Chapter 18

759 9 5
                                    

Sabi nila ang bilis ng panahon kapag nasa college kana. Iyong  tipong mahirap pero magigising ka nalang isang araw na malapit kana pala magtapos. Malayo pa pero malayo na.

Iyan ang madalas sabihin sa akin ni Mary. Engineering is not easy. May mga oras na pasuko na ako, I keep asking myself, nasa tamang daan pa ba ako? But, Gino told me that college wasn't easy at all but, giving up is not choices either.

Lalo na at nasa third year college na kaming lima. Minsan ay nakakalimutan ko si Ate Krystal, siguro dahil hindi naman namin siya madalas nakakasama. Naging abala rin kaming lahat pero, kahit gano'n ay madalas pa rin naman kaming magkasama ni Gino.

Sa mga nagdaang taon, mabuti nalang at nakukuha kong ipasa ang mga major subject ko, kahit papaano ay nasa first section ako kasama si Gino.

"Zariyah, kunain kana?" Tanong ni Gino nang makita niya ako. Kinuha ko agad ang panyo ko para punasan ang pawis sa noo niya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Hayaan muna iyan. Madudumihan ka." Ngumuso ako at pabiro siyamg inirapan. "Kumain muna tayo? Tapos hatid muna kita sa bahay niyo. May practice kami mamayang gabi." Tumango ako. Last year ay umalis na rin ako ng cheer dance. Hindi ko kasi kayang pagsabayin at isa pa, tama naman si Mary, puwede ko pa naman panoorin si Gino kung gusto ko.

Mas mabuti na iyon kaysa hindi ako makahabol at malipat sa ibang section. Isang bagay na naging maganda sa pagkagusto ko sa kaniya ay iyong ginagawa ko ang lahat para lang mapasa lahat ng subject namin.

Hindi man nangunguna pero at least ay kasali sa top.

"Gusto kong manood pero kailanga kong mag-aral." Sabi ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa at muling hinawakan ang kanay ko.

"Okay lang iyon. Sa finals kana manood." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Katulad ng sabi niya ay kumain muna kami bago niya ako ihatid sa bahay namin.

Gano'n lagi ang ginagawa namin ni Gino. Sa mga taong nagdaan, hatid-sundo niya ako. Sabay kaming kakain at mag-aaral. Minsan ay nakakatulog na kami habang magka-video call. Minsan nga ay inaasar na kami ng mga professor namin. Para na daw kaning magkamukha.

From: Gino

Go to sleep after your review, okay? Your health is more important.

To : Gino

Opo. Ingat sa pag-uwe.

From : Gino

Uuwe ako agad after my practice. I'll call kapag maaga kaming natapos. Pero huwag kang magpuyat, Zariyah.

To : Gino

Opo! Siga na. I'll review pa, e. Take care, Gino!

From : Gino

Okay. Review well and advance good night ❤️

Palihim akong napangiti nang mabasa ang huli niyang mesasge. Sino ba naman ang hindi aasa kung ganito siya lagi sa akin. Gusto kong magreklamo pero, masaya naman ako kaya hinayaan ko nalang din.

Napapikit ako nang muling sumakit ang ulo ko. Napasobra na naman siguro ako sa pag-aaral. Napatingin ako sa orasan. It's already 10:30 pm.

To : Gino

Are you home?

Nahiga ako sa kama at saglit na pinikit ang mata ko. Naghintay ako ng message hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

****

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may pasok pa kami kay Prof. Salvador. Ang sungit-sungit pa naman no'n sa mga late. Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang mag mga missed call do'n galing kay Gino.

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now