Chapter 10

506 5 3
                                    

Nang gabing iyon ay wala talaga akong natanggap na message galing sa kaniya. Rinig ko rin ang pagdating ni Ate Krystal pero, hindi na ako nag-abalang lumabas pa.

Mukhang nakikisabay sa akin ang panahon dahil kinabukas ay maaga akong nakatanggap ng message. Walang kaming pasok dahil mga officer lang ng bawat department ang kailangang pumunta sa university.

"What happened to you?" Tanong ni Ate krystal ng makita niya ako. Alam kong mugto ang mata ko ngayon dahil sa sobrang pag-iyak kagabi.

She can't blame me! Lagi kaming magkasama ni Gino, magkausap pero dahil lang sa nakasama niya ito, bigla niya akong nakalimutan. Siguro dahil sa pagod ay nakatulog siya at dahil maaga ang pasok niya ay hindi na niya ako nagawang sabihan.

I keep reminding myself na baka busy lang talaga si Gino. Pero, madalas naman siyang busy, e.

"I'm asking you." Mataray na sabi ni Krystal. Walang emosyon ko siyang tiningnan. Mukhang naramdaman ni mama ang pagiging tahimik ko kaya agad siyang lumapit sa amin.

"May lagnat lang siya kahapon pero, okay na siya." Agap ni mama. Tahimik lang akong kumain dahil pakiramdam ko ay maiiyak naman ako. I really love my sister that's why kahit nasasaktan ako ay pinipili kong manahimik.

Nang matapos ay agad akong umakyat sa kuwarto ko. Nagulat pa ako nang sundan ako ni ate Krystal. Padabog niyang sinarado ang pintuan.

"Nakita mo naba ang sarili mo sa salamin?" Tiim bagang niyang tanong sa akin. Tahimik akong naupo sa kama ko at nagsimulang maglandas ang luha sa mata ko. Hindi ko alam bakit ang sakit-sakit.

"Is it about your best friend?" Galit na niyang tanong. Nanlabo ang mata ko dahil sa mga luha rito. "Zariya, you're still young. Bakit mo hinahayaan na gawing mundo mo ang isang tao?" Marahan akong tumingala para makita ang mukha niya.

"Do you like him, ate?" Kumunot ang noo niya.

"Of course not! Why would I like someone na mas mababa sa akin?" Natigilan ako sa sinabi niya. Kumuyom ang kamao ko.

"Gino's father is our family driver. Kapag college na tayo ay papalitan siya ni Gino. Do you think papatol ako sa gano'n." Mariin niyang sabi.

"What's wrong with that? Kailan pa naging basehan ng katayuan sa buhay ang pagmamahal sa isang tao?" Hindi ko maitago ang inis ko. Ngumisi siya sa akin at pinagmasdan ang itsura ko.

"And what do you know about love, Zari? Is it how you ruined your life just to prove how much you love that person? Or is it staying for someone who can't even see your worth?" Natigulan ako sa sinabi niya.

"Gino, literally in love with someone else, Zari--"

"S-stop.." Nanghihin kong pakiusap sa kaniya.

"I'm trying to save you, Zari. Halos araw-araw kayong magkasama. Wala kang maayos na tulog nung magkasakit ang nanay niya. Mom was trying hee best to help you, maga siyang nagluluto para lang may madala kang pagkain sa lalaking iyon. You're not that smart but still trying your best so you could be with him. You're a desperate woman who can't even value herself as a woman! You are better than this, Zari. Stop chasing someone who can't even love you back." Halos hindi ako makahinga sa mga sinabi ni Ate Zari.

"Confess to him, if he rejected you... please know your worth, Zari." Mariin niyang sabi bago tuluyang lumabas. Tuluyan akong nahiga sa kama habanh yakap-yakap ang sarili ko. Wala akong ginawa kung hindi umiyak lalo na nang mapagtanto kong wala akong natanggap na message galing kay Gino.

Nang mga hapon ay sinubukan kong mag-online at nakita ko iyong myday ni Dustin, magkakasama sila nina ate Krystal at Gino. Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung tama ba itong ginagawa ko.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now