Chapter 05

470 5 1
                                    


Kinabukasan ay maaga akong gumising para makausap si mama. Bukas pa naman ang pasok namin kaya balak kong bumalik sa hospital.

Muli kong inayos ang buhok ko bago kumatok sa kuwarto nila. Sigurado naman akong naliligo si papa pag ganitong oras. Napangiti ako nang pagbuksan ako ni mama.

"Krystelle, may problema ba ang anak ko?" Umiling ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nagtungo sa kama para maupo. Sinuklay niya ang maiksi kong buhok gamit ang kamay niya.

"Mama, hindi po ba nasa hospital si nanay Issa?" Marahan siyang tumango habang nakatitig sa akin.

"Umaga po ang trabaho ni Gino. I know po na it's not my responsibility." Magalang kong sabi. Napangiti si mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"You really like him, ha?" Nakangiti niyang tanong. "Tell me, ano ang puwedeng maitulong ni mama?" Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. Dahil ang swerte ko kay mama, ni minsan ay hindi siya nagalit sa amin o nagawa kaming sigawan. Lagi niya kaming kinakausap at inaalam ang problema namin.

"Puwede po bang ako ang magbantay kay nanay Issa sa umaga? Tapos sa hapon naman ay papasok kami ni Gino? Kasi po para po nakakapahinga kahit papaano si Gino." Napaisip si mama habang nakakatig pa rin sa akin.

"Paano ka? Baka ikaw naman ang magkasakit, anak." Mabilis akong umiling. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero, kaya ko naman ang sarili ko. "I know you like him, I understand you, anak. Bata ka pa naman but, I want you to know that you should prioritize yourself too. Magtira ka rin sa sarili moz okay?" Tumango ako sa kaniya.

"Liking someone is normal. Hindi naman kita hahadlangan sa pagkagusto mo kay Gino, basta at huwag mong hayaan na masaktan ka sa huli, okay? Mama will get mad at you." Malambing niyang sabi. Muli siyang bumuntong-hininga at hinawakan ang kamay ko.

"Papayagan kitang bantayan si Issa, tulungan si Gino, pero dapat ay maaga ka rin uuwe para maka-pagpahinga ka, okay ba iyon?" Mabilis akong yumakap rito. Mahina siyang tumawa habang tinatapik ang likod ko.

"Thank you po, Mama! Uuwe po ako after school." Masigla kong sabi. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo kaya ako na ang kumalas sa pagkakayakap kay mama.

"What's happening here?" Tanong ni Papa nang makita niya kami.

"May hiningi lang na pabor sa akin ang anak natin." Sumulyap sa akin si papa. Bumuntong-hininga ito bago lumapit sa closet niya. Magpapaalam sana ako nang biglang humarap si papa.

May dala itong kahon.

"Here. I think you need this." Nagtataka kong sinulyapan si mama. Tumango siya kaya kinuha ko ang kahon kay papa. Sakto lang naman ang laki nito kaya hindi ko mahulaan kung ano 'yon.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman nito. "Cellphone?" Tanong ko kay papa. Tumango siya kaya mabilis akong lumapit at yumakap rito. Hindi kami masyadong malapit sa isa't isa pero, malaking bagay na sa akin ang regalo niya.

"Salamat po, Papa!" Nakangiti kong sabi. Hindi siya kumibo kaya mabilis rin akong kumalas rito. Nakangiti kong sinulyapan si mama.

"Salamat po sa inyo." Halos hindi ko maitago ang tuwang nararamdaman ko. Tumikhim si papa kaya sabay kaming napatingin sa kaniya ni mama.

"Sabay kana sa akin kung pupunta ka sa hospital." Parang bata akong tumango rito. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

"Magluluto muna ako para may makain naman si Gino." Hinawakan ko ang kamay ni mama at sabay kaming lumabas ng kuwarto.

"Excited na ako, Mama! Sigurado akong matutuwa si Gino." Nakangiti kong sabi. Muling tumawa si mama.

"Sigurado akong lagi kayong mag-uusap. Baka sabay pa kayong mag-review habang magka-video call." Pang-aasar ni mama. Nadatnan namin si Ate Krystal sa may sala. Lumapit si mama at humalik sa noo niya.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt