06

373 25 0
                                    

Reese

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko.

Gaano ba ako ka-wasted kagabi?

Wala naman siguro akong ginawang kalokohan 'no? Tahimik kasi yung GC namin.

4 am na ako nakauwi kanina kasi nagpakalma muna ako kasi hindi nila ako pwedeng iuwi nang sobrang lasing ako, yung tipong patay na ako sa kalasingan. Yari ako talaga sa magulang ko.

10pm natutulog parents ko, everytime pupunta ako ng Retro, madaling araw na talaga kami nakakauwi kaya walang magbubukas sa'kin ng gate. Nagiging instant akyat bahay ako everytime uuwi kami galing ng Retro eh.

Kapag kasi inuwi nila ako ng sobrang lasing, hindi ako makakaakyat ng gate, so need talaga nila gisingin parents ko para makapasok ako ng bahay, and if ever na makita akong ganon ng mga magulang ko, I'm super dead talaga.

Sa parents ko naman kasi, basta makita nila akong natutulog na sa kwarto ko paggising nila ng 5 am, okay na sa kanila 'yon. Tsaka tiwala sila kasi kaibigan nila may ari ng Retro.

Pero hindi ko rin sila maintindihan minsan eh. Hahayaan nila akong pumunta ng retro tas gabihin pero pinagla-lock-an nila ako ng gate. Parang gusto yata ng magulang ko maging akyat bahay talaga ako.

2pm na at wala pa rin talagang ganap sa GC namin. Tulog pa kaya yung mga 'yon?

Nagwworry na ako kaya nagchat na ako.

—-

retro babies

2:13 pm

reese:
yow wazzup

phoebe:
oh buhay ka na?
sila audrey mukhang tumba pa yata e

primrose:
wasted na wasted HAHAHAHAHA

kookheon:
mukha ngang tulog pa yung mga yon
tayo palang online e

reese:
wait may tanong ako hehe

phoebe:
ano

reese:
may ginawa ba akong kalokohan kagabi

kookheon:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
phoebe, sagutin mo yung tanong ni reese

phoebe:
ayoko
macurious ka muna diyan
pahinga ka muna today
bukas kita kita tayo
kkwento ko HAHAHAHAHAHA
Seen by kookheon, +2 others

❝ size ❞ ➳ c.syTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang