Chapter 13

843 9 5
                                    


"Ang ganda-ganda naman ng anak ko." Sabi ni Mam. The excitement I felt about the graduation was to hard to believw. My mom fixing my toga habang paupo ako sa assign chair ko. Si Ate Krystal, Gino, Dustin at Mary ay nasa harapan dahil pare+pareho silang with high-honor.

Nakakalungkot man pero at least, ga-graduate ako. Ilang beses akong kinausap ni Mama, comforting me and reminding me that it's okay if you're not that smart. At least you're trying.

"Ms. Mariano, iyong mama mo ba ang aakyat sa stage para kay Gino?" Tanong ni Marcos. Isa sa mga kaklase namin ni Gino.

"Ha? Wala bang aakyat sa kaniya sa stage?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Kumunot ang noo niya.

"Ay! Oo nga pala...nakalimutan kong hindi kayo okay-'

"I'm asking you, Marcos. Wala bang aakyat sa stage para sa kaniya?" Napatingin ako sa unahan kung saan sila nakaupong tatlo.

"Meron dapat. Maaga sila kanina kaso ay sinugod sa hospital ang nanay niya. Dapat nga ay aalis siya kaso ay pinigilan siya ni Dean. Baka babalik nalang siya sa hospital after our graduation." Nanlamig ang kamay ko. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Mama. Hindi pa naman nagsisimula kaya puwede pa siyang makausap.

"Ma?" Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Okay kalang? Tubig?" Umiling ako.

"Wala pong aakyat sa stage kay Gino, puwede po ba kayo?" Tanong ko sa kaniya. Pilit siyang napangiti at hinaplos ang buhok.

"Of course! He's your friend." Matamis akong ngumiti rito. Nang makausap ko si Mama ay mabagal akong lumapit kay Gino. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko.

Nasa may gilid siya katabi ni Mary. Napatingin sila sa akin nang bigla akong lumapit. Kumunot ang noo ni Ate Krystal. Si Mary naman at Dustin ay matamis na ngumiti sa akin, si Gino ay halatang nagulat.

"Z-zari...." Pula ang ang gilid ng mga mata niya. Halatang umiyak siya pero inalis ko iyon sa isip ko. Naging magkaibigan pa rin naman kami, e.

"S-sabi nila wala kang kasama aakyat sa stage. Kinausap ko si Mama kaya...siya nalang ang sasama sa 'yo. Kung ayos lang naman sa 'yo." Nahihiya kong sabi. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero, nahihiya ako dahil sa paraan ng pagtitig sa akin ni Ate.

"B-but it's okay if you do-"

"No. It's okay. Thank you, Zari. Maraming salamat." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango nalang ako sa kaniya. Si Dustin at Mary ay mapang-asar na ngumiti sa akin. Hindi na ako muling sinulyapan ni ate kaya tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at bumalik sa upuan ko.

Nang magsimula ang graduation ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinatawag sila sa stage. I'm so proud of them! Alam kong lahat kami ay nahirapan at hindi naging madali ang pagiging buhay estudyante.

I will surely miss them. Mahirap ang SHS pero mas mahirap ang buhay College. Alam kong mas magiging abala na kami kapag nasa college na kami but, still I'm thankful for all the good memories with them.

Nang tinawag si Gino ay si mama ang naging kasama niya. Katulad ni ate Krystal ay mafami rin siyang medals na natanggap. Halatang hindi siya mapakali pero may binulong si mama para mapatingin siya sa gawi ko.

Ngumiti ako. Alam kong nagkaroon kami ng problema but, I realized that it's not his responsibility to love me back. Alam kong naging padalos-dalos ako at nagkamali rin siya but, tama si mama. Bata pa naman ako.

Halos pabalik-balik si Mama sa stage dahil sa aming tatlo pero Worth it naman ang lahat dahil kahit nakakapagod ay alam kong malapit na kaming magtapos.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon