XII

14 3 1
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

****

Reine

Nakaupo kami ngayon sa sala. Walang umiimik. Tinititigan ko lang si Kyle na makikitaan ng sakit at takot sa mga mata.

I wanna comfort her kaso mahirap kase tulad n'ya, takot rin ako. Hanggang ngayon, gumigising ako ng may takot at pangamba.

What if sumugod ulit yun dito? Tapos ako na naman ang maging biktima? Or guluhin kami? Tapos magkawatak-watak kami?

I don't want to witness them, dying. Ang gusto ko makabalik sa kung saan kami nararapat. I want to witness them all being successful.

Gusto ko pa makasama sina papa at mama. Yung pamilya ko. Lahat sila gusto ko pang mayakap. Kaya abot-abot ang kaba at takot ko araw-araw.

“Reine...”

“Huh?”

“May problema ba? Kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang. What happened?” ilang ulit akong nailing at ngumiti ng pilit.

“I'm just thinking...”

“Don't stress yourself too much Reine. Take a rest hmmm?” tumango lamang ako bilang tugon.

I let out a heavy sigh before I stood up. Pumasok ako sa cr at tinitigan ang sarili sa salamin na naroroon.

Bruises are still there. Nag-iwan ng peklat ang iba.

Oo mahirap lang kami. Sa aming magbabarkada, ako yung may pinakapayak na pamumuhay. I don't have the things they have. Hindi ko kinakain yung mga pagkain na halos ay itapon na lamang nila. Hindi ko nasusuot yung mga damit na isang beses lamang nilang sinusuot. Hindi kami parehas ng kinukuhanan ng tubig. Hindi ako nakatira sa isang napakalaking bahay. They go to school with their cars while I go with my shoes. Pasira pa. I am lucky if makasakay ako ng tricycle sa isang linggo haha. But there is one thing I am sure that they once wish to have. A complete with a loving and caring family. Na hindi na kailangan pang magplead for their parent's attention.

Yes, doon ako lamang sa kanila. Kaya nga minsan, they used to be with me sa bahay namin kahit maliit lamang iyon and sumabay sa pagkain kahit na tuyo at adobong kangkong lamang ang ulam.  

Hindi nila ako iniwan sa hamon ng buhay. Sila yung tumutugon sa mga kakulangan ko sa pera. Minsan nga, sila pa ang sumasagot sa miscellaneous fee ko sa school. Nakakahiya man eh wala na akong magagawa.

Si ate Kyle, mabait s'ya. She never failed to make me laugh lalo na sa pagkaconyo n'ya minsan and seeing her like that hurts me.

Hindi ko na ata kakayanin pang makita ang iba pa naming kasamahan na mabiktima rin ng RN killer na 'yun.

Lumabas ako sa cr matapos umihi at naabutan sila sa salas. May sari-sariling ginagawa. Naupo ako sa tabi ni ate Dhar.

“Hindi n'yo ba napansin?”

“Ang alin?” natungo ako at kinulinting ang sariling cellphone.

May bagong sim na ibinigay sina Aries at Venus sa amin pero ang coverage lang ay sa buong siyudad. Hindi kami makakacontact sa ibang baranggay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now