03

528 24 11
                                    

( a/n: okay, pov ni phoebe since siya ang nasa tamang wisyo HAHAHA bigyan natin siya mahabang exposure )

—-

Phoebe

Natatawa nalang ako habang pinapanood ko mga kaibigan ko.

"Ano ba nalamon nitong mga 'to at gustong gusto magpaka-lasing?" Tanong ko kay Primrose kaso hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa kanya. Nakainom na 'to pero nasa katinuan pa naman 'tong si Prim.

"Hoy, tulala ka diyan." Sabi ko

"Ay may sinasabi ka?" Tanong niya habang nakangiti at nakatitig sa phone. Sinilip ko yung phone niya at nakitang may iniistalk siya

Choi Byungchan

Hayy ang mga kaibigan kong jowang jowa na

"Single ako jowain niyo na ako!"

What the hell?!

Nung marinig ko yung pamilyar na boses na 'yon, agad akong napalingon sa may dj at nakitang nakatayo do'n si audrey habang hawak hawak yung microphone

Ayan, isa pang jowang jowa.

Lee Midam asan ka ba?! Yung kapatid mo?!

Inikot ko paningin ko at nung makita kong nakasubsob na sa may pader si Midam, napailing nalang ako. "Nevermind. Ako nalang." Sabi ko at dali-daling pinuntahan si Audrey sa unahan at dinala sa may lobby, pagkababa ko sa kanya do'n, tulog na siya agad.

"Okay Phoebe, one down. 5 to go." Sabi ko at pumasok ulit sa loob at hinanap mga kaibigan ko

Alam kong eskandalosa sina Audrey, Reese at Avery kapag nalalasing kaya sila inuna ko dalhin sa lobby

Nakita ko namang may kausap si Reese na lalaki, nakatalikod sa'kin yung lalaki kaya hindi ko napansin. Nung nakita ko mukha niya, nalaman kong si Seungyoun pala 'yon, regular din 'yan dito sa Retro, kaso nasa second floor sila lagi. Kami kasi sa first floor lang.

"Yabang yabang mo, jutay ka naman."

WTF?!

HAYUP KA REESE!

"Sorry po." Sabi ko sabay bow kay Seungyoun, hindi naman siguro kami kilala nito. "Pasensya na po ulit, ako na bahala sa kaibigan ko." Sabi ko pa ulit at nagbow. Dali-dali kong hinatak palabas si Reese do'n at dinala rin siya sa lobby.

Sakto namang kararating lang ni Kookheon, "San ka galing? Nag-eskandalo na 'tong dalawa." Sabi ko

"Hinanap ko si Byungchan eh." Sabi niya

Byungchan? Wait parang familiar.

Aish. Hindi ko maalala, bahala na.

"Si Avery tsaka Prim nasa loob pa. Hindi pa lasing si Prim, si Avery hindi ko alam kung nasan. Si Midam, lasing na lasing na rin. Ako na bahala kay Avery."

"Sige ako na do'n sa tatlo." Sabi niya. Pumasok na kami at dinala na yung mga kaibigan namin sa may lobby para medyo mahimasmasan.

Natatawa pa rin ako kay Audrey and Reese. Sana lumubog kayo sa kahihiyan bukas.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now