Prolouge

11 3 1
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

“How can you be so sure that she was the reason behind all of this shits huh Reine? Do you have evidence?”

“I haven't bu--”

“Tss. What a nonsense!” tinitigan ko ang dalawang nagtatalo sa kung sino ang may sala at may kagagawan sa mga nangyayari sa amin ngayon.

Halos dalawang linggo na kaming nakakulong sa hindi namin alam kung saang lugar basta siyudad na tila normal lamang at araw-araw na nilalabanan ang mga nakakakilabot na pinaggagawa ng gagong iyon

“Ate Dhar, we need to be more patient. Hindi makakatulong ang init ng ulo” suhistyon ni Louies habang patuloy na kinukulinting ang cellphone niya.

Napabuntong hininga ako at tiningnan sila isa-isa.

“Whatever” gasing ni ate Dhar na agad na sumalampak sa kama.

“In this case, kagaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa inyo, we need to trust each other bu--”

“But too much trust can kill you” napangiwi ako matapos banggitin naming lahat ang nais na iparating ni ate Xen ng sabay sabay.

“Oo yun nga!” napairap ako sa tinuran niya.

Sa looban ng dalawang linggo, ilang beses na nga ba niya iyong sinabi? Napakarami na. Paulit-ulit.

“Guys, may natagpuan na namang patay sa labas.”

“Huh!? Sino naman?” agad akong tumayo sa pagkakaupo at agad na lumapit kay Jhona na siyang nagbabalita

“Si aling Helen. Singkwentang saksak ang natamo niya at halos hindi na makilala” napangiwi ako sa tinuran niya.

Iniisip ko pa lamang ay nadudual na ako. Gago talaga yung mamatay tao na yun! Walang patawad!

“Kailangan nating mag-ingat. Papalapit na siya ng papalapit sa atin” seryosong ani Aldrich at minarkahan ng pulang ekis ang dash board kung saan nakalagay ang salitang Kalye Belen na apat na kalye lamang ang layo dito.

“Sunod-sunod na nakawan naman ang nangyari sa Kalye Agire kagabi ngunit walang nasawi.” untag ni Yasser bago ipakita ang dyaryong binabasa.

“Ano? Hindi pa ba tayo kikilos? Baka tayo na ang isunod niyan?” naiinis na ani ate Joyce.

Napabuntong hininga ako. Tama sya. Paano mung kami na nga ang isunod? Makakaligtas kaya kami?

“Simulan na natin ang plano. Tama si ate Joyce, kailangan na nating maghanda”

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now