21-Lessons Learned

329 36 10
                                    

"That was awesome! Buti pumayag mga kapulisan na ipahiram kay Venny ang hidden camera, para alam kung kailan tayo papasok at huhulihin si Rhea. My killer smile worked!"

Wagas ang tawa ni Nine sabay palo sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ng pag-uusap sa police station, umuwi muna ang nanay ni Nine, at dinala niya kami ni Lizzie sa isang tahimik na carindera. Sa mga oras na ito, ay kami lang tatlo ang mga tao. Alas-otso na ng gabi, at doon na kami naghapunan ng fried chicken with rice kasabay ng crab omelette.

Patuloy lang akong kumakain. Sa gutom ko ay hinayaan ko munang magsalita ang dalawa kong kasama.

"Salamat sa pagtulong, Nine. Makakahinga na ako nang maluwag," ika ni Lizbeth.

"Ayan ah, huwag na tayong magpakatanga pagkatapos nito! Ihanda niyo na lang mga sarili niyo na mag-testify against Rhea. Keep those screencaps as pieces of evidence," Nine advised.

"Si Venny ka, right?"

Ako pala ang tinatanong ni Lizbeth. Uminom muna ako ng tubig at tinignan siya pagkatapos. "Yes," wika ko.

"Binasa ko pala story mo. Yung My Love From The Past. I loved it! At ang bilis mo sumikat ah," she stated cheerfully.

"Oo nga eh. Pero ang pangit naman ng resulta. Sana man lang, di ako nagmadaling mag-publish ng libro." I mean every word I said.

"May fanpage kasi na nagpo-promote, kaya napablis. Noong time ko, mga 2012 ako sumali, matagal bago nagka-one million reads. Siguro mga three or four years later. Sa readers group ko lang iyon tapos nagpapa-plug din sa ibang Wattpad-related fanpages sa FB," kwento ni Lizbeth.

She took a spoonful of her meal, chewed on it slowly, then drank a gulp of water. "Noong una, gusto ko rin sumikat. In a way, nangyari nga, pero ito kinahinatnan," buntong-hininga niya.

"Sana pwede kong bawiin lahat ng nangyari. Sana di ako nainggit sa dati kong friend na naging sikat na writer," matamlay kong wika. "Katuwaan lang sa kanya pagsusulat, pero di niya expected na makikilala siya for it. Tapos napagbintangan niya akong nag-confess sa confession page ng against her kahit walang basis, ayan, friendship over kami," kwento ko kay Lizbeth.

"Whoa, grabe iyan!" Comment niya.

"Basis niya, kasi nagco-comment ng characters ng story niya ang mga readers niya sa story ko, alam niya iyon, tapos ganoon conclusion na? That I confessed against her?"

Muli kong nadama ang kirot sa puso ko nang maikwento ko iyon. Pero nakagaan din ng loob when I let it out.

"Sobra naman siya. Iba nagagawa ng kasikatan," Lizbeth shrugged. "Sana lang magkaayos kayo."

"Hindi masama maging kilalang writer, pero kung kasikatan lang basehan niyo sa worth niyo bilang manunulat, wala rin, eh bakit ka pa nagsusulat kung gusto mong sumikat? Nag-artista na lang sana kayo. Ayan oh, may pa-audition sa Pinoy Full House!" Natawa si Nine sa nasabi.

Natawa na rin kami ni Lizbeth.

"Tumigil na nga ako sa pagsusulat dahil sa nangyari, kasi natatakot ako na maulit iyon. Pero busy na rin kasi ako sa work. But, baka balikan ko, you'll never know." Napangiti si Lizbeth sa naisip.

"Oo nga, sayang ang talent. Teka pala, sino ka pala sa Wattpad?" I asked.

"Si NightWriter," nakangiti niyang sagot.

My jaw dropped. "Oh my gosh, yung author ng Secret World? Iyan ang first story na nabasa ko!" I excitedly shrieked.

"Kalma!" Tawa ni Nine.

"Reader pala kita!" Napayakap sa akin si Lizbeth.

"Ano ba ito, sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala!" I hugged her as I squealed in excitement. "Noong wala pa akong Wattpad account, binibisita ko pa site para basahin! Tinapos ko story mo, at after nito, wala na akong alam sa nangyari!"

The Green-Eyed WriterWhere stories live. Discover now