Chapter 16 : Oasis

37.5K 2.4K 1K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ilang araw na ang lumipas pero hindi maalis sa isipan ko ang mga napag-usapan namin ni Vicky. I could read between the lines, it was clear that she hated Reika. Natatakot ako na baka may kung anong gawin siya rito. Oo nga at wala pang pinapakitang bayolenteng kilos si Vicky pero iba ang kutob ko sa kanya. Something about her just feels volatile.

"Hey, everything okay?" tanong ni Magno habang naglalaro kami ng chess.

"Nag-iisip lang ako ng strategy," I lied and even frowned. Hindi ko kayang sabihin kay Magno ang tungkol sa galit ni Vicky kay Reika, tiyak kasing mag-aalala lang ito. Kahit mag-alala kami, wala rin naman kaming magagawa rito. The only good thing about Vicky's hatred towards Reika is that she wouldn't be interested in taking her here.

I sighed as I leaned my back against the wall. "This is boring. I wish we could play Basketball."

"Still good at it?" tanong ni Fredd na kahit nakaharap sa TV ay nakikinig din pala sa usapan namin.

"Oo naman!" Taas-noo kong pagmamalaki.

"Yabang!" Suminghal si Magno, halatang inaasar na naman ako.

"Eh kung isaksak ko kaya 'tong chess pieces sa bunganga mo?!" banta ko kaya agad nitong tinikom ang bibig. Hindi ko napigilang matawa.

"Asan pala ang magjowa?" tanong ni Jean na pilit pinapalipas ang oras sa pamamagitan ng libro. Sabi nila, minsan na isang buwan ay bumibisita daw 'yong matandang pulis para maghatid ng mga lumang libro o di kaya'y mga cartoons o educational DVDs.

"Tambay na naman siguro sa garden?" hula ni Fredd.

"May Garden?" Kunot-noo akong napatingin kay Magno pero ngumuso lamang siya sabay kibit-balikat— walang ideya gaya ko.


Habang naglalakad patungo sa sinasabi nilang garden, panay ang titig namin ni Magno sa pasilyong aming nadadaanan lalo't puno ito ng mga picture frame. Nakakapanindig balahibo lalo't nakikita namin sa litrato napakaluma na ng mga ito. 

"Shit." Biglang huminto sa paglalakad si Magno. His eyes were filled with fear and tension as he pointed a photo filled with little kids. I could recognize Vicky as an 8 year old pero hindi ko kilala ang mga kasama niyang batang babae.

"Bakit?" tanong ni Fredd. Huminto silang dalawa ni Jean at kunot-noong lumingon sa amin.

Hinigit ako ni Magno palapit sa kanya. "Sila 'yung mga batang nawala pagkatapos mawala ni Vicky."

Kinilabutan ako nang maalala sila mula sa mga missing poster sa dingding ni Magno. Sila iyong mga ulilang nawala ilang buwan pagkatapos mawala ni Vicky!

"A-asan na sila ngayon?" kinakabahan kong tanong.

"Probably killed like the rest of them." Mas kinilabutan pa ako nang dahil sa narinig mula kay Jean.

Please Find MeWhere stories live. Discover now