Chapter 38 : Wait for me

43.4K 2.2K 1K
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ayaw mong bumangon ha?!" 

I screamed at the top my lungs nang bigla na lamang hinila ni Silver ang mga paa ko. Mabuti na lang at sa sahig ng kwarto ako natulog dahil wala pa namang kama, kung hindi ay nalaglag na ako. 

"Silverianne hayop ka!" bulyaw ko nang makita ko siyang nakatayo sa isang tabi, nakahalukipkip ang mga braso at nakataas ang isang kilay. 

"It's 8am, get your ass up kung ayaw mong si Riley mismo ang pumasok dito! Mas malala 'yon manggising! Namamalo 'yon ng tabo!" 

Dali-dali akong napabangon. Riley Bognacia is scary. Riley Bognacia with a weapon is scarier.

"Wait, Riley's here?" Pupungas-pungas ko pang tanong. Nag-aagaw pa ang antok at kamalayan ko kaya naupo muna ako sa gilid ng kama.

"The gang is here, except for the babies and three big babies who are still stuck in Manila." Silver rolled her eyes.

Naalala ko si Magno kaya naman agad kong kinuha ang cellphone na nasa gilid ng kama ko. Sisilipin ko sana kung may message ba mula sa kanya pero mabilis na inagaw ni Silver ang cellphone ko.

"Ligo muna bago lumandi!" she ordered like an angry mother, pointing my bathroom.

"Boyfriend mo kulang sa ligo!" ganti ko na lamang habang papasok sa banyo.


Pagbaba namin sa sala ay nagulat ako nang madatnan ang mga kaibigan namin na abala sa pagpipintura at paghahakot ng mga gamit mula sa mga moving truck. They looked like they were all having fun, kanya-kanya sila ng kulitan at kantyawan. Si Lucho nga ay nagmukha ng nasa bonakid commercial dahil sa dami ng pintura sa mukha niya, I bet siya na naman ang napagtripan nila gaya ng dati. He's like the baby of the gang kahit pa hindi naman siya ang pinakabata.

I went to the kitchen to check on Mom and I found her cooking with Piper, Apollo, Riley, and Benji. She looked so happy while talking to them, lakas lakas pa ng tawanan nila. Next, I looked for Dad and found him in the garden talking to Denver and Braylee, I guess they're talking about improving the garden.

Nahiya ako sa kanilang lahat dahil wala akong ginagawa kaya naman kumuha na ako ng paint brush at namili ng area na pipinturahan ko. 

"Ten-ten!" Napangiti ako nang dumating si Mela at agad akong niyakap nang mahigpit. As usual kasama na naman nito si Lewis at marami silang bitbit na pagkain. 

"Food!" Otomatiko namang naglapitan sina Cohen at walang kahiya-hiyang nang-agaw ng mga paper bag.

"May bayad 'yan!" anunsyo agad ni Lewis kaya natawa na lang ako.

"So? Where's your boyfriend?" Ngumisi si Mela at agad akong siniko.

"I don't have a boyfriend," pagtatama ko agad sa kanya.

Please Find MeWhere stories live. Discover now