Chapter 11

2.8K 62 12
                                    

"Hi, Dennise! Kumusta?"






"Dito ka nagtatrabaho?"






"Ang tamang tanong ay kung bakit ka rito nagtatrabaho?"







Napangiti ako sa tanong ng mga bagong dating. It was our friends and former schoolmates---- Kim, Ara and Gretch.







"Walang magawa eh. Kayo ba wala ba kayong mga trabaho ngayon?"





"Once in a while, kailangan din naming magbreak." Sagot ni Gretch "Para hindi naman kami masyadong maburn-out sa trabaho.








"Ang sabihin mo, kulang ka lang sa babae. Ang torpe mo kasi nasa harap mo na kung san san ka pa tumitingin." Singit ni Kim "Gayahin mo kami ni Ara. Mas okay na ang buhay namin ngayon."







"Don't tell me may nagkamali na rin sa inyo sa wakas?"





Sa mga childhood friends kasi namin, ang dalawang ito ang pinaka matinik pagdating sa buhay pag ibig.







"Well that's why we're here." Sabi ni Ara. "Sinunsundo namin si Aly para magcelebrate."






"Celebrate?"





"A, Kim, and I are announcing our engagements today."






"Oh, my God! Really? Congratulations!" Isa isang niyakap ko ang mga ito. "I can't believe this! Talagang magpapakasal na kayo? Seryoso na ba yan?"







"Ako rin hindi makapaniwala na magpapatali na ang mga yan. Akala ko nga ako mauunang magpakasal dahil ako naman ang pinaka mabait sa aming pito." Sabi ni Gretch.






"Dude, hindi mo ba alam ang kasabihang 'the good ones finish last'?" Ani Ara.





"No. Meron bang ganong kasabihan?"






"Wala. Imbento lang yun ni Ara." Sabi ni Kim "Anyway, Den, nandyan ba si Aly?"






Tamang tama namang lumabas si Ly sa office. Nagtama na naman ang mga mata namin. Bahagya akong yumukod bilang pagbibigay galang dito. Buong araw lang naman kasi kaming hindi nag usap at wala rin akong balak na makipagbati. Although medyo malabo na kung ano ba talaga ang pinag ugatan ng naging away o kung sino ang nagsimula. Basta! Ayoko parin makipagbati. Bahala siya jan.







Ly nodded back. Neknek mo. Mabuti na lang at wala sa mga friends namin ang nakahalata na malamig pa sa hanging pasko ang pakikitungo namin sa isa't isa.






Inakbayan nina Kim and Ara si Ly. "Dude, let's go. Saka mo na lang dagdagan ang kayamanan mo pagkatapos naming magpakasal." Ani Kim.






"In the meantime, magsaya na muna tayo ngayon." Sabi ni Ara.







"Sure. Pero hindi na ninyo ako kailangang akbayan." Ani Ly.





"Hey. Chill out, dude. Kaya ka hindi makakuha ng matinong babae dahil jan sa pagiging cranky mo. Hindi ba, Den?"





"Oh, I'm not sure about that Ars. In fact, sa dami ng babae ni Aly hindi na magkasya ang mga yun sa isang box kaya minsan dinadala na lang niya sa bahay niya."






Napaubo ang mga ito. "All right, dude!"
"That's what I'm talking about!"





Pero kung gaano kasaya sina Kim lukot naman ang mukha ni Bakulaw. Pag uumpugin ko kaya ang mga to! Bakit tuwang tuwa pa ang mga to sa pinaggagagagawa ni Ly! Pano na lang kung mag ka AIDS si Ly? Or worse, mapikot to?






Best friends or Not? (AlyDen)Where stories live. Discover now