40

267 20 3
                                    

Reese

Jusko. Jusko. Jusko.

Bakit ba ayaw ako tigilan ni Seungyoun?! Parang awa huhu. Tsaka bakit parang walang nangyari? Balewala lang sa kanya? Palibhasa kasi playboy, balewala lang sa kanya yung kiss na 'yon. Sa'kin big deal 'yon! First kiss ko 'yon huhu

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang kumatok si Kookheon sa bintana. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan.

"Nasa lobby na sila Yuvin, sobrang lasing si Sihun tsaka Yuvin kaya hindi ko kaya mag-isa, patulong nalang." Sabi niya

"Sige." Sabi ko. Pumunta kami ng lobby para sana alalayan yung tatlo kaso halos mapako ako sa kinakatayuan ko nang matanaw ko si Seungyoun, Byungchan tsaka Wooseok na nakatayo sa may lobby.

"Uy bakit ka nahinto?"

"Kookheon pwede ba sa sasakyan nalang ako? Hintayin nalang kita do'n."

"Tulungan mo na ako, ang laking tao ni Yuvin hindi ko kaya mag-isa." Sabi niya

"Eh kaya mo na 'yan, may abs ka naman."

"Anong connect ng abs ko? Lika na kasi." Sabi niya at hinatak ako papasok.

"Uy andito pala kayo." Sabi ni Kookheon. Ako naman 'tong tumayo sa likod niya para kahit papaano ay matago ko sarili ko

"Oo pauwi na kasi dapat kami kaso nakita namin nakahiga 'tong tatlo dito sa sofa." Sabi ni Byungchan

"Lasing na lasing kasi. Tinawag ko 'tong si Reese sa sasakyan para sana magpatulong. Siya bantay namin ngayon eh." Sabi ni Kookheon

Omg Kookheon! Bakit mo naman sinabi?

Napatingin tuloy sa'kin si Seungyoun.

"May sakit si Reese ah?" Sabi ni Seungyoun

"Ha? Sakit? Wala ah. Hindi nagkakasakit 'yan, matibay 'yan eh." Sabi ni Kookheon.

Oo, Kookheon. Madalang ako magkasakit pero sana nagpanggap ka nalang munang may sakit ako ngayong araw? Huhu

"Medyo masama kasi pakiramdam ko." Sabi ko kay Kookheon

"Utot mo. Hyper hyper mo eh." Sabi niya.

Kookheon konti nalang tatapalan ko na 'yang bibig mo. Binubuking mo ako.

Narinig ko namang tumawa nang mahina si Seungyoun, "Tulungan ka na namin, Kookheon. May dala ba kayong sasakyan?"

"Oo sasakyan ni Midam, nasa parking." Sabi ni Kookheon. Inakay na nila si Yuvin tsaka Sihun. Ako na kay Midam kasi hindi naman siya lasing na lasing.

"Sakit ng ulo ko." Bulong ni Midam sa akin

"Mas masakit kapag walang ulo. Gusto mo matry? Tanggalin ko ulo niyong apat." Sabi ko sa kanya

"May period ka ba? Ang sungit ah." Sabi pa niya

"Manahimik ka nga diyan, gasgasan ko sasakyan mo eh. Nako talaga." Sabi ko.

Nung masakay na namin yung tatlo sa sasakyan, nagthank you naman si Kookheon do'n sa tatlo

"Reese, uwi mo muna sasakyan ni Midam?" Tanong ni Kookheon

"Hindi. Kela Midam ako matutulog." Sabi ko

"Ay osige. Text ko na Audrey, sabihin ko pauwi na tayo. Para matulungan tayo dito sa tatlo."

"Ah, pwede naman kami tumulong." Narinig kong sabi ni Wooseok. Napatingin naman sa kanya yung dalawa tas halatang nagpipigil ng tawa. "Kahit ako na magdrive ng sasakyan ni Midam para hindi na rin magdrive si Reese. Isang kotse lang naman dala namin." Sabi pa niya

Napataas ako ng kilay, kilala ako ni Wooseok? Wow.

"Ganito nalang. Ako na magdrive ng sasakyan ni Midam papunta sa kanila. Sumunod nalang kayo." Sabi ni Seungyoun.

Kookheon, please 'wag ka pumayag.

"Thank you. Mukhang inaantok na rin kasi 'tong si Reese." Sabi ni Kookheon

KIM KOOKHEON!

"Lika na." Nakangiting sabi ni Seungyoun. Okay, no choice ako. Sumakay na ako sa sasakyan, dito ako sa tabi nila Midam. Ayoko sa unahan. Payat naman ako kaya kasya kaming apat dito

"Okay ka lang diyan, Reese?" Tanong ni Kookheon

Hindi ako okay! Ayaw mo makisama!

"Oo okay lang." Sabi ko.

"Ang sakit talaga ng ulo ko." Narinig kong sabi ni Midam na katabi ko.

"Iinom inom ka tapos rereklamo ka. Matulog ka muna, pauwi na tayo." Sabi ko. Sumandal siya sa balikat ko, pagkatingin ko sa unahan, nakita kong nakatingin sa'kin si Seungyoun sa may rear-view mirror tas nakakunot noo.

Please bilisan mo nalang magdrive huhu.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now