Epilogue

317 19 26
                                    

Reese

Kanina pa kami nagdadaldalan ni Seungyoun kaya nanahimik muna kami sandali kasi pagod na kami kakakwentuhan.

"Told myself that you were right for me
But felt so lonely in your company
But that was love and it's an ache I still remember."

Nagkatinginan kami bigla ni Seungyoun dahil sa background music dito sa coffee shop.

"So when we found that we could not make sense,
Well you said that we would still be friends
But I'll admit that I was glad it was over."

"Timing yung kanta ha." Natatawang sabi niya, natawa lang din ako.

"It's been a year pala simula nung nagbreak tayo 'no?" Sabi ko

"Tingin mo kung tayo pa rin ano na nangyari sa atin?"

Nagkibit-balikat ako, "Honestly hindi ko rin alam eh. Hindi ko alam kung maaayos ba natin kung tinuloy natin o lalo lang natin masasaktan yung isa't-isa," sabi ko

"Pero siguro kung tinuloy natin tas patuloy lang natin nasaktan isa't-isa, baka wala tayo dito ngayon."

"Oo, baka hindi tayo magkaibigan ngayon. Baka binabash na kita tas pinagkalat ko sa Retro na jutay ka."

"Aba? Nakita mo na ba? Maka-jutay ka diyan ah." Natatawang sabi niya

"Pero Seungyoun, masaya ako, sobra."

"Kasi?"

"Kasi kahit mag-ex tayo magkaibigan pa rin tayo ngayon. Na in good terms tayo. Kasi honestly, lagi kong hinahanap-hanap presence mo."

"Ako rin naman. Thankful din ako na okay tayo. Tsaka hindi lang naman ikaw 'no, ako rin, lagi ko rin hinahanap presence mo. Nasanay ako masyado na lagi kita nakikita kaya gusto ko nakikita kita lagi." Sabi niya. I smiled.

So far hanggang dito muna ang story ko. Hindi ko alam kung interesting ba, or boring tulad ng sabi ng ex ko pero one thing is for sure.

Naenjoy ko, sobra. Naenjoy ko kasi I'm with Seungyoun. Hindi man naging kami hanggang sa matapos ang istorya ko pero we're still happy.

Pero bago ko tapusin gusto ko lang sabihin na size doesn't matter.

It doesn't matter sa lahat ng bagay. It's all about the heart. Kahit malaki o maliit na effort man 'yan, o kung ano man, it doesn't matter as long as you are happy. Sabi nga nila, it is not the size that counts, it's how you see it.

May mga bagay talaga na pinagtagpo pero hindi itinadhana, oo sounds cliché pero ganon talaga ang buhay. Hindi lahat ng akala mong meant to be ay meant to be.

Seungyoun and I? Isa kami sa nabiktima noong cliché na line na pinagtagpo pero hindi itinadhana. Hindi man kami itinadhana as lovers pero I believe na itinadhana kami as best friends at siguro nga talaga we're better off as friends.

-the end-

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now