29

286 21 0
                                    

Seungyoun

Naglalakad ako dito sa Hyeopjae beach. Ang unusual kasi ang konti ng tao ngayon dito knowing na magpapasko?

Nag-iinat ako habang naglalakad, dinadama ko na kasi baka matagalan ulit bago ako makabalik dito.

Nililibot ko tingin ko nang may makita akong pamilyar na babae.

Gotcha

—-

Reese

Nakatitig ako sa scenery. Nakakawala ng stress. Taimtim akong nagsesenti nang may maaninag akong pamilyar na mukha

Oh no. Oh no.

Bakit ka andito, Seungyoun?!

Pero imbes na umalis at magtago, napatitig ako sa kanya.

Topless siya.

May tattoo pala siya?

Oh my gosh. Bakit hindi maalis titig ko sa body niya? Bakit ang ganda ng katawan niya? Akala ko sobrang patpatin siya, mali pala ako.

"Picturan mo nalang kesa titigan. Mas tumatagal ang pictures."

"S-sige."

OH SHOOT

Napabalikwas ako sa sinabi ko. Shet?! Nasa harapan ko na si Seungyoun?! Hindi ko man lang napansin na papalapit na siya? Letse?! At ano yung sinabi ko?!

"Aish." Sabi ko at tumayo at naglakad

"Uy, bakit aalis ka na, Ms. Sexy?" Tanong niya. Napatingin ako sa katawan ko at narealize kong naka bathing suit nga pala ako. Confident ako sa body ko ever since pero bakit na-conscious ako bigla ngayon?

"Manyak ka." Sabi ko at akmang aalis na naman

"Wow sino kaya titig na titig sa'ting dalawa?"

Humarap ako sa kanya habang naka-pameywang, "Wala ka bang ibang gagawin kundi guluhin ako? Hindi pa ba tapos yung issue mo sa'kin? Affected ka pa rin ba? Ano ba gusto mo?"

"Ikaw."

"A-ano?"

"Ikaw? Ano ba gusto mo? Libre kita."

"No thanks." Sabi ko at tumalikod na ulit, nakakailang hakbang palang ako ng tawagin niya na naman ako

"Sandali lang!"

"Ano ba kasi 'yon?"

"Gusto ko lang makipag-kaibigan."

Ano?

"Bakit?"

"Bakit? Masama ba?"

"Bakit ako?"

"Wala lang."

"Anong wala lang? May gusto ka sa mga kaibigan ko 'no? Tas gagawin mo akong tulay?"

"Wow ha, lawak ng imagination mo. Hindi ko nga naisip 'yon." Sabi niya at inirapan ako. "Tsaka wala akong gusto sa isa kanila. Ikaw lang."

"Anong ako lang?"

"Ikaw lang naman kilala ko do'n, ay wait, si Primrose pa pala. Ayon, kayong dalawa lang kilala ko."

"Wala kang mapapala sa pagkakaibigan sa'kin."

"Meron kaya."

"Ano?"

"Ikaw."

"Hayy nako, ewan ko sa'yo, Seungyoun." Sabi ko at tumalikod, nung naramdaman kong hindi siya nakasunod sa'kin, humarap ako ulit sa kanya

"Ano ginagawa mo diyan? Gusto mo makipagkaibigan diba? Samahan mo ako do'n." Sabi ko at tinuro yung tattoo and henna shop. Ngumiti lang siya at sumunod sa'kin

'Di ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero bahala na.

**
note: last day of my exam today!! bawi ako sa weekends 💛

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now