62

218 17 3
                                    

Reese

Agad kong pinauwi si Seungyoun. Hindi pwedeng magstay siya dito sa bahay, baka mailang 'yon sa mga kaibigan ko. Lalakas pa man din mang-asar netong mga 'to

"Hoy ikaw ano 'yon ha?" Sabi ni Phoebe, always the mataray one.

"Reese." Tawag sa akin ni Kookheon. Ayan, ayan na ang katapusan ko, si Kookheon

"Hayaan niyo na si Reese, matanda na 'yan. Para namang hindi kayo nakikipaghalikan." Sabi ni Yuvin

"Hindi talaga!" Sabi ni Phoebe

"Aish, kumalma nga kayong dalawa. Natatakot ako sa inyo eh." Sabi ni Sihun

"Galit na si nanay tsaka si tatay kaya ako na kakausap sa'yo." Natatawang sabi ni Audrey, "Ano yung kanina?"

"Honestly I don't know." Sabi ko

"Bakit namamaga mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Midam

"Nakipagkita kasi sa'kin si Gunwoo kanina."

"Gunwoo? Yung ex mo?" Tanong ni Avery

"Nakipagkita ka naman?!"

"Hihingi dapat ako ng closure." Sabi ko

"Girl! Hindi na dapat humingi ng closure do'n! Alam mo kung gaano kakupal yung ex mo na 'yon. Jusko hindi deserve no'n ang closure." Sabi niya

"Ano sabi ni Gunwoo? Bakit ka umiyak?" Tanong ni Prim

"Boring daw ako. Sa tatlong taon daw wala siyang napala sa akin kasi conservative ako masyado." Sabi ko

"Gago talaga." Narinig kong sabi ni Kookheon

"Tapos ayon, narinig ni Seungyoun kasi nagkataon andon din sila. Sinuntok niya si Gunwoo."

"Eh bakit kayo nagkkiss?" Pang-aasar bigla ni Sihun.

"Bakit kasi pumupunta kayo dito nang walang paalam?" Sabi ko

"Aalis dapat tayo ngayon, nag-aaya ng gala 'tong si Midam kasi ggraduate na raw tayo. Baka maging busy na tayo." Sabi ni Kookheon

"Saan naman?"

"Bahala na kung saan tayo mapadpad." Natatawang sabi ni Midam

"Oh tara na." Sabi ko

"Paalam ka muna do'n sa manliligaw mo." Sabi ni Yuvin

"Hingi ka na rin goodbye kiss." Sabi naman ni Sihun

"Mga gago talaga kayo! 'Wag kayo lalapit sa'kin." Sabi ko at tinawanan lang nila ako

Nakakahiya talaga.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now