Chapter 15

787 8 4
                                    


Patakbo akong pumasok papasok ng university. Hindi kami sabay ni Gino dahil siya na ngayon ang naghahatid kay Papa. Nagpasama rin kasi muna si mama kaya hindi ako nakasabay sa kanila.

Agad kong kinuha ang cellphone ko para mag message kay Gino. Sa laki ng university, baka hindi ko siya agad makita rito. Hindi ko rin mahanap si Ate Krystal at ang boyfriend niya.

Me : Gino, where are you?

Wala pang ilang segundo ay nakatanggap na ako ng message galing sa kaniya.

Gino : Turn around.

Kumunot ang noo ko pero agad ko rin namang ginawa ang sinabi niya. Umikot ako at agad nagliwanag ang mukha ko nang makita siya. Nakamgito akong lumapit rito.

"Kanina ka pa?" Tanong ko dahil maaga silang umalis ni Papa kanina. He nodded.

"Have you seen our schedule?" Tanong niya. Agad akong umiling pero, sana ay magka-klase kami sa lahat ng subject. Lalo na at hindi ako sigurado sa course na nakuha ko. I just want to be with him. I know it's weird but, that's what I want.

"Here's your schedule. Magkaklase naman tayo sa lahat ng subject." Kinuha ko ang notes na hawak niya. Napatingin siya sa mukha ko at marahan na pinunasan ang pawis sa noo ko.

"Naglakad ka ba papunta rito? Hindi mo nalang ako tinawagan." Sabi niya habang kinukuha ang gamit ko sa kamay.

"Kaya ko naman." Nakanguso kong sabi. Hawak niya ang isa kong kamay. Ang isa niyang kamay ay hawak ang gamit ko.  Napapatinginn sa amin ang ilang estudyante ng university.

"Mary!" Sigaw ko nang makita ko siya. Niluwagan ni Gino ang pagkakahawak sa kamay ko. Si Mary naman ay mapang-asar na tumingin sa akin.

"Dito ka rin nag-aaral, Austin?" Tanong ko pero ang atensyon niya ay nakay Gino na ngayon.

"So, he's the guy, huh?" Kumunot ang noo ko at nagkatinginan pa kami ni Mary. "The guy who broke your heart." Nanlaki ang mata ko. Agad akong umiling.

"Mali ka! Hindi niya naman ako sinaktan!" Pagtatanggol ko kay Gino. Saktong napalapit naman sa amin si Gino.

Salubong ang kilay niya habang pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Austin. "Okay. Then, he made you cry, then?" Nahihiyang hinampas ni Mary ang braso niya.

"Kuya, hindi naman siya umiyak. Ibang rason iyon." Pagdadahilan ni Mary. Nahihiya kong tumingin kay Gino, si Austin ay nakangisi na ngayon sa akin. Na para bang nang aasar.

"What's the reason, then? Who's Gino?" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Si Gino ay halatang nawala na sa mood. Wala namang masama sa sinabi niya pero halatang nang aasar talaga.

"I'm Giovanni Salazar, Gino for short." Ngumisi si Austin.

"Auster Smith De Centivanez, But call me, Austin." Nagkamay silang dalawa pero pansin ko pa rin ang tipid na pagngiti ni Gino. Hinawakan ko ang kamay to remind him that I'm into him. Na siya lang at wala ng iba.

"Nice to meet you, Gino. By the way, I need to go now. Hinatid ko lang talaga si Mary dito." Matamis siyang ngumiti sa akin. Yumuko siya para mapantayan ang mukha ko.

Napaatras ako ng kaunti dahil sa gulat. "What are you doing?" Nataranta kong tanong sa kaniya. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak sa akin ni Gino.

"I'm just happy to see you. I don't know that you're this gorgeous when you're happy." Naayuko ako nang marahan niyang ginulo ang buhok ko.

Akala ko ay tumigil ako sa paghinga lalo na at alam kong badtrip na talaga su Gino. Si Mary ay agad na nagpaalam at hinala paalis ang kapatid niya.

God! Ilang beses na kaming nagkita ni Austin pero hindi ko alam na ganito ang ugali niya. Mapang-asar!

"You know him?" Tanong ni Gino. Kalmado pa rin ang boses niya. Pilit akong ngumiti rito.

"Not really. Parang apat na beses lang kami nagkita. But, he's nice naman." Napangisi ako habang nakatingin rito. Kunot pa rin ang noo niya.

"Are you jealous?" Tanong ko sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Selos ka?"

"Why would I?" Mas lalo akong napangisi sa naging sagot niya.

"Bakit nga ba? Wala ka namang dapat ipagselos." Kampante kong sagot. Muling himawakan ang kamay niya at nagsimulang maglakad.

"Wala ba talaga? He's good looking...I mean, mas pogi pa rin naman ako pero, pareho kayong may kaya sa buhay." Pinagkunutan ko siya ng noo. Hindi ko na maitago ang ngiti sa labi ko.

"Wala naman talaga dahil mabait lang si Austin sa akin. Mas matanda siya ng tatlong taon sa akin at parang kapatid lang ang turin niya sa akin. Higit sa lahat...alamo naman kung sino ang gusto ko, hindi ba?" Natatawa siyang umiling sa akin. Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Do you know him?" Mayabang niyang tanong. Mahina kong hinampas ang braso niya.

"Baliw! Huwag kang mayabang diyan. Baka nakalimutan mong pinaiyak mo 'ko. Hilig mo magselos pero ayaw mo naman akong jowain." Natatawa kong reklamo. Mahina rin siyang natawa sa naging biro ko.

"Bakit ba ang dali lang sa 'yong sabihin na gusto mo 'ko?" Tumigil siya saglit at seryosong tumingin sa akin.

"Kasi iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Isa pa, ano ba ang mali sa pag-amin? At least aminado ako sa 'yo. Ikaw? Kailan ka aamin na gusto mo 'ko?" Natatawa kong biro sa kaniya. Napahawak ako sa noo ko nang nahina niyang pitikin ang noo ko.

"Aww! Masakit iyon, ha?" Reklamo ko sa kaniya. Hinuli niya ang kamay kong nakahawak sa noo ko.

"Napaka-ingay mo." Natatawa niyang sabi. Pabiro ko nalang siyang inirapan.

Sabay kaming nagtungo ni Gino sa Classroom namin. Akala ko nga ay may mga pasok kani ngayon pero wala pala talaga dahil ang ilang professor namin ay hindi raw papasok. Sa huli ay gumala nalang kami ni Gino sa Mall.

"Anong oras mo susunduin si Daddy?" Tanong ko nang matapos kaming kumain sa Jollibee. Napatingin siya sa orasan.

"4 pm pa, hatid muna kita sa bahay niyo o sasabay ka muna sa pagsundo ko kay Sir?" Napaisip ako saglit.

"Ayaw ko pang umuwe, e. Ang aga pa." Sabi ko sa kaniya. Pinagtaasan niya akong ng kilay.

"So, what's your plan?"

"Hintayin nalang kita rito tapos ay hatid mo si Papa. Kung sasama ako ay siguradong hindi na ako makakalabas." Tumango naman siya sa akin.

"Saan kita iiwan? How about 7/11?" Tanong niya sa akin. Tumango ako dahil may 7/11 naman sa labas ng mall.

"Manood tayo pagbalik mo." Nakangiti siyang tumango sa akin. Gano'n nga ang ginawa namin. Pinuntahan niya muna si papa habang naghihintay naman ako sa 7/11.

"Oh? What are you doing here?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Austin lang naman iyon.

"May hinihintay lang. Ikaw?"

"Nakita kita kaya lumapit ako. Baka may umepal, e." Naupo siya sa tapat ko. Naguguluhan ko siyang tiningnan nang maglagay siya ng soft drink at pagkain sa harapan ko.

"Busog ako." Sabi ko sa kaniya.

"I know. You can eat it later. Mukhang matatagalan ang hinihintay mo." Ngumuso ako sa nang sabihin niya iyon.

"Mabilis lang iyon." Sabi ko.

"I don't think so. May meeting sila ni Daddy. That's why I'm here. Hindi puweding umalis si Gino, e." Ayaw ko sanang maniwala sa sinabi niya pero isang oras na lumipas pero, wala pa rin talaga si Gino.

Wala rin talaga akong natanggap na mensahe galing sa kaniya. Ano na naman ba ang trip nitong si Gino?

To be continued...

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now