Chapter 14

617 9 4
                                    


Nanatili ako sa tabi ni Gino nang mamatay si Nanay Issa. Umuuwe lang ako sa bahay kapag magpapalit ako ng damit at babalik rin kay Gino para damayan siya. Kahit na nung burol ni Nay Issa ay hindi ko siya iniwan.

"Gino, kumain kana." Sabi ko sa kaniya. Halos pabalik-balik ako sa kuwarto niya. Ilang araw na siyang ganito kaya hindi ko makuhang umalis sa tabi niya. Ni wala akong maayos na tulog dahil lagi akong nag-aalala sa kaniya.

Minsan ay pinagluloto siya ni Mama pero sa huli ay hindi rin niya kinakaim. Napabuntong-himinga ako habang pinagmamasdan siya. Dalawang linggo na ang nakalipas pero, ang laki na ng pinayat niya. Siguro dahil ay mas malapit talaga siya sa nanay niya.

Kaya nga siya nagtatrabaho, e.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa hilif ng kama. Tulala sa kawalan kaya agad ko itong nilapit para iparamdam na hindi siya nag-iisa. Na handa akong damayan.

"Alam kong mahirap pero, hindi rin magiging masaya si Nanay Issa kung magkakaganito ka, Gino." Mahina kong sabi sa kaniya. Hindi siya kumibo kaya sa huli ay tumahimik nalang din ako.

Naging gani'n ang nangyari sa amin ni Gino. Hinayaan ko siyang manahimik at magluksa sa sarili niyang ina. Kaya nang minsan akong umuwe sa bahay para kumuha ng pagkain ay hindi ko inaasahan na makita si Ate Krystal. Tahimik lang siyang nakasandal sa upuan niya.

"Next week na ang results ng entrance exam. What's your plan?" Tanong niya habang naghahanda ako ng pagkain ni Gino.

"Don't tell me magiging ganyan ka nalang kay Gino? Nag-iisip ka pa ba, Krystelle?" Muli niyang tanong sa akin. Hindi ako kumibo.

"Your boyfriend needs you." Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Namatay ang nanay niya, Ate Krystal, gano'n din ba kahirap intindihin iyon? Wala siyang masandalan--"

"Lahat tayo ay mag pinagdadaanan, Krystelle. May kaniya-kaniya tayong problema at nasa sa atin na iyon kung paano natin iyon malalampasan." Hindi ako makapaniwalang napatitig rito.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ate krystal? Are you invalidating his feeling? Namatayan siya, hindi lang basta problema!" Giit ko. Hindi man lang nagbabago ang emosyon niya. Nananatili siyang walang emosyon.

"I'm not invalidating his feeling. I'm just worried about you! Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Halos ilang buwan kanang ganyan! Malapit na ang results, sa susunod na linggo ay pasukan na, and look at you? You're look like a zombie, ang payat mo na! You can save someone who don't want to be saved!" Galit niyang sabi.

"Gino is not my fvcking boyfriend! What happened between us is just a mistake..at hinding-hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kaniya." Tumayo siya kaya agad ko siyang sinundad.

"Where are you going?"

"I'm gonna talk to him! Kung hindi mo siya pagsasabihan ay ako nalang. Kung kailan ko siyang saktan para magising, gagawin ko. I can't just sit here and watch you being stupid again!" Sinundan ko siya para pigilan pero inis lang niyang hinawi ang kamay ko.

"Ate please..."

Nakikiusap kong sabi sa kaniya. Masyado siyang mabilis maglakad, padabog siyang pumasok sa loob ng kuwarto ni Gino.

"Ktystal.." Natigilan ako nang tawagin niya ang kapatid ko. Simula ng mamatay ang nanay niya ay hindi ko man lang narinig ang boses niya. Tangin pagtango lang ang natatanggap ko rito.

"I'm not here to comfort you, Gio. Nandito ako para ipaalala sa 'yo na hindi pa katapusan ng mundo, nawala ang nanay mo pero hindi iyon dahilan para tumigil na rin ang mundo mo." Matiin niyang sabi rito. Kita ko kung paano namuo ang luha sa mata ni Gino.

"Ate, ano ba-"

"Kung gusto mong sumuko sa buhay, go for it pero, huwag mong idamay ang kapatid ko. Alam kong mahirap pero, kayanin mo." Hinawakan ko ang braso niya. Yumuko si Gio, sa paraan palang ng paggalaw ng balikat niya ay alam kong umiiyak na siya. Isang bagay na hindi niya nagawa nung nawala si Nay Issa.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now