VI

6 2 5
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

Jhona

“Huli na ang lahat. Hindi na kayo makalalabas pa dito”

“Ano na naman ba ito ha, Aris!? Pwede ba, paalisin mo na kami?” nagmamakaawa ngunit bakas ang inis sa tono ng pananalita ni kuya Al.

Alam kong nahihirapan s'ya at nasasaktan dahil sa nangyari kaya gusto na niyang bumalik.

“Binalaan ko kayo na huwag magpaabot ng isang linggo ngunit hindi kayo nakinig. Ngayon ay wala na ang daan palabas ng Litra.”

“Ano? Pakiulit nga” tinitigan niya ako ng masama kaya ginantihan ko rin iyon ng masamang titig.

Gagiks pala s'ya eh. Dami-daming sinasabi pero ayaw naman na may magtatanong sa kan'ya.

“Sarado na. Ipinihit na ang pinto palabas ng Siyudad.”

“Eh may sayad pala itong isang ito eh. Tara na nga!” nagpatiumunang maglakad si Lucky na agad sinundan ni Kuya Al.

“Humanap ka ng kausap mo” huling imik ko bago sumakay ng Van.

Napakarami n'yang alam at natatakot ako na baka totoo lahat iyon.

Nangyari na ang una niyang sinabi. Paano kung totoo na naman ito?

Pero sino naman ang magpipinid noon? Sa pagkakaalam ko ay isang open gate lang naman ang dinaanan namin papasok. Hindi iyon maisasara. Napakaimposible rin namang ipipihit patalikod iyon. Anong klaseng tao ba ang meron dito? May mga kapangyarihan? Psh! Kalokohan!

Nagsisakayan ang lahat sa van ni ate Liwen at sinimulang patakbuhin ni kuya Al.

Binayaran na namin kahapon ang upa at ang kuryenteng nagamit namin. Hindi naman ganoon kalaki para ipagdamdam. Ang gasol na binili namin dito ay iniwan din na lamang namin.

“Baliw ata ‘yong Aris na ‘yon eh” ani Louise ng makalayo kami ng tuluyan sa bahay.

“She talked a lot but nonsense. I hate her to the max” nanggigigil na ani Kyle.

Isa pang Ingles nito, sasabunutan ko ito eh. Agang-aga imik ng imik ng Ingles. Nakakaurat s'ya.

“Ayoko ng bumalik dito sa Litra”

“Pero 'di ba nga, ito ang gusto natin? ‘Yong may adventure?”

“Baliw! Syempre ‘yong adventure na hindi tayo mamamatay!”

“Kaya nga, ‘yong tanging bakasyon lang ang iisipin natin”

“Sira na ang bakasyon natin...” natigil ang lahat ng biglang umimik si Reine.

Napakalungkot ng boses niya at talagang mahihimigan mo iyon. Naka-cross arm s'ya at nakatitig sa labas ng bintana. 'Ni hindi nga niya kami tinapunan ng tingin.

“Dapat kase hindi na ako sumama dito, ano na lang ang sasabihin sa akin nina Nanay at Tatay? Na ito ba ang napapala ng isang taong nagbakasyon? Na nakamamatay pala ang magbakasyon? Hayst ewan ko!” ginulo niya ang sariling buhok at ilang ulit na nailing.

Naiintindihan ko siya dahil una sa lahat, hindi na n'ya talaga gustong sumama sa amin pero pinilit pa rin namin sya. Noong una ay buo na ang desisyon nya pero nang sumabat ang nanay at tatay niya na pinipilit siyang sumama sa amin, wala siyang nagawa.

I felt sorry to her kase her peaceful life was disturbed. Hindi ko — namin naman iyon ginusto. Tanging ang sumaya at magbakasyon lamang ang ipinunta namin dito pero hindi namin akalaing ganoon kainit ang pagsalubong nila sa amin sa kanilang siyudad.

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now