Prologue

1.4K 16 1
                                    

"Gino!" Patakbo akong lumapit dito, hawak-hawak ang dala kong libro.

"Saan ka ba nnggaling?" Palihim akong napangiti nang punasan niya ang pawis sa noo ko.

"Galing ako sa kabilang building. May dinala lang kay Krystal." Paliwanag ko sa kaniya. Marahan siyang tumango at kinuha sa kamay ko ang dala kong libro.

"Ako na magdadala rito." Nakangiti ko siyang sinasabayan sa paglakad. It's been years since I met him. Matagal ng nagta-trabaho sa amin ang papa niya kaya naging magkaibigan rin kaming dalawa.

"Giovanni, may nagugustuhan kana ba?" Halatang nagulat siya sa naging tanong ko. Inayos muna niya ang bag pack na gamit niya.

"Meron." Simple niyang sagot. Nanguna akong maglakad at muling tumingin dito. "Ingat ka. Baka madapa ka." Paalala niya. Hinawakan niya ang kamay ko dahil paatras akong lumakad.

"Kaklase ba natin?" Nakangisi kong tanong. Hawak niya pa rin ang kamay ko, nasanay ako na lagi niya akong inaalalayan.

"Hindi, e. Matalino iyon kaya nasa first section." Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

"E 'di magandan." Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"What do you mean?" Tumigil muna ako para masabayan siya sa paglakad. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang ang isa niyang braso ay nakahawak mga librong dala ko kanina.

"Kasi may chance ako! Ako lagi ang kasama mo, hindi ba? Kapag nasa college na tayo, ako rin ang makakasama mo kaya hindi ko kailangan mag-alala." Confident kong sagot sa kaniya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

"Aware ka naman na I like you, right?" Mabagal siyang tumango sa akin. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak.

"Okay lang kung hindi mo 'ko gusto ngayon. Madami pa namang taon. Iyong magbest friend nga, nahuhulog sa isa't isa, tayo pa kaya?" Marahan kong inalis ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Magkasama tayo lagi. Ikaw ang magiging driver ni Daddy sa susunod na taon, hindi ba? Maghihiwalay lang tayo kapag matutulog." Natatawa kong sabi. Agad naman niyang ginulo ang buhok ko.

"Ang daming alam." Matamis akong ngumiti at yumakap nalang sa braso niya.

"Sure naman ako na wala kang magugustuhan sa college. After 4 years, I will confess again." Paninigurado ko. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Let see." Gulat akong napatingin dito.

"Siguro naman after four years mahal muna ako." Napangiti ako nang mahina niyang pisilin ang pisngi ko.

"Ang kulit ng lahi mo." Natatawa niyang sabi.

Akala ko gano'n lang kadali iyon. Akala ko paglipas ng ilang taon, mahuhulog na siya sa akin. Akala ko lang pala 'yon dahil kahit anong gawin ko, hindi niya ako kayang mahalin.

"5 days nalang tapos na tayo sa hell life!" Sigaw ko habang nakaupo sa madalas naming puntahan ni Gino. Dito kami madalas mag-aral. Saksi ang lugar na 'to sa mga paghihirap namin as college student. Kung ilang ulit kong sinabi na ayaw ko na magtapos, kung ilang beses kong sinabi na baka bumagsak ako at hindi maka-graduate.

"Baka simula palang?" Sinulyapan ko si Gino, nakangiti niya akong pinapanood habang nakaupo siya sa isang bakanteng bench.

"KJ mo naman!" Reklamo ko at tumabi nalang din sa kaniya.

"Pero, ano ba ang pangarap mo, Gino?" Tanong ko sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at sinandal sa balikat niya.

"Pangarap ko? Ang yumaman at magkaroon ng sariling negosyo." Muli kong inalis ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang pangarap ko?" Nakasimangot kong tanong. Natatawa naman siyang tumingin sa akin.

"Ano ba ang pangarap mo?" Matamis akong ngumiti rito at tumingin sa mata niya.

"Ikaw." Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ikaw ang pangarap ko, Gino. I still like you." Muli akong tumayo at nagpunta sa harapan niya.

"Mali pa. Mahal na pala kita." Nakangiti kong sabi. Namamangha lang niya akong pinagmasdan.

"Naglalaro kana naman." Saway niya sa akin. Mabilis akong umiling at naupo sa harapan niya.

"Kapag dumating iyong araw na mahal mo 'ko, sabihan mo 'ko agad, ha? Para mahanda ko na 'yong kasal natin." Natatawa niyang pinisil ang ilong ko.

"Bakit kasal agad?" Tanong niya. Seryoso akong tumingin sa mga mata niya at pabirong umirap.

"Baka magbago ang isip mo, e. Mahirap na." Mas lalo siyang natawa at tinulungan akong tumayo. Inayos niya ang buhok ko at tumingin sa mga mata ko.

"We'll do that." Mas lalong akong napangiti sa naging sagot niya.

Sa paglipas ng ilang taon ay mas lalong lumalim ang pagmamahal ko kay Giovanni. Pakiramdam ko ay hinfi ko na kayang magmahal pa ng iba, na tanging siya lang ang lalaking gusto kong makasa.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko habang naghihintay sa labas ng unit ni Giovanni. Panay lang ang lakad ko at sulyap sa orasan. It's already 1:39 am.

Kaninang 11:47 pa ako nagmessage sa kaniya. Sinubukan kong tawagan ang number niya pero hindi pa rin siya sumasagot.

Mabilis akong napatingin sa pintuan ng unit niya nang bumukas 'to.

"Giovanni!" Naluluha kong tawag sa kaniya. I couldn't sleep. Gusto ko siyang makausap.

"What's wrong? It's already 2am, Zariyah." Nag-alala niyang sabi. Pinasandalan niya ako ng tingin bago lumapit sa akin.

"Are you drunk?" Mabilis akong umiling. Maliit lang naman ang nainom kong alak kanina.

"Zariyah..."

"I just want to see you, Gino. I couldn't sleep kaya ikaw agad ang naisip ko." Naiiyak kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya ang braso ko.

"I'm sorry...nakatulog ako kanina." Malungkot niyang sabi.

"No! Ako ang dapat humingi ng pasensya. Alam kong late na rin, pero kasi....kailangan kong sabihin 'to." Huminga ako ng malalim at deretsong tumingin sa mga mata niya.

"I just want to know if... you're in love with someone..k-kasi," Muli kong pinahid ang luha sa mata ko.

"Wala ka namang nababanggit sa akin. Wala rin akong kilala dahil ako lang naman ang babae sa buhay mo, hindi ba?" Tuluyang buhos ang luha sa mata ko. Hindi ko na kayang pigilan iyon.

"It's been years, Giovanni...wala ka pa rin bang gusto aa akin? Kahit kaunti lang?" Malungkot niya akong pinagmasdan.

"Hindi naman totoo iyon, Right? Wala kang girlfriend? Kaya ko naman maghintay, Gino, willing naman ako maghintay sa 'yo. Sabihin mo lang sa akin na wala kang girlfriend, hmm?" Akmang hahakbang ako palapit rito nang biglang bumukas ang pintuan.

"Gio, what took--Krystell?" Nagtataka kong sinulyapan ang kapatid ko at muling tumingin kay Gino.

"What are you doing here? Hinahanap ba ako ni Papa?" Tanong ni Krystal. Inayos niya ang pagkakabutones ng damit niya at lumapit na rin kay Gino.

"What's happening here? Love, pinaiyak mo ba ang kapatid ko?" Tanong ni Krystal.

"No--"

"K-kayo na?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Nagtatakang sinulyapan ni Krystal si Gino.

"Hindi mo pa sinasabi sa kaniya?" Tanong niya rito.

"Ang alin, Ate?" Deretso kong tiningnan ang ang kapatid ko. Matamis siyang ngumiti sa akin at humawak sa braso ni Gino.

"We're getting married, Krystelle." Hindi ko makuhang magsalita. Ang alam ko lang ay gusto kong maglaho sa harapan nilang dalawa.

To be continued....

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now