III

4 3 0
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

Xen

Maingat akong tumagilid sa takot na magising ko si Jhona dahil sa pag-uga ng kamang hinihigan namin.

Natatakot ako. Nangangamba. Paano nga kung totoo nga ang mga sinabi nung Aris? Ano na lang ang mangyayari sa amin?

Mamamatay rin ba kami tulad ng iba? Mapapahamak ba kami? Makakauwi pa kaya kami?

Ayokong bawian ng buhay dito. May mga pangarap pa akong gustong matupad.

"Ate matulog ka na please...?" humugot ako ng malalim na buntong hininga at isinantabi ang mga sinabi ni Aris.

Hindi ko alam kung anong oras ako dinalaw ng antok at ilang oras na payapa ang aking isipan dahil heto na naman ako at iniisip ang pwedeng gawin.

Pangarap ito ng barkada. Plinano at pinag-ipunan. Matagal namin itong minithi at ngayong naririto na kami, uuwi pa ba agad kami?

Ewan ko! Naguguluhan ako.

“Ano bang iniisip mo Xen? Kanina ka pang balisa...” isang tipid lamang na ngiti ang iginawad ko kay Joyce bago sumimsim sa aking kape

“Iniisip mo rin ba ang sinabi nung Aris kagabi?” matunog akong bumuntong hininga at tinitigan siya sa mga mata

“Tama bang magdesisyon na umuwi na lang tayo Joyce?”

“Ewan ko Xen. Nababahala rin ako. Paano kung mapahamak tayo dito and worst, mamatay? Natatakot ako...”

“Mas mabuti siguro kung umuwi na nga lang ta--”

“Ano po!? Uuwi!? Bakit!?” nagkatinginan kami ni Joyce sa biglang sigaw ni Aki at sa sunod-sunod nitong tanong.

Siya ang pinakabata sa amin kaya naman ingat na ingat kami sa pagsasalita sa takot na masaktan s'ya.

“Come here Aki...” iminuwestra ni Joyce ang silyang katabi niya na agad tinugon ni Aki, kaharap ko na silang dalawa.

Hawak-hawak ang tasang kapehan ay tinititigan ko siya. Napakainosente. Napakabata. Hindi ko ata makakayang makita siyang dito mamamatay.

“Look, Aki. Delikado dito. Hindi 'man namin alam kung ano talaga ang mangyayari, mabuti ng maging handa--”

“Hindi ko alam na mapapaniwala ka nung Aris sa mga sinabi niya kagabi sa talino mong 'yan, Joyce...” iiling-iling na naglakad si Aldrich papunta sa divider kung nasaan ang mga kape.

Nagsalin siya ng tubig mainit at marahang hinalo sa tasa. Humigop muna siya roon bago nagtungo sa amin.

“Walang aalis. Dito lang tayo, mag-e-enjoy katulad ng plano” napamaang ako sa tinuran niya.

Hindi ba niya nakikita yung mga possibilities na totoo ang mga sinasabi ni Aris? Is he numb or what?

“Nahihibang ka na ba Al!? Delikado nga dito! Hindi natin alam kung dito na ba tayo mamamatay!” hindi ko napigilan ang tumayo ay duruin siya

Who's The CulpritDove le storie prendono vita. Scoprilo ora