5-Finals and Sembreak

470 40 6
                                    

Hindi ko na binanggit ulit kay Nessie ang tungkol sa story niya. Bahala na siya kung aayusin niya ito o hindi.

Naging busy kaming lahat dahil sa finals week for the first semester. Di na muna kami nag-uusap ni Nessie online, dahil busy kami pareho sa pagre-review. Sa school naman, nagkikita kami sa canteen para kumain at sa iba naming classes. Pero pagkatapos ay kanya-kanyang lakad na. Umuuwi agad si Nessie para mag-review habang sa library ako nagpupunta. Doon na ako inaabot hanggang sa pagsasara nito ng 6pm.

On the finals week itself, nilapitan ko si Nessie sa classroom at tinabihan.

"Good luck sa exams, BFF." I smiled a small smile at her.

"Ikaw rin, Ms. Dean's Lister."

She took my hand and squeezed it

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She took my hand and squeezed it. Naramdaman ko na nanahimik ang room nang pumasok ang prof.

"Class, arrange yourselves alphabetically. One seat apart," mariin niyang inutos.

"Doon na ko sa likod uupo. Vargas kasi ang panghuli." Tumango si Nessie sa akin sabay ngiti.

I walked over sa may gilid ng pinto, kung saan row ng may mga apleyido na nagsisimula sa F-J. Limang upuan iyon sa isang row, at ako ang panghuli, dahil Giron ang apleyido ko, at wala nang may surname na letter J ang simula.

Nagsimula ang exams in 3 minutes. Tahimik kong binasa ang brown paper na pinasa sa amin ng prof. Binasa at inunawa ko ang directions before answering.

In 30 minutes, ako ang unang nakatapos ng exam. I stood up quietly and confidently walked over to the professor's table.

"Sir, tapos ko na po," bulong ko.

The elderly professor eyed me intently through his glasses. "As always, you're the first to be done, Miss Giron. You may leave now."

"Thank you, " I whispered.

I grabbed my bag from my seat and walked outside the classroom para mag-break muna for the next exam. Lumingon ako saglit, and I saw some of my classmates staring at me in awe.

Sanay na ako sa kanila, hindi na ito bago. They know I'm one of the school achievers, but I never rubbed it in their faces. Di ko lang maintindihan kung bakit ilang na ilang sila sa akin, kahit wala naman akong ginagawa.  I tried making friends with them at first, pero iwas sila sa akin. Siguro ganoon lang sila talaga.

I stared at the only friend I have in the room. From the back, Nessie Vargas looked at me helplessly. Mukhang nahihirapan siya sa exam. As much as I want to help, di ko naman siya pwedeng lapitan.

"See you later," I mouthed. I left and went straight to an eatery outside the school para magtanghalian.

The rest of the day went by at di na kami nagkita ni Nessie. Magkaiba kami ng schedule ng exams sa ibang mga subjects. Sa tatlong subjects ko lang siya kaklase, and so far, that was my third exam with her.

By Friday, I was able to breathe a sigh of relief. Tapos na ang exams ng first sem, and with it ay ang sembreak ng dalawang linggo.

On our last day for the finals week, doon lang ulit kami nagkasama ni Nessie.

"Nahirapan ka ba?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Sa university garden kami pumunta para mag-meryenda.

"Nakaraos naman, BFF. Grabe, bilib na ako sa iyo! Ikaw palagi unang nakakatapos sa exams!" Paghanga ni Nessie.

"Review lang iyan at concentration, tapos kalma habang sumasagot ng exam," payo ko.

"Sana may ikaka-proud din ako sa sarili ko, gaya sa iyo," ika ni Nessie sabay kagat ng ice cream cone. "Worried ako sa dalawang subjects ko, halos failing grade na." Yumuko siya.

"Bawi ka na lang next sem," I placed a hand on her shoulder.

"Konti na lang, kapag may isa pang grade na bumagsak, bye bye na ko sa iyo at dito sa university," pangamba niya. "Magagalit si mama sa akin, siya pa naman nasa abroad at nagpapadala ng tuition at allowance ko."

"Uy, knock on wood, di mangyayari iyan. Magkakasama pa rin tayo until graduation," pilit kong ngiti.

Kinain ni Nessie ang ice cream cone at yumakap sa akin. "Thank you ah, alam kong nandiyan ka."

"Syempre naman," ngiti ko. 

Umalis sa pagkakayakap si Nessie. "Tatapusin ko na pala Magic Diary
this sembreak. Basahin mo ah?"

"Sure." I smiled at Nessie. She looked better now.

Hindi ko na siya ni-remind na ayusin ang sulat niya. Maybe writing this story is helping her cope with life.

---

Umuwi si Nessie sa kanilang probinsiya noong sembreak, kaya di ko siya gaano nakakausap. Di naman kami nag-out-of-town with my family unlike last year. Balak lang namin dumalaw sa mga puntod ng namayapa naming relatives for November 1, na ginawa nga namin.

The rest of the two weeks passed by hazily. Nakita ko na ang grades ko sa online system ng university. Pasado lahat, with an average of flat one. Thank goodness nasa Dean's List pa rin ako.

Kung hindi ako kumakain or natutulog, nanonood kami ng movies ni Kuya Venson. Sa gabi naman, nasa Wattpad ako. Natapos ko na ang sequel ng My Love From The Past. Twenty-five chapters lang ito. Bitin daw, sabi ng iba kong readers, pero they loved it just the same.

Nakita ko na inu-update ni Nessie ang story niya. Natapos na ito with 35 chapters.

Medyo nag-improve na ang narration at plot, pero cringey pa rin. Nawala ni Pinky ang Magic Diary at doon na rin nagsimula ang gulo sa buhay niya, gaya ng away nila ni Paolo na boyfriend na niya, failing grades, and an uncle na balak kunin ang kanyang mansyon.

Huhu, anong gagawin ko?! walang jowa, walang pera, saan ako pupulutin? Waaaah! Nasaan ka na, matandang fairy? Ibalik mo Magic Diary koooo!

Naghihirap, pinky

Nagpakita ulit sa kanya ang matandang fairy, na sinabihan siya na nagiging greedy at ingrata na siya. Iyon pala, kinuha sa kanya ang Magic Diary at di na muling ibabalik pa.

In the end, she decided na huwag na ulit kunin ang kanyang magic diary. Binigay na lang niya sa tito niya ang kanyang mansyon, nakipag-break kay Paulo, at nag-aral nang mabuti. In the end, she graduated with honors, nakapasok sa university na gusto niya through scholarship, at pinatira siya sa teachers' quarters sa school kapalit ng pagiging working student, dahil hindi na siya mayaman.

Dear diary,

Hindi man ikaw ang dati kong Magic Diary, pero di na ako aasa pa na maging mayaman at popular muli. Mas gusto ko na ang buhay ko ngayon, mas simple. Nagsusumikap na ako for the things I want, to make it right.

One day, I know na my hard work will pay off.

Keeping the faith, Pinky

Four years na ang lumipas mula nang magulo ang buhay ni Pinky dahil sa isang Magic Diary. Ngayon ay magtatapos na siya ng kolehiyo, na Magna Cum Laude. May trabaho rin naghihintay sa kanya pagkatapos, at isang apartment  na tutuluyan with her best friend.

Di man naging maganda ang lahat ng ito, pero nagpapasalamat pa rin si Pinky. Ngayon ay alam na niya to make the life she wanted. Di na niya kailangan ng magic. Dahil siya mismo ang gumagawa ng magic sa buhay niya.

Wakas

I smiled to myself and left a comment after reading.

Nice ending, BFF! May moral lesson siya!

A/N: Line from the song "Kisapmata"


The Green-Eyed WriterWhere stories live. Discover now