Chapter 08

298 4 0
                                    


"Papasa ka!" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Today is our entrance exam. Hindi ko alam kung papasa ako pero gagawin ko ang lahat para makapasa. Ayaw kong magkahiwalay kami ni Gino ng school.

Inayos ko muna ang sarili ko bago magdesisyong bumababa. Like what I've said hindi talaga ako matalino, trying hard lang talaga akong pumasa. Ginagawa ko ang lahat para maging magka-klase kami ni Gino.

Minsan nga ay hindi ako natutulog para lang mahabol ko ang average niya. In that way, hindi na kami maghihiwalay pa.

"Handa kana ba?" Tanong niya nang magkita. Usapan namin ay sabay kaming pupunta sa university. Magkahiwalay kami ng room pero ayos lang din naman. Ilang oras lang naman iyon, e.

"Calm down, Zari..alam kong papasa tayo." Hinawakan niya ang pareho kong kamay. "Basta relax kalang, kaag ganyan ay baka mas lalo kang mataranta at makalimutan mo ang sagot." Ngumiti siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"We can do this, Zariya Krystelle. Just believe in yourself." Tumango ako sa kaniya. I can do this.

"Yes! We can do this, Gino!" Nakangiti kong sabi. Hinatid muna niya ako sa magiging room ko. "Good luck!" Sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin bago tuluyang umalis.

Pumikit ako bago tuluyang nagtungo sa upuan ko. "Ilang oras lang ang magiging examination, Zari, ilang buwan mo 'tong pinaghandaan kaya makakaya mo 'to." Muli kong bulong sa sarili ko. We waited for other students bago magsimula ang entrance examination.

Gusto kong masuka nang tuluyang matapos sa pagsagot. Nang makalabas ay agad kong nakita si Gino, may dala siyang pagkain at tubig. Mabilis akong yumakap dito at umiyak.

"Zari...." Nag-aalala niyang tawag sa pangalan ko.

"Ang hirap ng exam, Gino. Paano kung hindi ako makapasa?" Umiiyak kong tanong. Hindi siya makagalaw dahil may dala-dala siyang pagkain. Hinayaan niya muna akong yumakap sa kaniya.

Ako mismo ang kumalas ng pagkakayakap ko sa kaniya. Nakanguso kong pinahid ang luha sa mata ko. "Nakakainis bakit kasi hindi ako matalino?" Mahinang natawa si Gino. Binaba niya ang hawak niyang pagkain.

"You're smart in your own, Zari." Pinahid niya ang luha sa pisngi niya. "Tama na, baka isipin nila pinapaiyak kita." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Pasensya na....pakiramdam ko masusuka ako sa sobrang pagkalito. Tingin ko naman papasa ako." Pero hindi ako sigurado kung sa first section ako.

"Papasa ka." Nakangiti niyang sabi. Muli niyang kinuha ang pagkain na binili niya. "Kumain muna tayo bago umuwe? Malapit na rin naman ang final exam pero at least ga-graduate tayo." Tumango ako kay Gino bilang pagsang-ayon.

Halos wala kaming ginawa ni Gino kung hindi mag-aral nang mag-aral. Siguro dahil alam niyang nahihirapan talaga ako. Hindi naman niya kailangan mag-atal, e. Sinasabayan niya lang talaga ako.

"Salamat," Sabi ko nang ibigay niya sa akin iyong pancakes at tubig na binili niya.

"Ako dapat ang magpasalamat, Zari. Puwede ka naman mag-aral sa mga sikat at pang mayaman talaga na university sa Manila pero mas pinili mong samahan ako rito." Pabiro ko siyang inirapan.

"Sus! Syempre baka mamiss mo 'ko lagi. Pero, balak ko pala sumali sa cheer dance kung sasali ka sa varsity." Tumango siya sa akin. Rinig ko ay puwede rin makatulong iyon sa akin para manatili sa university.

"Baka naman mas madaming manligaw sa 'yo kapag sumali ka?" Natatawa niyang biro. Madami naman talagang nanligaw sa akin pero karamihan do'n ay kusang tumitigil kasi alam nilang wala silang laban kay Gino.

Siya lang naman ang nakikita ko. Wala ng iba.

"Selos ka naman agad? Huwag kang mag-alala, kahit naman sino pa iyan wala akong pakialam." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Dami mong alam. May trabaho pala ako mamaya kaya baka aalis din ako pagkahatid ko sa 'yo. Nakalimutan kong sabihin, e. Okay lang ba kung gabi na tayo mag-aral?" Tumango ako rito. Okay lang naman sa akin iyon.

"Sige. Pero kahit bukas nalang tayo mag-aral. Pagod ka rin naman kasi sa trabaho, e." Sabi ko sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya nang hindi siya nagsalita.

Sinundan ko ng tingin ang pinagmamasdan niya. It was my sister. Nakalimutan kong dito rin pala siya mag-aaral.

Muli kong tiningnan si Gino, nakatitig pa rin siya dito. Yumuko ako at tahimik na kinain ang pancakes. Hindi ko alam kung ilang segundo niyang pinagmamasdan si Ate. Tumikhin ako kaya agad siyang napatingin sa akin.

"I'm sorry...ano nga iyon?" Nagtataka niyang tanong. Umiling ako.

"Sabi ko umuwe na tayo. Gusto kong matulog." Pagsisinungaling ko. Agad naman siyang tumango.

"Tara? Sabay nalang kayo ni Krystal. Mukhang wala siyang sundo, e." Tunango ako kahit pakiramdam ko ay may tumamang kutsilyo sa dibdib ko. Mabait si Gino kaya normal lang na mag-aalala siya sa kapatid ko.

"Ate Krystal, uuwe kana ba?" Tanong ko kay ate nang makalapit dito.

"Yeah. Why?" Tamad niyang tanong. Pinagtaasan niya ng kilay si Gino.

"Sabay na tayo." Sabi ko sa kaniya.

"No. Hatid mo nalang siya, Gino sa bahay. May nakalimutan pala akong puntahan." Sabi niya. Hindi na ako nagulat nang talikuran niya kami ni Gino. Na para bang ayaw niya akong makasama.

"Pasensya kana...baka wala lang siya sa mood." Nahihiya kong sabi kay Gino. Tumango lang siya sa akin kaya kinuha ko ang gamit ko sa kaniya.

"Tata na? May trabaho ka pa." Kahit ang totoo ay gusto kong umiyak. Pakiramdam ko ay nagseselos ako pero wala naman akong karapatan dahil sigurado akong magkaibigan lang kami. Na ako lang iyong may nararamdaman sa aming dalawa.

Katulad ng sinabi niya ay hinatid lang niya ako sa bahay at agad rin na umalis. Dumeretso ako sa kuwarto ko at pilit inaalis sa utak ko ang paraan ng pagtitig ni Gino kay ate Krystal. The way he look at her is different. Halata ang paghanga rito. Na kahit nagsusungit si Ate Krystal ay natutuwa pa rin siya.

Nagawa kong makatulog ulit. Hindi rin ako nag-online kasi may trabaho naman si Gino.

Paggising ko ay muli kong inabala ang sarili ko sa pag-aaral. Kahit sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko iyon binigyan ng pansin.

Mariin akong pumikit dahil wala akong maintindihan sa inaaral ko. Medyo masakit na rin talaga ang ulo ko kaya sa huli ay nahiga nalang din ako. Sa bawat pagpikit ng mata ko ay mukha ni Gino ang nakikita ko.

Alam kong hindi siya magugustuhan ni ate kaya naging kampante ako. Na kahit gusto kong magtanong kay Gino ay mas pinipili kong huwag nalang. Natatakot akong malaman ang sagot niya.

"Ayos kalang?" Tanong ni Gino nang magkita kami kinabukasan.

Umiling ako, "Hindi ako nakatulog kaya masakit ang ulo ko." Nag-aalala niyang hinawakan ang noo ko.

"Nakainom kana ba ng gamot?" Muli akong tumango rito. "Bakit hindi ka nakatulog? Ano ba ang ginawa mo kagabi?" May pag-aalala sa tuno ng boses niya.

"Gino, in love ka ba sa iba?" Kumunot ang noo niya. Halatang nagulat sa naging tanong ko.

"Ha? Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ka nakatulog?" Tanong niya ulit sa akin.

"Gusto ko lang malaman, Gino." Humarap siya sa akin at malalim na bumuntong-hininga.

"I'm not in love with anyone, Zari. I told you, kailangan ko munang magtapos at magkaroon ng pera bago pumasok sa isang relasyon." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot.

"You're not in love with my sister?" Tanong ko. Halata ang gulat sa mukha niya.

"Zari...." Tawag niya sa pangalan ko. "No! Ang sungit-sungit nun. I admire her kasi matalino. Iyon lang, Zari." Pilit akong ngumiti.

My sister is smart. Isang bagay na hindi ko kayang magawa dahil hindi ako kasing talino niya.

To be continued...

He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)Where stories live. Discover now