11-Pretending to be okay

332 37 13
                                    

"It's just another New Year's Eve", ika nga ng kanta ni Barry Manilow.

How do I describe this New Year's Eve in Baguio with my family?

Masaya naman, dahil nakaraos ulit ako ng isang taon. I may be hopeful, I may be happy watching the TV countdown and eating media noche, but deep inside, there's a feeling of foreboding I can't quite put a finger on.

Natapos na ang aming celebration ng 2am. Nakahiga ako sa kama at tahimik na ang buong cottage. Sa labas ay may nagpapaputok pa rin, but believe me when I say that my mind's way noisier.

Babalik na kami sa Manila sa January 2. Haharapin ko na naman ang Internet, school, at si Nessie. Parang ayoko pa matapos ang bakasyon namin, dahil maiisip ko ulit si Nessie at ang unti-unti niyang pagsikat sa Wattpad.

Masama ba kung naiinggit ako sa kanya at gusto ko lang ang kung anong mayroon siya as a writer?

Masama na kung masama, but for me, nagiging motivation ko ito na galingan pa, na malagpasan ko siya. Pero sana, may makapansin sa akin na fanpage ng mga Wattpad stories. Paano ako sisikat kung hindi nila ako papansinin?

It's like shooting for the moon, but I see nothing wrong with this small wish. Di pa naman ako greedy.

---

January 1 came at natapos din ito. We just spent the whole day sa aming cottage na nagre-relax, since pagod na mamasyal sila mama.

By January 2, 8am, we were out on the road back to Manila. May in-between stopovers for lunch and early dinner, at nakabalik na kami sa bahay ng mga bandang 10pm na. Ang unang ginawa ni papa pagkapasok sa salas ay nahiga ito sa sofa.

"Pa, mag-ayos muna kayo," I reminded him.

"Sige. Pasensiya na, inaantok daddy mo," tawa niya. Agad na bumangon si Papa at nagpunta sa banyo para magsipilyo.

Kanya-kanya nang ayos pagkatapos nito. I just let my dad and mom in the CR tapos sumunod din ako. After doing my night rituals, dumiretso na ako sa kwarto, nagbihis, at nahiga na sa kama.

Bukas na lang ako magsu-surf ulit to check my notifications.

---
45 notifications.

Agad bumungad sa akin ang numerong ito pagkalog-in ko sa Wattpad sa aking laptop the next day. Agad ako nag-click. May mga votes ako sa "My Love From the Past", at isang comment.

"Ay, si Jose ni Rosalie!"

Napakunot ang noo ko. I clicked on the online comment and realized na may minor character ako na Jose ang pangalan. Siya ang aide de camp ni Heneral Santander sa aking kwento.

Hala, nakalimutan ko na Jose rin ang pangalan ng main character ni Nessie sa Hisfic story niya na "Lovers' Diary"!

Nag-isip akong mabuti kung sasagutin ko ba ang nag-comment sa akin ng name ng ibang character. Nag-aalangan din ako, baka masamain pa.

Ni-refresh ko ang browser ko, at may bagong notif ulit.

May sumagot sa comment tungkol kay Jose ni Rosalie.

"Kyaaah, Lovers Diary! Nabasa ko na iyon, ang ganda kaya!"

Dito na ko napuno ng inis.

"Hi, pwede ba wag kayo mag-comment ng ibang stories at characters sa story ko? Respeto naman, thanks. Nagmamahal, ang Author."

Sige, hintayin ko ang reply ng isa sa kanila. Sure enough, may sumagot, yung second reader.

"Huhu, sorry po Ms. A, naalala ko lang po yung Lovers Diary."

The Green-Eyed WriterWhere stories live. Discover now