VIII

10 2 8
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

Yasser

Pinagmasdan ko ang ginagawa ni kuya Al sa dash board. Maayos ang pagkakasalansang niya ng post it note at hindi hinayaang may hindi pumantay sa naunang post it note.

“Napakabilis namang gumalaw ng Rn Killer na iyon. Kanina lamang ay umatake siya sa Baltazar tapos ngayon ay sa Catiklim naman.”

“Psh! Mga walang kwenta ang awtoridad sa Siyudad na ito. Bakit hindi nila mahuli eh kung matagal na itong sumasalakay sa lugar nila?” Kried have a point.

Bakit sa tagal ng panahon ay wala pa rin silang impormasyong nakukuha? Bakit hindi pa rin nila mahuli ang killer? Hindi na ako magtataka kung sa dulo ay malaman naming lahat sila ay magkakasabwat.

We are trapped here in town Litra and we know nothing about them so there's a big probability that they were just making fun with us. Pinagtritripan nila kami into different level.

“Hindi ko pa rin matawagan sina mom and dad. Text messages are still pending. The connection is lost. What are we gonna do now?” agad akong nabalisa sa sinabi ni ate Liwen.

Wala pa ring signal just like kanina.

“Ano bang nangyayari? Bakit pati signal ay nawala?”

“Ayokong isipin na kagagawan din ito ng killer na iyon pero hindi ko maiwasan.” napabuntong hininga ako at tinitigang maigi ang aking cellphone na maingat kong nilalaro.

RN Killer.

Rat Name Killer.

Psh! Bagay nga sa kaniya ang bansag sa kan'ya. Rat. Daga. Katulad siya ng daga na mabilis kung kumilos. Hindi basta mahuli. Maraming lungga.

Posible kayang marami rin siyang hinihigpuan? O baka naman hindi siya nag-iisa? Lupon ang mga daga kaya baka may kasamahan pa siya. O pwede rin namang nagpapanggap siya sa ilang katauhan. Pero bakit at paano?

“Sigurado akong kapag hindi pa tayo nakauwi ngayon o hanggang bukas ay mag-aalala na sila sa atin.”

“Eh 'di mas mabuti. Ipahahanap nila tayo kung ganoon at siguradong pupunta sila dito sa Litra” ani ko at bahagyang kinurot ang ibaba ng aking tenga para hindi tuluyang antukin.

“Alam ba naman nila na dito tayo pupunta? 'Ni hindi ko nabanggit ang tungkol sa lugar na ito sa kanila. Basta nagsabi lang ako. No more explanations” nakagat ko ang ibaba kong labi at napaisip sa sinabi ni Lucky.

Iniisip ko kung nasabi or nabanggit ko ba kahit isang beses lamang kina mom and dad ang tungkol dito sa town Litra ngunit kahit ilang ulit akong magbalik tanaw ay hindi talaga lumabas sa aking bibig ang Litra.

Agad akong natingin kay Kried na katabi ko lamang habang patuloy na kinukulinting ang cellphone niya.

“Ikaw Kried?”

“Huh? Ako? Hindi rin eh. Peste naman oh! Bakit ba kase walang signal!?”

“Huwag ka ng umasang magkakasignal pa Kried. Na-trap na nga tayo dito eh edi malamang sa malamang, siya rin ang may kagagawan niyan. Nakaya n'ya ngang ipihit ang daraanan palabas, edi kaya n'ya ring manipulahin ang signal” mahabang lintiya ni Louise na prenteng nakaupo sa single sofa.

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now