8-Pagbabago

364 44 11
                                    

"Hi Venny!"

Nasa food booth ako ng college fair kinabukasan nang makita kong papalapit sa akin si Nessie. She smiled happily at me and tapped my shoulder nang makalapit na siya.

"BFF, sorry pala at di ako natuloy kagabi," mahinahon niyang wika.

I stared blankly at her and continued placing the box of spaghetti inside the paper bag. Inabot ko ito sa nag-aabang na customer pagkatapos.

"Ito bayad ko. Salamat ah," sagot sa akin ng lalaking estudyante.

"Thank you po." I smiled a little at him, at naglakad na siya paalis.

"Sorry na, Venny. Hala siya, di ako pinapansin!"

Nakatayo pa rin sa tabi ko si Nessie. She pouted at me as if nagtatampo.

"Umalis ka diyan. Mga food servers lang pwede dito sa booth," diin ko.

"Okay."

Nessie walked away and sat nearby, kung saan tanaw ko siya kaagad. She just sat there as if waiting for me until I finished my shift at 12 noon.

"Tapos ka na, Venny. Salamat ah," ngiti sa akin ni Tita Edna.

"Okay po, it was great manning the booth," ngiti ko.

Nakita ni Tita Edna si Nessie. "Siya ba yung friend mo? Ito oh, bigyan mo na ng pasta. Libre na."

"Tita, huwag na po---"

Di na ako nakatugon nang abutan na ako ni Tita Edna ng dalawang box ng pasta.

"Spaghetti iyan, may kasamang fried chicken. Libre ko na sa inyong dalawa. Ito pa, dalawang iced tea." Kinuha ko ang dalawang box na nasa loob ng plastic at binigyan na rin ako ni Tita Edna ng dalawang bote ng iced tea.

I have no choice but to accept her offer. "Naku, salamat po, Tita! Ayan, may lunch na po kami!"

"Dismissed ka na. Next year ulit ah?" Tita Edna beamed proudly at me.

"Yes po, anytime! Salamat po!"

Umalis na ako ng booth. Mariin kong tinignan si Nessie, na nakatingin sa phone niya, bago ko siya lapitan.

"May lunch tayo, libre na ni Tita Edna. Buti na lang di ka umalis diyan." Naupo ako sa harapan niya at inilapag ang plastic. Nilabas ko ang bote ng iced tea at box ng spaghetti at inabot ito kay Nessie.

"Wow, nalibre tayo ah!" Nessie opened the box and sniffed the flavorful aroma of the spaghetti.

"Mabait lang si Tita Edna, nakita ka kasing naghihintay sa akin," I halfheartedly replied.

Tahimik lang kaming kumain ng aming pananghalian. Ngayon ko lang nalaman na ito ang unang beses na hindi kami masayang nag-uusap habang kumakain. It was an uneasy silence, something I'm not used to kapag kasama si Nessie.

"Venny, sorry pala. Hindi ako nakapagpaalam kagabi. Sana alam ko na nagte-text ka pala sa akin. Akala ko naman kasi, online ka."

Tinignan ko si Nessie. She looked at me, guilt evident in her eyes. Kahit gusto kong magalit at magtampo sa kanya, alam kong may kasalanan din ako sa nangyari.

"Okay lang, naiintindihan kita. Tapos na eh. What's the use of being angry?"

I forced myself to smile at her. Thankfully, she smiled back, as if nothing happened.

"Yey, di ka na galit sa akin! Ay, alam mo ba, nakakalokang mag-Ask Me Anything sa Twitter! Sabog notifications ko, hindi ko talaga masagot ang lahat ng tanong nila!" Halata ang kasiyahan sa boses ni Nessie habang nagkukwento.

The Green-Eyed WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon