10-Solitude

315 37 8
                                    

Hindi ako nag-online for the next 4 days. Gusto ko muna mag-detox sa lahat ng nakikita ko sa Wattpad at Facebook. Naging pleasant distraction ang pamamasyal namin sa iba't ibang lugar dito sa Baguio, gaya ng pagtingin ng mga paninda sa palengke at night market, pagbisita sa Ben Cab Museum, isang hapunan sa 50s Diner, at siyempre, picture-taking para sa Instagram feeds. Upload ko na lang mga pictures pagbalik ko ng Manila, that can wait.

On the day of New Year's Eve, nagpaalam ako kay mama na pupuntahan ang isang kilalang cafe and bookshop sa bayan. Buti pumayag siya na gusto ko muna mapag-isa. I left after eating our breakfast, habang sila dad at Venson ay nanonood ng movie sa kanilang kwarto.

Isang malamig na umaga ang sumalubong sa akin paglabas ko ng aming cottage. Niyakap ko ang sarili kahit na makapal na jacket ang suot ko at may bonnet ako sa ulo. Napabuntong-hininga ako, at nakita kong lumabas ang munting usok sa aking bibig. Sadyang kay lamig ng umaga ngayong last day of the year.

Naglakad ako palabas ng highway, at swerte naman na nakakita ako ng jeep papuntang Session Road. Pinara ko ito at mabilis na sumakay. Sa loob ng ilang minuto ay nasa downtown na ako.

Sumilip ako sa jeep at sinalubong ako ng mga buildings ng Session Road, na may mga Christmas decors pa rin. Sa magkabilang dulo ng daan ay naglalakad ang mga taong balot ng jackets at may hood, bonnets, or cap sa ulo. Kahit na maginaw ay halata pa rin ang kasiyahan sa kanilang mga mukha, na bakas sa ngiti sa kanilang mga labi, o kaya naman sa masayang usapan ng mga grupo na naglalakad. Di pa rin natatanggal ang Christmas spirit, at lahat ay excited sa paparating na bagong taon.

Kinalabit ko ang string sa taas para pumara. Bumaba ako sa harap ng bookshop na balak kong puntahan. Nang makapasok ako dito, hindi ko mapigilan na ngumiti sa aking nakita.

Sumalubong sa akin ang magkabilang wooden bookshelves, na napupuno ng mga libro of all types and sizes. Sa gitna naman ay may mga maliliit na lamesa at upuan. May isang babaeng teenager sa kaliwa na nagbabasa ng libro habang may pink na tasa ng kape sa harapan niya, at sa right side naman ay may couple na magkatabi. Nakasandal ang babae sa balikat ng kanyang boyfriend, na kasalukuyang binabasahan ito. Hindi maingay ang lugar, except sa background music na nagpapatugtog ng acoustic Christmas songs.

Pumasok pa ako sa loob, at nakita ko ang counter, kung saan pwede bumili ng kape at pastries. I calmly walked over and checked the menu, na nakasulat sa chalkboard sa itaas.

"Miss, one regular-sized Matcha iced latte and choco chip cookie." Ito ang sinabi ko sa kahera the moment she noticed me.

"Serve ko na lang po, you may take a seat," magalang na wika ng kahera.

I smiled at her gave her my payment from my wallet. I walked off and instantly found a seat by the window. May nakita akong libro sa ibabaw ng lamesa, na isa palang poetry book. Pinulot ko ito at binasa habang hinihintay ang aking order.

Lumapit na sa akin ang cashier with my Matcha drink and cookie. I took it smilingly and sipped the sweet drink from the paper cup na may metal straw.

I spent the next hour enjoying my solitude in this quaint bookshop, with soft music in the background. Tumayo ako at one point para kumuha pa ng dalawang librong babasahin from a nearby bookshelf. One was a book of short urban fiction stories, at ang isa naman ay poetry book.

Inuna kong basahin ang poetry book. Ito ang bumungad sa akin sa unang pahina:

Ask Yourself

Is this what you want?
Have you truly listened to the longings of your heart?
What you think is necessary,
May not really make you happy.

Be careful what you dream of,
It might come true, but it may become your biggest woe.
When blinded by ambition, greed will empower
And all of this will truly make you bitter.

So ask yourself, "Is this what I want?"
You might then realize
That the life you took for granted,
is all your heart ever wanted.

I paused after reading. Bakit parang sa akin isinulat ang tulang ito?

Naalala ko na gusto kong maging kasing-sikat ni Nessie sa Wattpad.

Masama ba kung mangarap ako ng ganoon? Ano naman mawawala kung wish ko na magkaroon lang ng maraming reads at votes sa stories ko, at maging kilalang manunulat?

Masama ba ang mga naiisip ko?

I tried to search for an answer, but right now, my mind felt empty and numb. This silence is uneasy, the kind of silence that's dark and it consumes you, without knowing what will happen after.

A/N: Ako nagsulat ng poem. Added a Christmas song too!




The Green-Eyed WriterWhere stories live. Discover now