Chapter 07

375 5 0
                                    

Nakanguso kong pinatong ang ulo ko sa mesa. Mabilis na lumipas ang mga araw. Mas lalo kaming naging abala ni Gino dahil nalalapit na rin ang entrance exam namin sa UCC. Iyon lng kasi ang malapit na university sa amin. Ayaw rin naman ni Gino sa sobrang layo lalo at may sakit ang nanay niya.

Napagkasunduan din nila ni Papa na kapag nag-college na kami ay siya ang maghahatid sa amin. Total ay nasa iisang university lang naman kami. Si Ate Krystal naman ay balak niyang mag enrol sa SCA kaya siguro ay every weekends lang namin siya nakakasama at nasusundo ni Gino.

"Here's your coffee." Umayos ako ng pagkakaupo. "Pagod na ba utak mo?" Natatawa niyang inayos ang buhok ko.

"Kinakabahan ako, Gino. Paano kung hindi ako makapasa? Ayaw kong magkahiwalay tayo ng university." Parang bata kong sabi. Mahina siyang natawa at hinawakan ang baba ko.

"Hey, I believe in you. Alam kong makakapasa tayo. Kung hindi ay sasamahan naman kita sa university mo. Magkikita pa rin tayo lagi." Mas lalo akong sumimangot.

"Ayaw ko nun!" Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko.

"Okay. Okay. Mag-review tayo lagi. Sabihin mo sa akin kung saan ka nahihirapan at tutulungan kita, okay? Aaralin natin iyan ng mabuti. Huwag kana malungkot, baka hindi ako makatulog nito." Mahina kong hinampas ang braso niya. Napatulala ako sa dibdib niya nang isandal niya ang ulo ko ro'n.

"Hirap naman mag-alaga ng bata." Pabiro niyang sabi. Napapikit ako habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Lalamig na iyong coffee." Sabi ko. Muli akong umupo ng maayos.

"Oo nga pala, uuwe rin naman tayo kaya bakit ka pa bumili ng coffee?" Tanong ko sa kaniya.

"Baka hindi na tayo magkita mamaya. May lakad si tatay at iyong papa mo. S'yempre aalagaan ko si nanay. Kailangan mo ri magpahinga, hmm?" Mabagal akong tumango. Kailangan ko talagang magpahinga kasi mas lalo akong hindi makakapag-aral kung lagi akong antok.

Nagkuwentuhan muna kami ni Gino bago magdesisyong umuwe. Kapag ganitong mga 9pm ay hindi na kami nasusundo ni Tay Nestor. Naglakad nalang din muna kami ni Gino para mag-abang ng jeep.

Palihim akong napangiti nang humarang siya sa likod ko. Nagtutulakan kasi ang ibang pasaherong sasakay pero hindi ako nahirapan umakyat dahil sa kaniya.

"Okay kalang?" Tanong niya nang maupo sa tabi ko. Mahina akong natawa.

"Ano ba? Baka isipin nila jowa mo 'ko. Buti sana kung totoo!" Mahina kong biro sa kaniya. Sumilay ang mapang-asar na ngiti sa labi niya.

"Hay! Iba rin talaga takbo ng utak natin, 'no?" Pabiro ko siyang inirapan.

"Alam mo? Minsan ang mixed signal mo, pero dahil mahal kita, okay lang. Kahit nga maging red flag ka, wala rin. Colorblind ako." Halos sabay kaming natawa sa naging biro ko. Hinawakan niya ang mga dala kong libro.

"Kapag may branch na ako ng Jollibee, sure na iyan." Natawa ako bigla. Ganito naman talaga kami lagi, e. Parang may sariling mundo.

Walang pakialam sa mga opinion ng ibang tao o sa kung sino ang nakakarinig sa amin.

"Para po." Halos sabay naming sabi ni Gino. Nauna siyang bumaba at hinintay niya ako para hawakan sa kamay. Rinig ko ang mahinang pang-aasar ng ilang pasahero.

"Matulog ka ng maaga, okay? Madami pa tayong aaralin bukas." Paalala niya sa akin.

"Ang daya namam! May trabaho ka at nag-aalaga ka rin sa bahay niyo. Tapos sa school kalang nakakapag-review pero bakit ang talino mo pa rin?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Zari, magkakaiba tayo ng kakayahan, okay? Isa pa, hindi mo naman kailangan itudo, e. Okay na iyong at least sinubukan mo at nagpapatuloy ka pa rin. Basta alam kong malalamangan mo rin ako." Pabiro ko siyang inirapan.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now