Chapter 28 : Boomerang

37.4K 2.1K 1.2K
                                    


Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.


"Busog o inaantok?" Natatawang tanong ni Warren sabay abot sa akin ng isang bottled water.

"Both... and it might also have something to do with my painkillers." I jokingly rolled my eyes.

"You'll get used to it." Warren flashed his usual angelic smile and continued handing out bottled water to the rest of the group. 

Ginabi na kami sa pagtambay sa Mausoleum ng mga Magno, nagkatakutan na kami at lahat-lahat pero wala pa ring umuuwi. Kahit ang mga baby andirito pa rin at natutulog sa kani-kanilang crib, except for Braylee and Denver's son na parang hindi nawawalan ng energy at laging naglilikot. While Braylee, Piper, and Apollo were trying to keep baby bear entertained, bantay-sarado naman ang mga tatay at kanya-kanya ng wasiwas ng mga mosquito swatter para 'wag lamukin ang mga bata. Ang mga musikero naman ay nagja-jamming na, tinutugtog ang mga paboritong kanta ni Reika.

"Crush mo pa rin ba si Warren?" biglang tanong ni Silver kaya halos mabuga ko ang iniinom kong tubig. Mabuti na lang talaga at mahina ang boses niya, siguro naman walang ibang nakarinig.

"May jowa na 'yon, matagal na akong nag-uncrush," taas-noo kong pagmamalaki. "Pero sobrang gwapo pa rin niya though," pabulong kong dagdag.

"Sobra," pagsang-ayon naman ni Silver kaya hindi ko napigilang matawa. Kung hindi lang kinwento sa akin ang mga ships sa barkada, aakalain kong crush niya rin si Warren. I mean who wouldn't like Clint Warren Vasquez?!

"Mas pogi kay Rukawa?" pang-aasar ko. Ha! Ano ka ngayon multo?! Alam ko na ang mga baho mo!

"Sino ang puchangamang nagkwento?" Silver glared but for some reason I didn't get scared, mas lalo lang tuloy akong natawa. Her lips contorted upwards as she snarled angrily, "Weird Addamson Magno."

Kapwa kami napalingon kay Magno na nakaupo sa ibabaw ng nitso ni Reika. Napatingin siya sa amin habang kasalukuyang umiinom ng tubig at sa isang iglap ay parang napuno ng takot ang mga mata niya. Takot yata kay SIlver ang lintik!


Sa pagsapit ng alas-otso, kanya-kanya na kami ng ligpit ng mga gamit at pinagkainan, naghahanda na kaming lahat na umuwi.

"Bye baby bear!" My heart fluttered as I continued playing with Braylee and Denver's son. 

"Bye ka na kay Tita," malambing namang sambit ni Braylee na siyang may karga nito. She even manipulated her son's adorably tiny hands just to wave back. My heart fluttered, even more, when baby bear giggled. 

Gusto ko rin sanang magpaalam kay baby JR at Ned kaso tulog na ang mga ito. Baka magising at mag-iyakan, makonsensya pa ako. Kumpara kay Braver, higit na mas chill talaga ang dalawang sanggol. 

"Ten, may problema ako." Bigla na lamang lumapit sa akin si Silver na nakangiwi habang hawak ang kanyang tiyan. Mukhang masama ang pakiramdam.

"Okay ka lang?" I asked.

Please Find MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant