I

4 3 0
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

KRIED

“Ma! I gotta go!”

“Take care of yourself Kried!” patakbo akong lumabas sa bahay at agad na sumakay sa van na pagmamay-ari ng pamilya nina ate Liwen

“Morning Kried”

“Morning” pagkasakay ko ay agad na umandar ang sasakyan.

“Ilang days nga tayo dun?”

“According to Aldrich, one week will do”

“Hmmm... Exciting”

“Yeah...” nakangiti kong pinagmasdan ang mga dinaraanan namin papunta sa isang hindi kilalang siyudad na tinatawag na Litra.

Base sa aming research, medyo abandunado na raw iyon ngunit may mga tao pa ring naninirahan doon. Sa katunayan, marami pa ring tao ang naroroon. It was a little bit creepy but it's more fun.

Since sem-break, we decided to visit that town. Luckily, pinaburan iyon ng mga magulang namin because they have their own businesses too.

Sinilip ko ang bahay nina Kyle hanggang sa makita siyang lumabas dala ang kaniyang gamit.

“Good morning. Asan yung iba?”

“Morning. Maybe nandoon na sa napag-usapan nating tagpuan kahapon” nakangiting ani Liwen

Nababakas ko ang saya sa mukha ni Kyle ng umandar ang sasakyan. Sunod naming dinaanan sina ate Xen, Louise and Lucky bago dumiretso sa tagpuan.

Nadatnan namin doon sina kuya Aldrich, Yasser, ate Dhar, at Reine samantalang kasabayan lamang namin sina Jhona, Aki at ate Joyce.

“Ready na kayo!?”

“Whooaaa! Exciting 'to!”

“Can't wait!”

“Wait for us, Town Litra!” sunod-sunod nilang hiyawan na pinasigundahan naming lahat ng halakhak.

Hindi kami magkakaedad. Mas matanda sina ate Xen, ate Joyce, kuya Aldrich, ate Dhar and ate Liwen but still, bata pa rin. Same university kami that's why naging magkakaibigan kami.

“Let's gooo!” nagsipasukan kami sa van nina ate Liwen dahil iyon na lamang ang gagamitin naming sasakyan.

Si kuya Aldrich ang nagmaneho papunta sa Litra. Kinailangan pa naming gumamit ng GPS para matura kung nasaan ang lugar.

Napakalayo pala noon at talagang inabot kami ng dilim sa paghahanap.

“Naliligaw na ata tayo kuya Al.”

“Huh? Gumagamit tayo ng GPS Aki, how come that we lost our way?” sinilip ko ang madilim na langit.

Gabi na pero hindi pa rin namin nararating ang tinatawag nilang Litra. Hindi kaya mali ang GPS? Pero bakit at paano?

“Hayun! Magtanong na lamang tayo!” nagkatinginan kami sa biglang hiyaw ni Louise habang itinuturo ang mama na naglalakad at may dalang flashlight

“Tara...” bumaba kaming lahat at pinuntahan ang matanda.

Mukhang nagulat siya sa aming presensya ngunit agad ring ngumiti. Ang nakapagtataka lamang ay matapos na ngumiti, bigla na lamang nito kaming tiningnan ng masama.

“N-nais lamang po naming magtanong kung saan ang daan patungo sa siyudad ng Litra”

“Bakit?”

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now