Chapter 17

675 12 10
                                    


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinundan ko si Austin palabas ng basketball court.

"Austin, sandali!" Habol ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang estudyante.

"Sandali lang, Austin! Ano ba?!" Hinawakan ko ang braso niya. He smirked while looking at me. Mabilis kong binitawan ang pagkakahawak sa kamay niya. Irita akong napabuga ng hangin.

"What?" Tanong niya na para bang wala lang sa kaniya iyong ginawa niya kay Ms. Callezo.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya kailangan ipahiya si Ms. Callezo. Okay lang naman sa akin kung matanggal ako. Baka nga hindi talaga ako magaling.

"What did I do?" Humarap na rin siya sa akin. Hindi tuloy ako makapag salita. Ngayon ay hindi ko alam kung ano ba ang pakay ko sa kaniya. Kung bakit ko siya sinundan?

"B-bakit mo ginawa iyon? Alam kong kaya mo siyang ipatanggal dahil may kapit kayo rito pero...hindi naman tama iyon." Mahina kong sabi. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Do you even know how to get mad at someone, Krystelle?" Yumuko siya para magpantay ang mata namin. Umatras ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Nakangiti niyang pinagmasdan ang mukha ko.

"Paano ako hindi mahuhulog kung ganiyan ka." Naguguluhan ko siyang pinagmasdan. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya.

Piinisil niya ang ilong ko bago tumayo ng maayos. "You're so cute when you're confuse. Alis na ako. May nagseselos." Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya. Nanlaki ang mata ko nang makita si Gino, nakatayo di kalayuan sa amin. Muli kong tiningnan si Autin na ngayon ay papalayo na sa akin.

"Parang tanga talaga." Mahina kong bulong. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Let's talk." Maingat niya akong himatak. Sumunod nalang din ako sa kaniya kahit hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Dinala niya ako sa likod ng building kung saan kami madalas tumambay na apat. Dito kami nag-aaral pag sumasa sa amin sina Dustin at Mary.

"Gino..."

"What was that, Zariyah?" Nagtataka ko siyang tiningnan. Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. "Nililigawan ka ba niya?" Mas lalo akong naguluhan sa tanong niya.

"Huh? Sino?"

"That De Centivanez. Nililigawan ka ba niya?" Seryoso niyang tanong. Hindi tuloy ako makasagot dahil gusto kong matawa sa kaniya.

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko. Umigting ang panga niya. Na para bang pipilit pinapakalma ang sarili niya.

"Nako! Huwag kana magselos do'n. Alam mo naman na sa 'yo lang ako babalik." Natatawa kong sabi. Seryoso niya akong timapunan ng tingin.

Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Sobrang bilis tuloy ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko makuhang tumingin sa mata niya.

We already kiss before but, I don't think my heart can handle the pain kapag naulit pa iyon. Na wala kaming.

"Don't tease me." He whispered in my ear and made me shiver. "I'm jealous but, I don't think you deserve someone like me, walang-wala pa ako, Zariyah." Mahina niyang sabi. Tumingala ako para masilip ang mukha niya.

"Gino,"

"I like you. I know you already knew about it but, I promise to myself, Zariyah. Hindi kita liligawan nang wala pa akong napapatunayan." Hinawakan niya ang mukha ko at marahan na hinaplos iyon.

"I'm sorry for hurting you. Kung pinapahirapan kita at ginugulo ang nararamdaman mo." Ngumiti ako sa kaniya.

"It's okay. At least you already like me. Maghihintay nalang ako sa 'yo. Kung kailan ka magiging handa para sa atin." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Zariyah..."

"Hindi mo naman kayang ipilit, Gino. Isa pa...kinausap ko lang naman si Austin but, I don't like him. Mabait lang siya pero ikaw ang gusto ko." Natigilan ako nang marahan niyang haplusin ang labi ko. Huli na nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Mabagal lang iyon pero ramdam ko ang pagkagat niya sa ibabang labi ko.

Mas diniinan niya ang paghalik sa akin. Mas matangkad siya sa akin kaya nahihirapan ako sa bawat paggalaw ng labi niya. Siya ang kusang humiwalay sa akin. Saglit niyang pinagdikit ang noo namin.

"What do you want to eat?" Nahihirapan niyang tanong.

"Hindi pa ako nagugutom, e. Hindi ba wala tayong pasok ngayon? Labas tayo?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Okay. How about we watch movie and dinner after?" Mas lalong lunawak ang ngiti sa labi ko.

"Sige. Wala naman tayong gagawin ngayon, e." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng university. Nadatnan namin si Austin at ang mga kaibigan niya. Napatingin ako kay Gino nang mahina niyang pisilin ang kamay ko.

"Seloso mo naman." Natatawa kong biro sa kaniya. Medyo malayo sa university namin ang Mall kaya kailangan pa naming sumakay ng jeep. Sanay naman na ako mag commute dahil wala akong sundo lagi, lalo na nung nasa SHS kami ni Gino.

Kami ba naman lagi ang madalas magkasama.

"Horror or Romance?" Tanong ni Gino sa akin. I don't really like romance pero dahil si Gino ang kasama ko, siguro naman puwede na umasa.

"Romance nalang." Sakto at may pinalabas na romance ngayon.

"I still Believe." Basa ko sa pinapanood namin. No'ng una ay kinikilig pa ako sa takbo ng kuwento pero nang nasa gitna na kami ng story ay nakakaiyak na.

They support each other. May band kasi ang lalaki, naging sikat sila and got married after years pero may sakit pala ang babae. Akala ko ay masaya lang ang kuwento. Tragic pala.

"Mas nakakatakot pala kapag namatay ang taong mahal mo. Gets ko naman iyong lalaki pero, sana kung naagapan ang sakit niya, baka buhay pa siya." Umiiyak ko pang sabi habang palabas ng sinehan. Marahan na pinahid ni Gino ang luha ko.

"It's just a movie." Natatawa niyang sabi.

"True story iyon! The guy got married after years. Alam kong may karapatan siya pero sabay silang nangarap nung babae." Nakanguso kong sabi sa kaniya. Hinawakan niya lamang ang kamay ko.

"Kapag ikaw ba? Gagawin mo iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Ang alin?"

"Iyong magpakasal sa ibang babae kapag namatay ang asawa mo?" Natigilan siya saglit.

"No. Iba ang pananaw ko sa kasal, Zariyah. Kapag kinasal ako sa isang tao, do'n na iikot ang mundo ko." Napangiti ako sa naging sagot niya.

"E di ang swerte ko pala kapag sa akin ka kinasal?" Nang-aasar kong sabi sa kaniya. Tumango siya at saglit na tumingin sa akin.

"Hmm? If we get married in the future. It's always you. Gano'n kahalaga sa akin ang kasal." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Nakakatakot naman pala. Paano kapag hindi ako ang punakasalan mo? E 'di wala na akong chance?" Parang bata kong tanong sa kaniya. Mabagal siyang tumango sa akin.

"Ang daya! E di dapat ay sa akin kalanh pala magpakasal." Natatawa kong biro kahit ang totoo ay nasadaktan ako sa mga puweding mangyari. Lalo at walang kasiguraduhan ang nararamdaman niya sa akin.

To be continued...

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now