16 | seungyoun

303 26 6
                                    

Seungyoun

Nasa first floor ako ng Retro ngayon. Nagbabaka-sakali lang.

Nakatambay ako sa bar counter nang makita kong pumasok sila Sihun, Midam, Kookheon tsaka Yuvin tas yung mga babaeng kaibigan nila. Una kong nakita si Primrose, siya lang naman kilala ko sa mga kaibigan nila Kookheon eh. Si Primrose kasi kilala siya ng halos lahat sa school, lalo na yung may mga pakialam sa mga ganap sa school. May apat pang babae pero napatitig ako do'n sa isa.

Gotcha.

So tropa ka pala nila Kookheon ha? Nahanap din kita.

Nang makalapit sila ng konti sa pwesto ko, nilapitan ko sila.

"Hyung!" Tawag sa'kin nila Kookheon, Yuvin, Midam tsaka Sihun. Napatingin naman sa'kin yung mga kaibigan niyang babae, napatitig lang ako sa isa, umiwas siya bigla ng tingin.

Kinausap pa ako nila Kookheon bago kami maghiwa-hiwalay. Pero hinanap muna siya ng mga mata ko bago kami maghiwa-hiwalay.

I'll keep my eyes on you, baby girl.

Pumanik muna ako saglit sa second floor at pumunta sa VIP Lounge kasi andon mga kaibigan ko

"Asan si Byungchan?" Tanong ni Jinhyuk

"Nawala nga bigla eh." Sabi naman ni Yohan

"Nako, andiyan sila Primrose diba?"

"Oo andiyan."

"Oh edi malamang magkasama yung dalawa o kaya baka pinuntahan niya si Primrose."

"Tinamaan na talaga kay Primrose."

"Hayaan niyo na, matanda naman na 'yon." Sabi ni Seungwoo-hyung

"Hindi muna ako gaano tatambay dito sa taas ha, tambay muna ako sa baba." Sabi ko at umalis agad, baka tanungin ako nung mga 'yon.

Tumambay muna ako sa bar counter at do'n uminom.

"May target ka 'no." Nagulat ako nang biglang may magsalita sa tabi ko, paglingon ko..

"Oy Wooseok." Bati ko sakanya, "Eh ikaw? Hinahanap mo ba kapatid ni Midam? Ayun oh." Sabi ko at tinuro yung magkakaibigan na nasa dancefloor.

"Hehe salamat." Sabi niya tas umalis na sa tabi ko.

Tahimik akong nanonood sa mga kilos niya mula dito sa pwesto ko.

Nung nakita kong inaalalayan na siya ni Yuvin ay dali-dali na akong pumunta sa lobby kasi alam kong uuwi na sila.

Komportable akong nakaupo sa lobby nang makita ko silang palabas na.

Binati ako ni Yuvin habang akay-akay si Midam na wasted na wasted na.

Si Primrose naman, akay-akay siya. Lasing na lasing siya kaya malamang wala na sa sarili 'to.

"Hi kuya. Juts ka pa rin ba?" Tanong niya

What the?

Na naman?!

"Oh my gosh, Reese!" Sabi ni Primrose tas tinakpan bibig ni Reese.

"Hyung, pasensya na. Lasing na lasing kaya kung ano ano nasasabi." Sabi ni Yuvin

"Sige okay lang. Ingat kayo pauwi." Sabi ko at tumayo na at umalis na. Pumunta na ako sa VIP Lounge sa second floor.

Malaman ko lang talaga pangalan mo. Get ready, baby girl.

❝ size ❞ ➳ c.syWhere stories live. Discover now