Chapter 15 : Foiled plans

37.6K 2.3K 1.8K
                                    


¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


"Kumain ka na," biglang sambit ni Magno.

Hindi ko namalayang nakatitig lang pala ako sa pagkaing nasa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin sa mga kasama ko sa mesa at hindi ko naiwasang makaramdam ng kilabot. Lahat sila'y kumakain at nag-uusap na para bang normal lang ang lahat ng nangyayari.

Napasulyap ako kay Papay na pangiti-ngiti habang tinatanong sina Fredd kung masarap ba ang luto niya. Si Mamay naman ay nakikigag-kwentuhan kay Jean. Sina Evan at Vicky naman ay halos magsubuan. It's creepy how all of them seems to be okay with this when in fact none of this is normal. We're being kept here against our will and here we are, dining and acting like a happy family with our crazy captors.

"Sino pala maghuhugas ng pinggan ngayon?" tanong ni Mamay.

Bigla na lang napatingin sa akin ang mga lintik.

"B-bakit ako?" agad nakunot ang noo ko.

"Kasi ikaw ang pinakabagong myembro ng pamilya," pabirong sambit ni Papay. Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niyang may pilat. Mukhang napakatagal na nito. Siguro tinamo niya ito noong araw na magkaroon ng sunog na ikinamatay ng ilang myembro ng pamilyang Abaddon. Pero sabi ang tatay at bunsong anak lang daw ang nakaligtas? Sino si Uncle? At saan nakilala ni Papay si Mamay?

"Danny, tulungan mo na si Cindy tutal bago ka rin naman dito," biglang sabi ni Mamay at tumango naman si Magno.


***


Padabog kong ibinagsak ang mga pinggan sa lababo. Kung pwede ko lang talaga itong pagbabatuhin sa mga mukha nina Mamay, Papay, at Vicky ay ginawa ko na.

"Relax, di ka ba naghuhugas ng pinggan sa inyo?" Natatawang tanong ni Magno dala ang iba pang mga hugasin.

I rolled my eyes and turned to look at the door, making sure that no one is in sight to hear us.

"I used to wash the dishes in the facility. This isn't new to me." I sighed at the thought of everything I went through back in Argentina.

"Facility? Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong tumabi sa akin si Magno at nilapag ang mga pinggan sa lababo.

Umiling na lamang ako. Ayoko nang pag-usapan pa ang mga nangyari. Nakakalungkot lang dahil kinailangan kong magdusa nang ganoon para lang sa wala. Lahat kami ay nagdusa dahil sa kasinungalingan ni Vicky at ng siraulo niyang pamilya.

Humarap na lamang ulit ako sa lababo at nagsimulang maghugas, sa tulong na rin ni Magno.

"How can you do it?" mahina kong sambit habang abala ang mga kamay ko.

"Do what?" he asked.

"How can you play along with all this?" I heaved a deep sigh. "Alam mo bang mula nang mapagdesisyunan kong maging teacher, nangako akong hindi na ako magmumura at magmamaldita kasi gusto kong maging magandang ehemplo sa mga estudyante ko? Pero ngayon, tangina lang! Lahat na yata ng murang alam ko, halos lumabas na sa bibig ko sa tuwing nakikita ko ang lintik na si Vicky?!" pabulong kong sambit kahit pa gigil na gigil na ako.

Please Find MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora