Chapter 8

1.9K 81 56
                                    

CLAIRE

       Hindi ko akalain na darating ako sa point ng buhay ko ngayon, na gumigising ako na hindi na puro problema ang  inaalala sa twing imumulat ko ang mata ko sa umaga. May pera na akong pambili ng gamot ni Nate, ng pagkain namin sa araw araw at iba pa naming pangangailangan. May maayos kaming bahay at may permanente akong trabaho.

Sinagot din ng Foundation nila Ian ang halos 80% ng gastos ni Nate sa operasyon niya. Kaunti nalang ang utang na dapat kong bayaran sa kanya. Ayaw niya sa totoo lang na tanggapin ang hulog ko buwan buwan, pero sinabi ko sa kanya na gusto kong matahimik ang loob ko kaya sana ay pagbigyan niya na ako at sa huli ay napapayag ko naman ito.

Mahirap magkaroon ng utang na loob lalo na sa mayayaman at galit ako dapat sa mga taong pinanganak na para bang pagaari nila ang mundo. Pero unti unti ay binago ni Troy at ng pamilya niya ang pananaw ko sa mga may kaya sa buhay. Sila ang patunay na iba iba padin ang tao at dapat hindi nilalahat, sadyang may mabubuti at masasama lang talaga sa mundong ito. At napakaswerte ko dahil nakilala ko ang isang Troy Adrian. Siya ang dahilan kung bakit maayos na ang buhay namin ni Nate.

"Claire!" napasimangot ako kay Diane. Ang lakas ng pagkakahampas niya sa braso ko.

" Bakit ka ba nananakit?" asar na tanong ko sa kanya.

" Nakatulala ka kaya, kanina pa kita kinakausap. Mamaya matuluyan kang tumira dyan sa utak mo." natatawang sagot niya.

" Bakit kasi? Tsismis na naman? Sino na naman ang topic this time?" kung sino sino kasi ang napapansin niya sa mga katrabaho namin.

" Ay dyan ka nagkakamali Mams, truelalo is this. " ibinalik ko sa storage ang mga panlinis ko. Maaga ko kasing natapos linisin ang mga check out rooms ko.

" Ano naman yan? " walang interes na sagot ko.

" Ay grabe siya, wala manlang excitement? Type ka daw ni James, yong nasa F and B. Balita ko nga liligawan ka daw. Ayiehhhh! ganda mo Teh!. . " napaisip ako kung sino yong tinutukoy niya.

" Sinong manliligaw kanino!? "

Pareho kaming nagulat ni Diane kay Sir Ian. Hindi manlang namin napansin na nasa likod namin ito. At teka, anong ginagawa niya dito sa storage?

" Good morning Sir, may kailangan po ba kayo?" unang nakabawi si Diane sa pagkakagulat.

" Wala ng tissue sa cr ko, galing ako sa kitchen kaya dumaan nalang ako dito. Now, sino yong manliligaw kay Claire? I mean kay Ms. Gomez. " bakit ako kinabahan? Si Diane naman ang tinatanong niya.

" Ah eh, narinig po kasi kanina ni Maya na nagagandahan daw po si James kay Claire at balak niya daw po itong ligawan. Mauna na nga pala ako Sir, may tatapusin pa pala ako sa taas. " mabilis itong umalis at iniwan kami ni Sir Ian.

Outside work at kapag kaharap ang pamilya niya, natatawag ko siyang Troy paminsan minsan pero madalas Sir Ian sa trabaho, malamang nakakahiya naman na ganon parin tawag ko sa kanya.

" Totoo ba? " baling niya sakin. Nagpanic ako. Teka bakit ba ako kinakabahan kasi..

" Uhm, hindi, e-ewan ko. Hindi ko alam. Kakasabi lang din sakin ni Diane." pinakatitigan niya ako. Problema ba niya?

" Should I announce to them na boyfriend mo ako?" nameywang ito. " Pwede din namang sesantihin ko nalang siya, should I fire him? " naalarma ako. Bakit niya naman gagawin yon?

" Teka lang ha, bakit mo naman siya tatanggalin sa trabaho?" kumunot ang noo niya.

" Why? Ayaw mo ba? Gusto mo bang ligawan ka niya? Do you like him? " sunod sunod na tanong niya.

His HEARTWhere stories live. Discover now