IV

5 3 0
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

Lucky

Dagli akong napangiti sa ganda ng sikat ng araw. Sa ika-apat na araw ng pamamalagi namin dito sa Litra, nakampante na ako. Malamig na simoy at preskong hangin na dumadampi sa balat, nagtataasang puno, umaawit na mga ibon. Talagang masasabi kong kapayapaan.

Kahapon, nilibot naming muli ang buong Litra. Marami akong nalaman. Na sa siyudad na ito, mayroong mall na naroon na ang lahat. Tinatawag itong Litrall (Lit-ro-ol). Binubuo rin ang Litra ng labing tatlong Kalye at kabilang kami sa Kalye Sagip.

“Kape?” ipinilig ko ang ulo at agad na nangiti ng tumambad sa akin si Reine dala ang dalawang tasang kape, isa na ang iniaaro sa akin

“Salamat. Have a seat” maingat kong tinanggap ang kape at hinipan iyon

Masarap magtimpla ng kape si Reine, talent na n'ya ata iyon. Sa aming lahat, sila ni Kried ang nagkakasundo pagdating sa kape.

Well, mahilig sila doon. Ang pinagkaiba nga lang, Kried loves black coffee while Reine, kahit ano iinumin n'ya basta pasok sa taste n'ya.

“Bakit ka nandito? Maaga pa ah”

“Ang ganda dito 'no?”

“Hmmm...” naupo siya sa tabi ng upuang ginawa namin nina kuya Al at Yasser pagbalik dito.

I don't know how we came up with the decision na gumawa ng bench under the Mango tree kung saan nakaupo kami ni Reine.

“Mamimiss ko ang Litra kapag umuwi na tayo” nakangiti kong pinagmasdan ang buong kapaligiran.

Totoo iyon, I will surely miss this place. A resting place for its beautiful scenery.

“Yeah right. And kung may pagkakataon pa, we will going back to this town” sumimsim ako sa kapeng tinimpla niya.

Hindi iyon gaanong mainit kaya hindi hassle inumin.

Natahimik kaming dalawa at sabay na hinintay ang tuluyang paglitaw ng araw.

Tanging ang bawat hinga at paghigop namin sa kape ang siyang naririnig namin. I must admit it, hindi kami ganoon ka-close ni Reine. May time na nagkakasama kami pero mas madalas na kasama ko si Yasser, Louise at Kried although may sari-sarili silang mundo.

Naiilang din siguro s'ya sa akin that's why she can't open up a conversation and I can't blame her with it.

Inilibot ko ang aking paningin na agad tumama sa isang babaeng nagtatago sa isa pang puno ng Mangga sa hindi kalayuan. Deretso siyang nakatingin kay Reine na siyang umiinom ng kape.

Nang pakatitigan iyon ay tsaka ko lamang napagtantong siya ang babaeng pinag-awayan nina kuya Al at ate Xen kahapon ng umaga. Aris was her name if I am not mistaken.

Hindi niya nilulubayan ng tingin si Reine na nakapagpakaba sa akin.

“Pumasok na tayo sa loob Reine” anyaya ko ngunit kay Aris pa rin nakatuon ang aking paningin.

Anong kailangan niya kay Reine?

“Huh? Bak--”

Who's The CulpritUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum