1: Meet VennyG

1.3K 72 23
                                    

"Ate, ang ganda po ng story niyo!"

"Sana po may sequel!"

"Sequel pleaaaase!"

Kontento akong ngumiti habang binabasa ang mga comments sa aking Wattpad story. Tinignan ko ulit ang stats nito:

My Love From The PastHistorical FictionVennyG

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

My Love From The Past
Historical Fiction
VennyG

57K Views, 7K Votes, 30 Parts

Three years na ang una kong kwento dito sa Wattpad. Sa tingin ko, it's not bad having 57K views. Iniisip ko na lang, dadami pa ito. Ang importante, masaya ang mga readers kasi gusto nila ang story.

Tungkol ba saan ang aking story?

Nagsimula ito sa isang fictitious na batang heneral na Antonio Santander ang pangalan. Nakikipaglaban siya sa mga pwersa ng mananakop na Amerikano noong patapos na ang panahon ng Kastila dito sa Pilipinas. Nabaril siya ng kaaway na sundalo pero imbes na mamatay, ay naglaho itong parang bula.

Nagising na lang siya sa kwarto ng isang dalaga at laking pagtataka niya kung bakit ibang-iba ang paligid. Naramdaman niya na wala siyang sugat at doon niya naalala na suot niya ang kwintas na agimat, na binigay sa kanya ng kanyang kasintahan.

Noong nalaman niya na niligtas siya ng kwintas na agimat, bumungad sa harapan niya ang isang dalaga na kamukha ng kanyang kasintahan sa kanyang kapanahunan.

---

"Choleng?" Ikaw ba iyan?"

Pinilit tumayo ng nanghihinang binata ngunit pinigilan siya ng dalaga.

"Tigil!" Itinaas ng dalaga ang kanyang kamay. "Sino ka at bakit Choleng ang tawag mo sa akin?"

Lumakas lalo ang kaba ng dalaga nang maaninag niya na naka-bihis heneral ang lalaking nakahiga sa kanyang kama, na kapareho ng suot ni Heneral Gregorio del Pilar.

"Hindi maikakaila na kamukha mo si Choleng, ang aking kasintahan!"

Unti-unting bumangon ang binata at lumapit sa dalaga. Sinubukan niyang hawakan ang mukha nito, ngunit pinalo ng dalaga ang kanyang kamay bago niya ito magawa.

"Kuya, manyakis ka ah! Charina ang pangalan ko! Kung naka-drugs ka, tatawag ako ng pulis!"

Umatras ang dalagang nagngangalang Charina.

"Anong kapanahunan ito?" Tanong ng binata.

"Hello, modern era na ngayon noh!" Pabalang na sagot ng dalaga.

"Wala na ang mga kalaban?" Pagtataka ng binata.

"Sinong kalaban tinutukoy mo?" Kumunot ang noo ng dalaga.

"Nakikipaglaban ako sa pwersa ng mga Amerikano. Nabaril ako ng isa sa kanila at nawalan ng malay, ngunit pagkagising ako ay nandito na ako sa iyong silid. Walang kasinungalingan ito, Binibini."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Dahan-dahan siyang lumapit dito at hinawakan ang laylayan ng kanyang pangitaas. Nakita nito ang galos sa kamay ng binata, na sariwa pa at namumula.

Doon niya nalaman na totoong tao pala ang nasa harapan niya.

Tumili ang dalaga sa takot at kaba.

---

Simula noon, kailangan matutunan ng bidang heneral sa aking kwento kung paano mabuhay sa makabagong panahon. Tinulungan siya ng bidang babae na si Charina, na isang college student na nakatira sa isang kwarto sa rooftop ng kanyang tiyahin. Kailangan niyang ilihim ito, ngunit nabisto siya ng kanyang tita. Kaya sinabi na lang niya na kasintahan niya ang time-traveler na si Antonio, or Anton.

Binigyan si Antonio ng sarili niyang kwarto at nagtrabaho ito bilang kargador sa convenience store ng tita ni Charina. Habang tinitignan niya kung paano siya makakabalik sa sarili niyang kapanahunan, nagsimula na siyang umibig kay Charina.

Syempre, naging sila at malungkot ang ending pagkatapos ng maraming kilig moments, dahil unexpected na nakabalik si Antonio sa kapanahunan niya at this time, napatay ulit siya ng kaaway na sundalo.

Si Charina ay umiiyak na nagbabasa ng kwento ni Heneral Antonio Santander habang nasa library. May nag-abot sa kanya ng panyo at pag-angat niya ng ulo, ay maluha-luha siyang ngumiti.

Kaya naghahanap ng sequel ang aking readers. Ano kaya, dagdagan ko? I hate writing sequels, gusto ko sila ang bahala mag-isip ng ending.

Anyway, pagkatapos magbasa at mag-reply sa mga comments, I shut down my Macbook Pro and decided to call it a night.

Nag-inat ako at inaantok na humiga sa aking kama. I smiled to myself habang iniisip ang aking pagiging manunulat sa isang website.

Kilala ako sa totoong buhay bilang si Venny Gale Giron, 19 years old, a BS Commerce student and Dean's lister.

But online, I go by the name of VennyG on Wattpad. 3 stories written, signed up October 2015, with 5.5K followers.

This is my secret life that almost everyone in my circle never knew about. I never dare tell them about it.

It's so much fun keeping it that way, the thrill of anonymity.

A/N: Can you guess Venny's portrayer?

The Green-Eyed WriterWhere stories live. Discover now