II

6 3 0
                                    

Not edited so expect typos and grammatical error. Thank you!

**

KREID

Hindi ko alam kung paanong nagawa ko pa ring gumising ng maaga sa kabila nang super late ko ng pagtulog kagabi.

Agad akong naligo at nadatnan sina ate Xen and Jhona na naghahanda na ng aming agahan. Siguro ay sila ang magkasama sa kwarto.

“Good morning, Kreid. Kape ka na” agad aking nangiti at nagtimpla ng sariling kape bago nagtungo sa sala.

We have stocks good for one week and I guess, aabot s'ya ng three weeks. Just the daily needs.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kabahayan. It was just a normal house with a normal set-up. Naka-upo ako sa long sofa na kaharap ng tv sets. Ang tv dito ay hindi flat screen. Just the old one that made me amaze. Like, meroon pa palang mga tao ang bumibili noon despite of being technology oriented ng ating generation.

Kung haharap ka naman sa  kanang bahagi ay bubungad sa iyo ang dash board na ipinagtataka ko kung bakit. May mga pushpins pa sa bawat tabi noon. May ilang thumbstack pa.

On the other side, ang dirty kitchen ang bubungad sa iyo. Simple. Walang arte.

Sa likod naman ay naroroon ang wooden door na mayroong ukit. Cemented rin ang floor and wall kaya lang medyo may bitak na. Pero sa kabuuan at kung para sa akin, its kinda beautiful. Hindi ka na mahihirapan pang hanapin ang mga nawawalang bagay or gamitband at the same time, hindi nakakapagod ang pumunta sa isang sulok. Unlike sa bahay na I need to go upstair para lang makapunta ako sa sariling kwarto.

“Good morning ate Kreid”

“Hmmm... Morning” tugon ko bago sumimsim sa aking kape.

Naupo si Aki sa tabi ko habang patuloy na kinukulinting ang camera niya. Panaka-naka naman siyang humihigop sa tinimplang kape hanggang sa dumating si Kyle na agad naupo sa single sofa at kinuha ang kape ko.

“Yah! Make your own!” Hiyaw ko at inagaw pabalik ang tasa ng kape.

Umikot ang eyeballs niya at padabog na tumayo “Hmp! Ang damot!”

“Smile ate Kreid!” Nanlaki ang mata ko sa biglang paghila ni Aki sa akin dahilan para hindi na ako makangiti pa sa harap ng camera

“Ang cute...”

"Ko? Ahhh, natouch naman ako Aki. Thank you"

Napairap ako sa ginawang pagsingit ni Kyle sa gitna namin ni Aki

“Assuming” mahinang bulong ko pero may sa bampira ata itong babaeng ito at narinig pa ang ibinulong ko

“ATE XENNN! SI KYLE OH!” malakas kong palahaw na talagang nag-echo sa buong kabahayan.

“Aray! Ano baaa!” sinamaan ko ng tingin si Kyle na humahagalpak ng tawa na pinasundan ng tawa ni Aki.

“Hindi pa ba tayo aalis? I want to gala na to the whole town.” nakabusangot na ani ate Liwen at naupo sa single sofa na kinauupuan kanina ni Kyle.

Sinusuklay niya ang basa, itim at mahaba niyang tuwid na buhok.

“After we ate, Liwen. Don't rush things too much” nakangiting ani ate Joyce na iminustra ang hapag.

Agad kaming dumulog sa hapag. Walang imik na pinagsaluhan ang pagkaing inihanda nina ate Xen at Jhona. Nang matapos ay ako na ang nagpresintang maghugas ng plato dahil ang karamihan sa kanila ay hindi pa nakakaligo.

Who's The CulpritWhere stories live. Discover now