36

260 21 2
                                    

Reese

Bakit ba ako nandito ngayon sa Retro?

Sabi ko hindi na ako pupunta dito, ukinam.

"Thank you, Reese! Ikaw na bahala sa amin mamaya ha." Sabi ni Sihun tas umalis na. Sumunod naman sa kanya sila Yuvin tsaka Midam

"Hoy mga letse 'to. Mabibigat kaya kayo!"

"'Wag ka mag-alala, 'di ako gaanong iinom. Tutulungan kita sa mga 'yan mamaya." Sabi ni Kookheon

Oh my gosh, thank you at may matino akong lalaking kaibigan

"Thank you, Kookheon. Sige na, dito lang ako sa may lobby." Sabi ko.

"Bakit nga pala tagong-tago mukha mo? Naka mask tsaka hoodie ka pa. May ninakawan ka 'no?" Pabiro niyang sabi.

"Baliw. Pumasok ka na nga do'n." Sabi ko.

"Tawagan mo ako kapag may problema ah." Sabi niya. Tumango lang ako at nag thumbs up tas pumasok na siya sa loob. Mga hayup kong kaibigan, ako hinatak para may tagahatid sila pauwi.

Sana naman wala akong Seungyoun na makita ngayon 'no? Pero naka-hoodie and face mask naman ako ngayon, tagong-tago pagmumukha ko. If ever na andito siya, hindi ako makikita no'n ni Seung—

"Reese!"

Nanlaki mata ko nang marinig ko boses ni Seungyoun. Paano niya nalaman na ako 'to? Hindi ako lumingon para kunyari hindi ako si Reese. Naka-mask na ako tsaka naka-hoodie, mata ko nalang kita tas makikilala pa ako neto? Ang lupet naman, Cho Seungyoun.

"Reese, alam kong ikaw 'yan." Sabi niya at tumabi sa'kin dito sa couch.

Sa sobrang pagkataranta ko, nagpanggap akong inuubo. "'Wag ka lumapit sa'kin, may sakit ako. Bye." Sabi ko at kumaripas ng takbo papuntang parking at sumakay sa sasakyan ni Midam, buti nasa'kin susi huhu.

Shet mukhang dito ako papalipas ng gabi.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now