na akong pumasok dito sa office.






Pasalampak na naupo ako dito sa swivel chair. Tatlong araw na kaming ganito. Mararamdaman ng kahit na sinong manhid ang tensyon sa pagitan namin. Kaya ako na ang umiiwas. Lalo na't may malaking kinalaman din to sa personal na damdamin ko para sa kanya.







Sumilip ako sa glass windows. Ang seryoso niya sa kinauupuan at papitik pitik pa ng papel na hawak hawak nito. Wag naman sanang mag isip to ng kung ano. Tumayo na ito at akmang papasok dito sa loob. Napatuwid naman ako ng upo at huminga ng malalim tapos itinuon ko ang tingin sa mga papeles dito sa mesa.





"May kailangan ka?" Seryosong tanong ko ng naulinigan kong bumukas at sumara ang glass door. Nagririgodon na kasi sa sobrang kaba ang puso ko. Sa kabila kasi ng pag iwas ko nitong mga nakaraang araw patuloy parin ang nararamdaman ko sakanya. At mas lumala pa nga.






Ganito ba talaga ang kapalaran ng taong nai in love sa mga bestfriend? Hindi lang puso ang nasasaktan pag hindi nagkaron ng katugon ang damdamin, nasisira din ang isang pagkakaibigang hinubog na ng panahon.






Sayang. Sa parte namin ni Den, ako ang may kasalanan. Kung bakit kasi umiwas pa ako. Kung bakit kasi ipinagtabuyan ko pa ito sa party. Hindi ko lang kasi alam kung kaya ko bang tanggapin na hanggang bestfriend lang ako sakanya. Na hanggang bestfriend lang ang tingin niya sa akin na kahit kailan naman ay hindi ko tinanggap. Dahil mas higit pa dun ang gusto ko.






"I'm resigning. Heto na ang formal resignation letter ko."




Kumunot lang ang noo ko. Sinasabi ko na nga ba.





"Maaaring sandaling panahon pa lang ako rito sa kompanya mo pero marami na akong natutuhan. I guess, itutuloy ko nalang ang mga natutunan ko sa hospital. Tutal naman matagal na nila akong hinihintay dun."





"Hindi mo pa kayang patakbuhin ang hospital ng mag isa. Tapusin mo muna ang residency mo."






"Kaya ko. I may be a spoiled brat but I'm not that wortless. Tsaka itutuloy ko na talaga ang residency ko."





"I didn't mean it that way."






"Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon so I'll just take your word as it is."



Inilapag na niya sa mesa ang resignation letter niya. Tiningnan ko lang ito.





"Babalik na ako sa pwesto ko. Wala ka bang ibang ipapagawa sa akin?"








Marami pa akong nakahandang bagay na gustong ipagawa sa kanya but from the looks of it hindi na kailangan pa. Dahil gustuhin ko mang magsalita ni isa walang namutawi sa labi ko. "Wala na."








Padabog na bumalik siya sa table niya sa labas. Hindi ko naman kinuwesyon ang biglaan niyang pagreresign. Gustuhin ko mang magmaktol wala naman akong karapatan. Ilang minuto pa ang lumipas ng nagring ang intercom.








"You're a jerk Alyssa!" Aray! Sakit sa tenga. What did I do this time? Sinigawan na ako binagsakan pa ako ng telepono.






Tinawagan ko rin ito sa intercom. Ilang saglit pa ang lumipas ng angatin niya ito.





"Bakit?"




"Wala. Kumain kana?" Napatapik ako sa noo ko. What a lame question Alyssa!




"Ha? Tama ba ang naririnig ko?"




"Itinatanong ko kung nagtanghalian ka na." Oo tama nga ang naririnig mo sagot ko sa isip.





"Wala pa namang breaktime." Sagot niya.






"Nagugutom na ako. Kumain na tayo."







"Hindi pa ako nagugu------" hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin dahil alam ko namang sisigawan lang ako kaya pinagbabaan ko na siya ng telepono at agad agad na lumabas patungo sa harap nito.







"Bakit binabaan mo ako ng telepono? Hindi pa ako tapos na magsalita."







"Talking over the phone is stupid when we're just a few feet away from each other." Kinuha ko ang awditibo ng telepono at ako na mismo ang nagbalik sa cradle. "Ngayon sabihin mo sakin ang mga gusto mong sabihin kanina."






Nagtatapang tapangan ako ang kaso nakikigulo ang malakas na pagtibok ng puso ko. Ano ba to. Stay calm Alyssa! Wag kang bumigay. "O, akala ko ba may sasabihin ka?" Hamon ko rito.








"Wag mo akong i-pressure! Kung ayaw kong magsalita, hindi ako magsasalita. At sa ngayon ayokong magsalita.!."








"Then let's have lunch together. And please stop shouting."







"Bakit? Hindi ka ba natatakot na baka mag flirt na naman ako sa'yo? Hindi ba't ayaw mo non?"








"Maglulunch tayo. And I dont think magagawa mo pang akitin ako habang kumakain tayo."








"Hindi mo ba alam kung gaano ako ka talented na tao? Kaya kong gawin yon."







Saglit akong tumahimik at pinagmasdan lang ang mukha nito. Pumupula na ang tenga sa pagkainis. Palihim akong napangiti dahil ang cute niya. "Fine. Akitin mo ako hanggang gusto mo. Pwede na ba tayong kumain ngayon? Hindi pa ako nakakapagbreakfast kaya nagugutom na talaga ako."








Na trigger yata ang pag aalala niya dahil sa kabila ng inis hindi nagsisinungaling ang mga mata nito.



"Bakit hindi ka nag agahan?" Tumayo na ito. "Tapos ngayon magrereklamo kang nagugutom ka. Sakalin kaya kita riyan?"







Sabi sa inyo mahal ako nito e. Kaya? Aasa o aasa? Hay....





"Kumain na nga lang muna tayo"













***Green 😂



Ayaw pa kasi mag aminan. Hahaha! Kaloka. Anyway, salamat po sa patuloy na pagbabasa ng story ko. I hope may sense pa ang mga isinusulat ko hehe. Enjoy reading po!

Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now