XI

17 2 1
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

Aki

Nakatulala lang ako kay ate Kyle na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakausap ng maayos.

It's been three days simula noong mangyari yung trahedya kay ate Kyle. Nagulat talaga kami lahat ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si kuya Al na buhat-buhat si ate Kyle at walang malay.

Grabe rin ang iniyakan ko that time kase kitang kita ko yung pagod at paghihirap niya. Duguan at puro sugat. Halatang malalim. She's holding a knife daw according to Lucky na isinama naman doon sa kutsilyong ginamit kay Reine. It has the number of 21 and one :

I wonder kung ano bang koneksyon ng mga numerong iyon at ng isang tutuldok sa gamit ng killer.

“Kain ka na Kyle. Tanghali na...” tiningnan lamang ni ate Kyle si ate Joyce na mayroong dalang tray na naglalaman ng platong may pagkain.

“Please Kyle. Kailangan mo ito para lumak--”

“Ayusin ninyo —natin ang pag-uugali natin. Matuto tayong lumugar sa Siyudad na ito. Dayo lamang tayo at kailangang igalang ang lahat ng mga naninirahan dito” nagkatinginan kami sa tinuran niya.

Yes, it is the first time na magsalita siya ng pure tagalog sa isang pahayag. What happened?

“A-anong ibig mong sabi--”

“Manahimik.” inilibot niya ang kaniyang paningin sa aming lahat.  “Ang manahimik ang tanging magagawa natin” dagdag pa niya bago nagpakawala ng isang buntong hininga.

Nagpilit siyang umupo na agad dinaluhan nina ate Liwen at Kried para maalalayan siya.

“Ang ugali at pakikitungo natin sa kanila ang makapagpapatagal ng pag-atake ng may sala o ng mamatay tao na iyon sa atin. Kailangan nating magpigil ng sarili at emosyon, kahit pa maging sa ating magkakasama. Itigil na ang sigal-ot at kung may hinanakit man ay pawiin na. Magmahalan at pagkatiwalaan natin ang isa't isa na parang mga tunay na magkakapatid.”

“Ano bang sinasabi mo Kyle? Naguguluhan na kami.” blanko ang mukhang tiningnan ni ate Kyle si ate Jhona na ngayon ay naupo sa sala dito sa kwarto nina ate Kyle at ate Liwen.

“Nakasalalay sa ating buong pagkatao ang ating buhay dito.” natahimik ang lahat at walang umiimik.

Totoong nakamamangha sapagkat hindi ko pa naringgan si ate Kyle ng kahit anong Ingles na salita magmula ng siya ay umimik. Kilala ko siya. Hindi matatapos ang isang talata niya ng walang salitang Ingles. Sisingitan niya iyon kahit ng isang word lamang.

Idagdag mo pa na napakaseryoso niya at pinagtutuunan ng pansin ang aming attitude that she never did before. Pinakaayaw niya ang pinapakeelaman namin ang isa't isa kapag dating sa pag-uugali namin because we're old enough na daw to know our limitations sa pagsasalita.

The other one is ‘yong buhok niya. Nagupit iyon at talagang hindi pantay na mag pahanggang ngayon ay hindi namin ginagalaw. Hindi gusto ni ate Kyle na ginugupit ang buhok niya. Mag-aaway talaga kayo at pagsisisihan mo kung magsuhestyon ka sa kaniya na magpagupit at sasabihing “Mind your own hair. It is my damn gorgeous, smooth and fragrance hair. You don't care about it!”. Minsan pa nga ay napagkakasunduan namin na inisin siya dahil gusto naming paulit-ulitin niyang sabihin ang mga katagang iyon na nasaulo na rin naming lahat.

“Iyon ang sabi niya. Ayusin natin ang pagtrato natin sa mga taong naninirahan sa kaniyang Siyudad. Isa pa, t-tigilan na raw ang pagsasalita ng I-ingles dahil hindi lang daw i-ito ang aabutin natin, partikular na ako.” nagpakawala siya ng buntong hininga at marahang hinaplos ang kaniyang buhok.

Now I understand kung bakit pure Tagalog na ang wikang gamit niya.

“Pwede bang gupitan mo ako Kried? ‘Yong pantay at hanggang balikat” gulat man ay nagawa pa ring sumagot ni ate Kried ng oo naman!

“Salamat. Pupunta muna ako sa banyo para maligo. Kapag labas ko, gupitan mo na ako.” pilit at malungkot na ngiti ang iginawad niya sa amin bago kuhanin ang gami at pumasok sa cr.

Alam kong nanghihina pa rin ang katawan niya dahil hindi naman normal ang pagkain niya. Palaging wala sa oras. Palagi pang puyat. Minsan ay nagigising na lamang kami sa hiyaw niya sa kalagitnaan ng gabi. Iiyak siya ng malakas at paulit-ulit na sasabihing tama na. Ayoko na. Nagmamakaawa ako, tama na. Gusto ko pang mabuhay. Tama na...

Sa tatlong gabing ganoon ang sitwasyon namin ay hindi pa rin ako nasanay. Sa oras na mangyayari iyon, kusa na lamang tumutulo ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan. Minsan ay lumalabas na lamang ako para hindi siya makitang umiiyak at magmakaawa. Palagi siyang binabangungot ng nangyari sa kaniya.

Ang atensyon naming lahat ay nasa kaniya nang lumabas siya sa cr. Medyo maaliwalas na ang mukha niya ngunit kahit pa nakangiti ay hindi ko maitatangging puno ng lungkot, hinanakit, at takot ang kaniyang mga mata.

“Halika na Kried. Doon na lamang tayo sa labas para naman makalanghap din ako ng sariwang hangin.” nakangiting aniya bago matamlay na tumungo palabas.

Walang umiibo sa amin habang pinapanood siyang lumabas ng pinto na kanilang silid. Ang ilan ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga kabilang na ako at ang iba naman ay bigla na lamang naupo sa kama at sahig.

“Sige na Kried, puntahan mo na siya. Pagkatapos ninyo ay ayain mo siyang kumain, iinitin ko lang muli ang pagkaing lumamig na.” nakangiting tumango si ate Kried bago lumabas sa silid.

Isa-isa silang nagsialisan kaya naman nagtungo na lamang ako sa sala at hinintay na matapos gupitan si ate Kyle. Halos labing limang minuto ang itinagal noon.

Bagay naman sa kaniya ang hanggang balikat na buhok. Sa katunayan ay mas lalo lamang tumingkad ang kaniyang angking kagandahan. Bukod sa matangkad si ate Kyle, may pagkamorena ito. Simple lang ngunit mayroong nakaaakit na ngiti.

“Bagay ba?” agad niyang tanong na pilit pinasasaya ang boses.

“Oum! HAHAHAHA. Mas lalo kang gumanda ate Kyle!”

“Sus, napaka-tapat mo talaga Aki haha” tinaasan ko siya ng dalawang kilay kasabay ng pagngiti.

“Tara kain” paanyaya niya kaya kahit pa kumain na ako ay tinanggap ko pa rin ang alok niya para man lang sana maibsan ang lungkot niyang nadarama.

Umaasa ako na sa paglipas ng mga araw ay muling babalik ang sigla sa kaniyang puso at buong pagkatao.

Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako na sa edad kong ito, ako ang unang mamatay. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi kayanin ng katawan ko.

How I wish this will end as soon as possible...

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now