26

282 19 5
                                    

Reese

"Hayy, jowang jowa na ako. Wala ba kayong irereto diyan?" Sabi ni Phoebe

"Si Midam."

"Yuck? Kapag tropa, tropa lang." Sabi ni Phoebe. "Dami daming nanliligaw sainyo, sa'kin wala." Sabi pa niya

"Alam niyo, oo nga. Pansin ko rin." Sabi ko, "Ang ganda ganda ni Phoebe pero ang tumal sa manliligaw."

"Saksakan kasi ng suplada itsura eh. Malamang walang magtatangka." Sabi naman ni Avery

"Minsan kasi sis, matuto kang ngumiti ngiti pag nasa labas. Kami, oo, alam naming mabait ka naman, eh paano yung iba? Na hindi ka pa kilala? E'di siyempre mataray tingin nila sa'yo."

"Paano ko naman gagawin 'yon? Hindi naman ako sanay na ganon eh."

"Si Midam nga kasi. Si Midam nalang."

"Eh hindi nga pwede."

"Bakit naman?"

"Tropa nga kasi."

"And so?"

"Paano kung magbreak kami? E'di sayang?"

"Eh bakit kasi pagbbreak iniisip mo agad? Nega ka masyado eh." Sabi ni Avery

"Eh ikaw Avery, kayo ni Sihun?"

"H-ha?"

"Hatdog." Sabi ni Phoebe, "Lakas ng loob mong mag-advice sa'kin, ikaw nga nahihirapan din."

"Iba naman kasi yung akin." Sabi niya

Nagkatinginan kami ni Phoebe, "Omg! So totoo ngang may something sainyo ni Sihun?"

"Oo pero ayoko pangunahan kasi hindi naman siya nagsasabi eh. Do'n ako nahihirapan, hindi naman niya kina-klaro kung ano ba label namin."

"Eh ikaw, Reese. Musta si jutay?"

"Oh my gosh. Please 'wag mo na paalala sa'kin 'yan parang awa." Sabi ko

Tumagal pa kami do'n ng ilang oras pa hanggang sa magkaayaan na umuwi. Uuwi ako ngayon sa Daegu, sa bahay ng parents ko.

Magbabakasyon kasi kami sa Jeju. Request daw ng pinsan ko, kaya lahat kami pupunta ng Jeju.

Sana naman makapag-relax ako do'n. Sana lang talaga.

❝ size ❞ ➳ c.syTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon