Chapter 06

403 8 6
                                    

Gano'n nga ang naging set-up namin ni Gino. Papasok siya sa trabaho at ako naman ang magbabantay kay nanay Issa. After his work naman ay dadaanan niya ako sa hospital at sabay kaming papasok sa eskuwelahan.

Nakakapagod pero gusto kong makatulog kay Gino. Naging gano'n kami sa loob ng tatlong buwan hanggang sa tuluyan ng makalabas sa hospital ang nanay niya.

Nagtulungan din kaming mag-review para sa entrance exam namin for college. Dahil rin sa sobrang abala namin ay hindi nalang kami sumali sa prom night. Sobrang nakakapagod rin kasi ang pagbabantay namin minsan tapos isama mo pa iyong mga gawain sa achool.

"Sumahod na ako." Nakangiting sabi ni Gino. Kasalukuyan akong nagbabasa sa mini garden ng university namin nang bigla siyamg dumating.

"At least you can save it for the coming entrance exam." Sabi ko sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ang braso ko.

"Let's go?" Naguguluhan akong tumayo.

"Saan? May pasok pa tayo." Sabi ko sa kaniya. Nakatitig lang ako rito nang siya mismo ang maglagay ng mga gamit ko sa bag at siya mismo ang nagdala.

Mahina niyang kinurot ang pisngi ko. "May cellphone kana pero hindi ka pa rin nagbabasa ng mga chat sa GC." Nagtataka kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko.

"Walang pasok? Pero bakit?" Mahina siyang tumawa at hinawakan ang kamay ko. Sumabay nalang din ako rito.

"May meeting raw sila." Muli niyang ginalaw ang kamay niya para ayusin ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Saan tayo pupunta?" Muli kong tanong.

"Sa favorite fast food mo." Nanlaki ang mata ko. Agad ko siyang sinabayan sa paglalakad.

"Pero, busog pa ako, Gino. Isa pa, kilangan mo ng pera." Matamis siyang ngumiti sa akin.

"Sabi ko naman every sahod ko kakain tayo sa favorite fast food mo. Ilang choco sundae ba ang kaya mong ubusin?" Mahina siyang natawa nang makita ang pamumula ng pisngi ko.

"Aware ka ba na sobrang ganda mo, Zari? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Binubola mo na naman ako." Mahina kong sabi. Mahina siyang tumawa.

Tumigil muna kami saglit bago sabay na tumawid sa kalsada.

"Hindi talaga ako naniniwalang mag best friend iyan." Gusto kong sulyapan ang nagsalita sa likod namin pero nasa gitna kami ng kalsada. Hinayaan ko nalang din iyon at matamis na ngumiti kay Gino.

May malapit na Jollibee sa university kaya naglakad nalang kami ni Gino. Dala niya ang mga gamit ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko.

"Enjoy your meal, ma'am." Mahina akong natawa nang ipag-hila niya ako ng upuan at hinintay na maupo muna ako bago umalis para mag-order ng pagkain namin.

Nakangiti ko siyang pinagmasdan. Mahilig kasi sa korean si Gino kaya madalas ay ginagaya niya iyong mga hairstyle nila. Sakto lang din ng kutis niya, hindi maputi pero hindi rin naman moreno. Matangkad siya at kung tutuusin ay puwede nga siyang maging sikat na varsity sa college, e.

"Done fantasizing me, Miss Ma'am?" Napatitig ako sa mata niya nang mapansin na sobrang lapit ng mukha namin. Ang pareho niyang kamay ay naka hawak sa magkabilang dulo ng table.

"Minsan din ang hangin natin, no?" Natatawa kong sabi. Napangiti siya at muling pinagmasdan ang mukha ko.

"Ano ba! Baka mas lalo akong umasa niya at isipin kong mahal muna rin ako." Reklamo ko. Ngumisi siya habang nakatitig pa rin sa mukha ko.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now